CHAPTER NINETEEN

6K 117 3
                                    

HINDI pa man namamanaag ang araw sa likod ng mga bundok ay gumising na si Delaney. Hanggang sa abutin siya ng antok kagabi ay hindi dumating si Prince. Iniwan na niya sina Nana Mameng at Jordan sa paghihintay rito. Gayunman ay napag-usapan na nila ni Jordan na aalis sila bago magliwanag. Si Nana Mameng ay nagpasyang magpaiwan na muna.

Isang madaliang paliligo ang ginawa niya. The water was too cold that she was shivering when she went out of the bathroom. Sa loob ng sampung minuto ay nakapaligo at nakapagbihis siya. Dala ang shoulder bag ay lumabas siya ng silid. Bago siya bumaba ng hagdan ay tinapunan niya ng sulyap ang silid ni Prince.

Tila may mga karayom na isa-isang tumutusok sa dibdib niya habang nakatitig siya sa pinto ng silid nito. She heaved a sigh. Mabilis na bumaba at tinungo ang guest room. Mahinang katok ang ginawa niya. Muli niyang inulit nang walang sumasagot. Nang pihitin niya ang seradura ay bukas iyon at sumilip siya.

The room was empty. Ang kama ay tila hindi naman tinulugan. At kahit na anong gamit ni Jordan ay wala siyang makita sa loob ng silid. Kunot ang noong muli niyang isinara ang pinto. Dumiretso siya sa sala at binuksan ang malaking pinto. Sa kabila ng madilim pa'y alam niyang wala na roon ang sasakyan ni Jordan.

She sucked air. Pagkatapos ay pabagsak niyang isinara pabalik ang pinto. Halos takbuhin niya ang pagpanhik sa hagdan at tuluy-tuloy sa silid ni Prince. She hesitated for one moment before she turned the knob and pushed the door open. She walked through the sitting room and to the bedroom.

Sa bahagyang liwanag na nagmumula sa labas ay nakita niyang nakadapa ito sa kama at tulog na tulog. Naniningkit ang mga matang mabilis niya itong nilapitan.

"Wake up, you bastard!" Marahas niya itong
niyugyog. Nagpupuyos ang dibdib niya sa galit. "Gumising ka!"

Prince groaned. Naalimpungatang tumihaya ito. Inaantok pang nagmulat ito ng mga mata. "Lana?"

"Damn you, Prince!" she lashed at him. "Nasaan
si Jordan?"

Tuluyan na itong nagising. Pero nanatiling nakahiga at nakatitig sa nagpupuyos na anyo ni Delaney.

"Ano ang ginawa mo kay Jordan at biglang umalis?" patuloy niya. "Alam mong sasama akong pabalik sa kanya sa Maynila! Ano ang sinabi mo at biglang-"

Hindi niya nagawang tapusin ang sinasabi. Umangat ang kamay ni Prince patungo sa baywang niya at hinila siya patungo rito. She shrieked as she landed on his side.

She struggled free. "Pakawalan mo ako, ano ba!"

"Ssshh.. hindi malayo rito ang silid ni Nana.
Magigising mo ang matanda." Itinaas ni Prince ang ulo niya upang umunan sa braso nito. Nahawakan nito ang basang buhok niya. Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito. "Gusto kong magalit sa dahilan ng maaga mong paliligo, Lana," he said in a voice still husky from sleep. "But I can forgo that." His arms went around her possessively.

Nagpupumilit si Delaney na makawala, itinutulak ang malaking katawan at binting nakadagan sa kanya, realizing for the first time that he was practically naked except for hiş briefs. And that his maleness, aroused and hard, was nestled on her bottom.

"Tumigil ka sa kapapalag," Prince commanded. "I
just want to hold you like this." Humigpit ang yakap nito sa kanya, nuzzling the back ofher neck and inhaling her fragrant hair. "Pagod at puyat ako, Lana. Wala pa akong kalahating oras na nakakatulog. Let's go back to sleep, we still have a couple of hours before sunrise."

Prince's quiet and gentle tone alarmed her far more than his violent temper. At sinisikap nitong ignorahin ang masarap na kilabot na nararamdaman na unti-unting kumakalat sa katawan nito. "N-nasaan si Jordan?" she asked as she again struggled to free herself.

SWEETHEART 13: Someday My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon