CHAPTER 9

2.5K 79 20
                                    

MULING itinuon ni Shaun ang mga mata kay
Brianna. Since his wife's death, ito ang kauna-unahang babaeng kumuha ng atensiyon niya. Dammit but he was attracted. And truth be told, he thought of her last night, which is a first, wanting her to be in his bed. Kauna-unahang gabi sa nakalipas na tatlong taon na hindi binagabag ang isip niya ng mga masamang pangyayari.

If you had gotten laid for the past many months, you wouldn't find Brianna an object of your desire.

Marahil. Hindi siya nakatitiyak kung ganoon nga. Nakayuko ito sa pagkain at dahan-dahan ang ginagawang pagnguya, as if she had all the time in the world. Mayamaya ay kinuha nito ang linen napkin at nagpunas ng bibig, sadyang iniiwasang mapatingin sa kanya.

Kung ang pag-uusapan ay ganda ay higit na maganda si Valerie sa kabila ng mahigit sampung taong katandaan nito kay Brianna. Subalit sa ano mang kadahilanan, hindi tinaglay ni Valerie ang atraksiyong taglay ni Brianna. She had her eyeglasses on that made her look like a librarian. Basa pa ang buhok nito mula sa pagligo na basta na lang nilagyan ng clamp sa likod. Ang ilang hibla ay kumakawala na and he had this senseless desire na hawiin sa mukha nito ang kumawalang hibla at iipit sa tainga.

Kung iisa-isahin niyang suriin ang bawat bahagi ng mukha nito, they were imperfect. But the imperfection was perfect on her. Tama ba ang mga salitang ginamit niya? He was being ridiculous and shook his head silently and stared at her again. He couldn't seem to take his eyes off of her. Hindi matangos ang ilong subalit bagay sa mukha nito. She had full kissable lips and nice teeth. Hindi yaong inalagaan ng dentista dahil ni hindi nito ipina-brace ang bahagyang-bahagyang pag-protrude ng dalawang harapang ngipin nito. Gayunman, both teeth and lips looked sexy on her. Sa wari ay laging nag-aanyayang hagkan. Sa kabila ng pagiging morena, she had flawless skin. Tila inabandona ng kung anu-anong butlig o pekas ang manirahan sa balat nito.

Matanda si Valerie ng tatlong taon kay Shaun at ayon dito ay natatandaan pa nito si Nathalie, ang mommy ni Brianna. Malimit itong magtungo sa kanila dahil ang namayapa niyang asawa, si Tricia, Valerie's stepsister, who was two years younger than Valerie, at si Nathalie ay naging magkaibigan hindi pa man natatagalang dumating sa Sagada ang pamilya ni Ismael.

Ayon kay Valerie ay dumating sa Sagada ang
pamilya ni Ismael nang limang taon na si Brianna. Kung paanong nagkahulihan ng loob sina Tricia at Nathalie sa kabila ng katandaan ni Nathalie ng labing-isang taon ay hindi maipaliwanag ni Valerie.

"They just hit it off," ani Valerie. "Parang mas ate niya si Nathalie kaysa sa akin..." She shrugged nonchalantly. "Hindi kami close ni Tricia. At siguro dahil walang nais makipagkaibigang babae kay Nathalie at si Tricia ay sadyang palakaibigan. Alin na lang, si Nathalie ang kusang umiiwas sa mga dalagang Ifugao o ang mga ito ang umiiwas makipagkaibigan sa kanya." She paused for a moment, then hesitantly she added, "Iniisip nilang baka akitin ni Nathalie ang kani-kanilang kasintahan."

Shaun frowned. "Bakit nila nasabing aakitin ni
Nathalie ang mga boyfriends nila?"

Muli itong nagkibit. "There were rumors... Nathalie's kinda flirt or something. We were in Sagada nearly a month. Then my parents sent me off to Baguio at that time para sa kolehiyo. Kami ni Tricia. At bagaman kada weekend ay umuuwi si Tricia, I stayed in Baguio. Wala namang dahilan para umuwi ako rito. It was so boring here in Sagada."

At makalipas ang halos dalawang taon mula nang idating ni Ismael ang pamilya nito sa Sagada, Brianna's mother died. Ang usap-usapan ay nagpakamatay ito. Less than a week later, after Nathalie's funeral, Ismael packed and left town along with his nearly seven-year-old daughter.

Hindi niya maawat sa pagkukuwento si Valerie
kahapon sa kabila ng hindi niya gusto ang himig nito. Sa tuwing nagkukuwento ito ng tungkol sa ina ni Brianna ay naroon ang malisya sa tinig nito. At habang pauwi sila kahapon, ayon dito, ay higit na maganda si Nathalie kaysa sa anak nito sa pagkakatanda nito.

GEMS 47: SAGADA Nayakap Ko Ang Mga Ulap (2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon