CHAPTER EIGHTEEN

5.2K 107 5
                                    

"TIGILAN mo na iyan," naiiling na sabi ni Nana
Mameng. "Ano ang alam mo sa pagmemekaniko? Hindi mo mapaaandar iyang sasakyan."

Humugot siya ng malalim na hininga at pagkatapos ay pabagsak na isinara ang hood ng kotse. Maghapon man niyang titigan ang makina ay hindi niya mapapaandar iyon.

Lumakad siya patungo sa baitang ng hagdan
papanhik sa balkonahe at pasalampak na naupo roon. "Nana, bukas na ang tripping ko sa pamilya Ting sa Tagaytay. Ni hindi ko magawang magtungo sa bayan upang tawagan si Carly dahil hindi ako makaalis!"

"Delaney, ano ba ang mahalaga, ang trabaho mo o ang pagkakaayos ninyo ni Prince?"

"Sa ngayon ay ang trabaho ko ang mahalaga," she said irritably. Ipinahid ang grasa sa pantalong maong. "Ang relasyong gusto ninyong isalba ko ay matagal nang walang halaga. At hindi nagkaroon ng halaga. Ang ikinalulungkot ko lang ay pinaabot ko pa nang ganito katagal."

"May palagay akong nais ni Prince na bigyan ng pagkakataon ang pagsasama ninyong dalawa. Bakit hindi kayo magtulungan?"

She heaved a sigh. "Duda ako kung iyon ang gusto niyang mangyari, Nana. Naghihinala siyang may relasyon kami ni Jordan. Hindi ko siya itinuwid sa hinala niya. Iyon ang dahilan kung bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin. Hindi matanggap ng gabundok niyang ego na hindi na ako interesado sa kanya."

"Hindi ka na nga ba interesado, Delaney?" banayad nitong tanong.

Hindi siya sumagot. Magsisinungaling siya kung pagmamatigasan niyang sabihing wala na siyang pagtingin dito. Sa nakalipas na tatlong taon ay umasam siyang magiging tunay silang mag-asawa ni Prince.

Ngayon at may bahagyang pag-asang maaaring mángyari iyon ay pakakawalan ba niya?

Naputol ng mga yabag ng kabayo ang pag-iisip niya. Kumunot ang noo ni Delaney nang makilala ang dumarating. Huminto ang magilas na stallion sa mismong tapat niya. Nagulat pa siya nang makilala ang sakay nito.

"Hello, Teresa," bati niya. "May kailangan ka ba?"

"Nang sabihin ni Cleo na naririto ka ay hindi ako naniwala kaya nagsadya ako rito para patunayan sa sarili ko," wika nito. "Nang umalis siya ng Sta. Esperanza ay inakala kong tuluyan na niyang makakalimutan ang kalokohan niya."

Nang umalis siya ng Sta. Esperanza...
Ibig bang sabihin ay bumalik sa Australia si Cleo? Natatandaan niyang sinabi ni Prince na doon ito naglalagi sa isang tiyahin.

"Wala pang isang buwan mula nang dumating si Cleo mula sa Australia," wika nito na tila nahulaan ang tanong sa isip niya. "And she started seeing Prince again and make a fool of herself..."

"Well, she certainly did," sang-ayon niya bagaman medyo nabigla siya sa biglang pagdating nito at sa sinasabi nito.

Ilang sandali pa'y nagpaalam na ito. Nagugulumihanang sinundan ito ng tingin ni Delaney hanggang sa makalabas ng gate.

BUMAGAL ang mabilis na pagpapatakbo ni Teresa sa kabayo nang matanaw ang isang paparatingna sasakyan. Habang papalapit ay nagiging malinaw sa kanya ang emblem sa hood nito. Mercedes-Benz. Huminto iyon nang makita siyang dumarating.

Inihinto niya ang kabayo sa mismong tapat ng kotse. Bumukas ang salarmin sa bahagi ng passenger seat at sumungaw ang pasahero niyon.

"Magandarng araw," bungad ng sakay nito. "Malayo pa ba rito ang Kaila Farm?"

"Nasa loob ka na ng Kaila Farm." Itinuro niya ang daang pinanggalingan, "kalahating kilometro pa humigit-kumulang at matatanaw mo ang malaking bahay."

Tumangu-tango ito, ang mga mata nito ay naglakbay sa malaking stallion nang may paghanga. Pagkatapos ay umusal ng pasasalamat at inutusan na ang driver na
patakbuhin na ang sasakyan.

SWEETHEART 13: Someday My PrinceWhere stories live. Discover now