CHAPTER FOUR

4.3K 102 5
                                    

MAJOR Zachary Williams. Isang Amerikano at
retiradong opisyal ng army na dating naka-assign sa Military Base sa Pampanga. Nagkataon lang na nasa bahaging iyon ng Maynila si Zach at may inasikaso. He met some old friends. At isa na roon si Castro, ang anak ng dating tagapagluto ng pamilya nito na ngayon ay isa nang pulis.

Nasa bahay ng ina si Castro at ang asawa nito at kasama si Major Williams para sa isang munting selebrasyon dahil sa pagbisitang iyon ng huli. Nasa kalagitnaan ang mga ito ng kainan at inuman nang sumakit ang tiyan ng asawa ni Castro na kabuwanan na.

Si Major Williams mismo ang naghatid sa asawa ni Castro sa pinakamalapit na ospital. Nang makapanganak nang maayos ang asawa ni Castro at madala na sa sariling silid ay muli itong sinamahan ni Major Williams upang
kumuha ng gamit sa bahay nito na dadalhin sa ospital. Nasiyang dahilan kung bakit naroon ito sa eskinitang iyon.

Si Major Williams na rin mismo ang nagdala kay Rebecca sa ospital. Tumangging magpagamot si Prince nang iutos ng matandang lalaki sa mga nasa ER na asikasuhin din siya. At bagaman sinisikap nitong manatiling may kamalayan ay tinalo iyon ng pagsalakay ng kadiliman na lumukob sa paningin niya.

At bago siya tuluyang nawalan ng malay ay nakita niyang kinakabitan ng mga doktor ng oxygen si Rebecca at nagmamadali ang mga itong ipagulong ang stretcher patungo sa kung saan man.

Kung ano man ang dahilan, inasikaso ni Major
Williams ang mag-ina. Nang magkamalay si Prince ay nagpumilit na tumayo upang tingnan si Rebecca na nalaman niyang nasa ICU. Sa utos na rin ni Major Williams ay pinahintulutan ng hospital personnel na silipin ni Prince ang ina.

Subalit hindi na nakausap ni Prince si Rebecca magmula nang ipasok ito sa ICU. Makalipas lamang nang apat na araw ay binawian ito ng buhay. Nasa late stage na ang cancer nito sa baga.

"LET'S go home, boy.."Banayad na tinapik ni Zachary Williams si Prince sa balikat. "It's getting dark..."

"Huwag mo akong tawaging 'boy'!" he snapped.

Hindi nito inaalis ang mga mata sa huling pinaglagakan kay Rebecca kahit na nanghahapdi na ang mga mata nito sa luhang pinipigil na bumagsak.

Nakakaunawang nagbuntong-hininga si Zachary. May ilang sandali pang hinayaan niya sa pamimighati ang binatilyo. Bumalik siya sa Land Rover at naupo sa hood at tahimik na pinagmasdan si Prince. Nang magsimulang
kumalat ang dilim ay tumayo siya at nilapitan ito.

"It's getting dark, Prince. I know you have nowhere else to go..." he said softly. "Kung ibig mo'y sumama ka sa akin... sa bahay ko. Naroon si Kaila, ang aking asawa. We have a little girl, Delaney. She's eight years old and I'm sure she would love to have you..."

Nakita ni Zack ang pag-iigting ng mga bagang nito He was furious, Zack could see it in his eyes as Prince stared at him.

Subalit hindi marahil nito magawang sigawan siya Prince he probably thought he owed him. He saved his life and took care of everything. From the hospital bills to his mother's funeral.

"Ayokong magpaampon!" His pride made him snap at Zach. He was seventeen, may part-time na trabaho bilang boy sa gasolinahan kahit paano. Kaya na nitong mabuhay mag-isa.

Zach saw that he was also bitter, hurting... and
Scared.

"Who said about adoption?" aniya sa banayad na tinig. "Sa Quezon City nakatira ang pamilya ko, Prince. Stay with us for a while, habang pinaplano mo ang gusto mong gawin sa buhay mo. You can even work for me. A year ago, may binili akong rancho. Puwede kang magtrabaho roon. Ikaw ang magpapasya."

May ilang sandali ang pinalipas ni Prince bago siya nilingon. "Bakit mo ginagawa ito?" he asked quietly.

Nagkibit siya ng mga balikat. He didn't know why either. Nang una nitong masilayan si Prince na nakabulagta sa papag, his face was the color of chalk and a nasty cut had ripped his skin open near his ear.

Zach expected hysterics and cries. Normal iyon sa pinakamatapang mang lalaki. Pero walang ipinakitang ganoon si Prince. He was too proud to show weakness.

Maliban sa relief sa pagkakaligtas niya rito, shame and rage grappled with each other as Prince stared at him that night.

"Hindi mo ako sinasagot," untag nito.

Pinisil niya ito sa balikat. "Sabihin na lang nating mapagkawanggawa ako. Well." Nagkibit ito ng mga balikat. "People do that to other people. And it happened to be you. Dinala tayo sa isa't isa ng sirkumstansiya. At kung sakaling natulungan kità, you can pass the good deeds along... It's a cycle, my boy."

Zach was certain Prince didn't buy what he said. Gayunma'y hindi ito nagsalita. And he was thankful for that. Nilingon nitong muli ang pinaglibingan sa ina. Muling pinisil ni Zach sa balikat ang binatilyo.

"Time to go, Prince."

SWEETHEART 13: Someday My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon