CHAPTER SEVENTEEN

5.1K 111 7
                                    

ALAS-CINCO ng madaling-araw nang magising si Delaney kinabukasan. Kung pinirmahan ni Prince ang mga dokumento kagabi, then that would spare them both from further idle talks-na maaaring mauwi sa pagtatalo. Kung makakaalis siya bago mag-alas-siete ng umaga ay makakarating siya sa Maynila bago lumalim ang gabi.

Mabilis niyang inayos ang sarili. Pagkatapos ay
nagmamadaling tinungo ang master bedroom. Isang mahinang katok ang ginawa niya. Nang walang sumagot ay muli niyang inulit. Pinihit niya ang doorknob at sumilip sa loob. Maliwanag ang sitting room. Pumasok siya at tuluy-tuloy sa loob ng silid. Prince was nowhere in sight. The bed was empty and, of course, unmade. She smiled fleetingly. Old habits die hard.

Bukas ang pinto ng banyo at lumakad siya patungo roon. Sa sahig ay nakakalat ang mga hinubad nito at basang tuwalya. Ibig sabihin ay nakapaligo na ito.

Tinungo niya ang bureau kung saan niya iniwan ang mga dokumento kahapon. Subalit wala ang mga dokumento sa ibabaw ng antigong bureau na nagmula pa sa dating bahay nila. Bahagyang kumunot ang noo niya. Nasa ibaba ba si Prince at nag-aalmusal at kasalukuyang binabasa ang annulment papers?

She turned to leave when something caught her eyes. Sa waste bin sa gilid ng bureau ay naroon ang isang parmilyar na bagay. Ni hindi iyon pumasok nang husto sa loob ng waste bin.

Hindi makapaniwalang yumuko siya at dinampot ang mga dokumentong hinati-hati. At sa paraan ng pagkakapunit ng mga papel, it was done in anger. She groaned her dismay. Nagmamadaling lumabas ng silid at bumaba.
Nilampasan niya ang bakanteng díning room at tuluy-tuloy sa kusina. Naroon si Nana Mameng at kasalukuyang nagluluto ng almusal.

"'Morning, Nana" bati niya. "Have you seen
Prince?"

Kumunot ang noo nito sa tono niya. "Nang makainom ng kape'y agad nang nagtuloy sa kural.. Ni hindi na nahintay na maluto itong sinangag ko. Bakit ba?"

"Nana, tingnan mo ang ginawa ng lalaking iyon sa mga dokumentong dala natin!"

Sandaling nabitin sa ere ang sandok nito at niyuko ang nasa mga kamay niya. Kung hindi nagkakamali si Delaney ay isang pigil na kasiyahan ang nakita niyang nagdaan sa mukha nito.

"Bakit pinunit ni Prince ang mga iyan?" tanong nito muling binalingan angniluluto.

"Damn, if I know!'"

"Delaney, ang lengguwahe mo," banayad na saway ni Nana Mameng."Maupo ka at ipagtitimpla kıta ng tsokolate.'"

"Nana, sa makalawa ay may kausap akong tao.
Gusto ng mga anak ni Mr. Ting na makita ang vacation house sa Tagaytay!" she said in annoyance. "Kailangan kong umalis ngayong umaga kung gusto kong humarap sa kanila nang hindi pata ang katawan."

"Mag-usap kayo ni Prince pag-uwi niya mamayang tanghalian," suhestiyon nito. "Kung makakaalis tayo bukas ay may magdamag ka na maaaring ipahinga."

"I don't think that's a very good idea, Nana. And knowing Prince, duda ako kung dito iyon manananghalian o kung umuwi man iyon nang maaga." Padabog siyang naupo sa silya habang inihahanda ni Nana Mameng ang tsokolate niya. Ang ginawa ni Prince ay nakalilito sa kanya.

At dahil nawalang-kabuluhan ang pagtungo niya rito ay mas mainam na umalis na siya ngayon pabalik sa Maynila.

"Maiwan kayo, Nana," aniya rito bago hinigop ang tsokolate. "Magbakasyon na kayong tuluyan dito sa farm at magpahatid na lang kayo kay Prince kung gusto na ninyong umuwi sa atin."

Manghang nilingon siya nito. "Delaney-"

"Sa taas ko na ito iinumin." Itinaas niya ang mug ng tSokolate. "Maliligo ako bago umalis."

Nagpupuyos ang loob na naligo siya at pagkatapos ay nagbihis. Bitbit ang traveling at shoulder bags ay bumaba siya ng hagdan. Naroon si Nana Mameng na lumalim na nang husto ang linya sa noo.

SWEETHEART 13: Someday My PrinceWhere stories live. Discover now