CHAPTER 1

4.5K 72 1
                                    

"ANO RAW bang oras darating si Kuya Danny, Ate Brie?" tanong ng tindera niyang si Mara at panay ang sulyap sa relo sa may dingding sa likuran niya habang nagsasalansan ng mga librong itinataas sa estante.

Brianna released an irritating sigh. "Ang usapan ay alas-dos dahil 'pag Sabado ay half-day naman sa opisina." Alas-singko na at wala pa rin si Danny.

Danny was her fiancé. They were engaged to be married by February. And that is almost four months from now. At kung mayroon man siyang bagay na ikinaiirita niya sa kasintahan ay ang pagiging unpunctual nito. Kahit minsan sa nakalipas na tatlong buwang magkasintahan sila ay hindi pa ito nauna sa tagpuan nila, bagkus laging late. But nobody's perfect. She loved him. At si Danny ang lalaking kakasamahin niya sa buhay niya came February next year.

Nakilala niya si Danny sa publishing house na
pinagtatrabahuhan niya. Ito ang assistant head ng art department. He was five feet and nine inches tall, movie star handsome at may charisma. Though he was on the heavy side. Pero may muscles naman ito sa mga braso dahil weekly ay nasa gym para nga raw bumaba ang timbang, ayon dito.

Niligawan siya nito at naging magkasintahan sila tatlong linggo makaraang mamatay ang daddy niya. Halos hindi ito umaalis sa tabi niya at dinadamayan siya. Tuluyang nahulog ang loob niya at tinanggap niya ang pag-ibig nito.

Gayunman, hindi maiiwasang may mga ugaling mahirap pakibagayan ang bawat isa. Sa bahagi niya, isa pa sa negatibong napupuna niya sa kasintahan ay iyong pagiging mainitin ang ulo nito. Lalo na kung may gusto itong hindi nasusunod. Isa na roon ay kapag nagpilit itong lampasan nila ang hindi dapat lampasan. Na ayon kay Danny ay ang tanging maipipintas nito sa kanya.

"Please do understand," pamamanhik niya rito
nitong huling nagtalo sila. Hindi na niya matandaan kung ilang beses nilang pinagtalunan at pinag-awayan ang bagay na iyon. "Gusto kong ipagkaloob sa iyo ang hinihingi mo sa unang gabi ng ating kasal..."

Subalit nang araw na iyon ay hindi nagalit si
Danny. Sa halip ay nakatitig ito nang husto sa kanya. At makaraan ang mahabang sandaling pananahimik at ang tila pang-uuri sa kanya at ngumiti ito.

"Okay," he said, iniharap siya nito. "I am proposing now. Will you marry me?"

Natawa siya. "Huwag ka ngang magbiro."

"Hindi ako nagbibiro," seryosong sinabi nito. "Lamang, iyong singsing, to follow na lang. Will you marry me?" ulit nito.

"O-of course..." nalilitong sagot niya.

"That's settled then" He kissed her long and thorough. She loved the pleasantness of his kiss. Somehow, may bahagi ng pagkatao niya ang napupukaw nito. Subalit ang kontrol sa sarili at moral na paniniwala ay sapat upang huwag siyang magpatangay.

Danny looked irritated. Subalit agad iyon hinalinhan ng ngiti. "Mamamanhikan kami ng tiyahin ko. Aayusin ko ang schedule ng tiyahin ko na nasa probinsiya." Ayon kay Danny ay ang tiyahin nito ang nagpalaki at nagpaaral dito. Ang ama ni Danny ay kapatid ng tiyahin nito. Na pareho na itong ulila sa ama't ina. "At may palagay akong hindi tututol ang Ate Melanie mo."

She was stunned. Hindi siya makapaniwala sa
sinabi nito. Nag-uumapaw sa puso niya ang matinding galak. Galak na bahagyang nabantuan nang magsimula siyang magplano tungkol sa balak na pamamanhikan at pagpapakasal. Sinabi ni Danny sa kanya na sa huwes sila pakakasal. They would-have a simple wedding. Pampamilya lang. Ang gagastusin nila sa malaking kasalan ay gamitin na lang nila sa pagsisimula. Sa una'y medyo gusto niyang tumanggi. Gusto niyang makapagsuot ng traje de boda. Iyon din ang opinyon ni Melanie.

Subalit nanaig ang paggiit ni Danny ng praktikalidad. Tutal dalawa lang sila ni Melanie. At si Danny ay tiyahin at dalawang pinsan din lang ang kamag-anak. Marahil ay husto na nga siguro ang civil wedding. She and Melanie and Danny and his aunt and two cousins. Nasa isip na niya ang kukuning witness sa kasal nila. Sa bahagi niya ay si Maricel, ang editor at kaibigan niya sa opisina.

GEMS 47: SAGADA Nayakap Ko Ang Mga Ulap (2011)Where stories live. Discover now