CHAPTER THREE

4.5K 104 11
                                    

"BAKIT ngayon ka lang, anak?" Mula sa kulambo'y sumungaw si Rebecca. Humihingal sa katatapos lang na pag-ihit ng ubo.
Nagulat pa sa dahan-dahang paghiga sa papag niya si Prince. Hindi niya akalaing gising pa ang ina. Mag-a-alas-tres na ng madaling-araw.

"Na-nasabit ako, 'Nay. Nakipagkuwentuhan lang ako diyan sa labasan. Bakit gising pa kayo?"

"Ipinangako mo sa aking magtatapos ka ng pag-aaral, Prince..."

Hindi pa man sumasayad sa papag ang likod niya'y bumangon na siyang muli. "Ba't napunta na naman diyan ang usapan, 'Nay? Madaling-araw na..."

"Pabango ang nalanghap ko sa pagpasok mo..."

Napaungol siya nang walang ingay. Gustong sipain ang sarili. Paanong humawa sa katawan niya ang pabango ni Candida?

"Maraming kadalagahan dito sa atin ang may gusto sa iyo, anak," patuloy ni Rebecca nang walang marinig na sagot mula sa kanya. "Hindi kita masisisi kung..."

Sandaling naputol ang sinasabi nito dahil sa pag-ubo, "kung may... magustuhan ka. Pero napakabata mo pa, Prince, at baka mamaya'y makadisgrasya ka at mapilitan kang panagutan. Ikaw ang mahihirapan."

"Inay, naman," wika niya. Kahit paano'y
nagpapasalamat sa daloy ng isip ng ina. Iniisip nitong isa sa mga dalagitang kapitbahay nila ang katagpo niya sa dilim. Higit sa lahat, walang akusasyon o galit sa tinig nito. Sa halip ay paalala ang naroon.

"Matulog na ho kayo. Nasabit lang ako. Hindi na mauulit..." Nahiga na rin siyang muli. Naglalaro sa isip ang nangyari sa kanila ni Candida sa loob ng halos apat na oras...

"Ang dali mong matuto, Prince," ani Candida,
may lungkot sa mga mata habang nakatitig sa kanya.

"Salamat, Candida. Nasiyahan ka ba?"

She smiled. Her finger touched his lips. Prince
was the best lover she ever had. Nawalan ito ng kontrol sa sarili sa una. Subalit inaasahan na nitong mangyayari ang ganoon sa isang first-timer.

But he was gentle and unselfish that she felt like a virgin, sa kabila nang iyon ang unang pakikipag-talik ng binatilyo.

"Ikaw ang kauna-unahang lalaking nakatalik
kong tinrato akong tila babasaging pigurin, Prince. Hindi kita makakalimutan. S-sana'y kasing-edad mo ako, at... wala pang karanasan..."

He laughed.

May ngiti sa mga labi nang magsimulang tangayin ng antok si Prince.

SUWELDO niya sa gasolinahan nang araw na iyon dumaan muna siya sa carinderia at ibinili ng pancit at siopao si Rebecca. Alas-onse na ng gabi nang bumaba siya sa jeep. Madilim ang eskinita, tanging malamlam na ilaw mula sa loob ng nakasarang mga bahay ang natatanaw niya.

Subalit sanay na siya roon. Malapit na siya sa poso at kahit sa bahagyang liwanag na nanggagaling sa malayong poste ay natanaw niya ang paglabas ni Candida sa bahay nito. Iyon ang ikatlong gabi matapos na mangyari ang initiation nito sa kanya.

"Ginabi ka yata ngayon sa pagpasok?" bati niya.

Ngumiti si Candida. "Sumakit kasi ang ulo ko kanina. Kung hindi nga lang suweldo ngayon at tiyak na maraming tao, hindi ako papasok..."

Napabuntong-hininga si Prince. Humahalimuyak sa mumurahing pabango si Candida. At hindi niya kayang ipasok sa isip ang ilang lalaking sasamahan nito sa buong magdamag na iyon.

"Bakit kasi hindi ka pa umiba ng trabaho? lyong sa araw. Saleslady kaya,"

Isang bahaw na tawa ang pinakawalan ni Candida. "Mahihinto lang ako sa trabaho ko kung may DOM na babahay sa akin, Prince. Isa pa, hindi man lang ako nakatuntong ng sekondarya kaya paano ako makakakita ng ibang trabaho? At dati na akong tindera sa Divisoria. Pinag-intresan lang ako ng amo kong lalaki..."Walang kapaitan sa tinig nit0, ang naroon ay pagtanggap sa reyalidad ng buhay.

SWEETHEART 13: Someday My PrinceWhere stories live. Discover now