CHAPTER 6

2.1K 76 3
                                    

THE MAN was tall and whipcord lean. Nakapantalong maong na nakayakap sa mga binti nito na tila bisig ng babae. Naka-checked long-sleeved na blue, black, and white polo shirt na nakarolyo patungo sa siko. How could an ordinary shirt look sexy on this man? Brianna thought, habang ang mga mata ay patuloy na nakatitig dito.

He wore his hair long, shaggy style. Shoulder-length. Ilang hakbang na lang ito palapit sa kanila at nababanaag ni Brianna ang galit na anyo ng lalaki.

"Mukhang masungit, Brianna," ani Melanie.

"Don't worry," may kompiyansa niyang sabi.
Binuksan ang pinto at bumaba at hinintay ang paglapit nito. Ang thumb fingers niya'y nasa sinturera ng low-waisted jeans niya.

Apat na talampakan mula sa kanya ay huminto ito. At parang gustong pumalya ng ngiti ni Brianna. Tila siya itinulos sa kinatatayuan sa mga matang nakatuon sa kanya. The most stunning dark eyes she'd ever seen. Marahil ay nasa treinta y dos o treinta y tres ang edad. Mas mataas na di-hamak kay Danny at bagaman mas magandang lalaki si Danny, kung tutuusin, ang atraksiyon at sex appeal ng lalaking ito ay tila isinisingaw ng katawan. Unlike Danny who was a chronic flirt, may palagay siyang ni hindi kailangang magtaas ng daliri ng lalaking ito upang mapansin ng babae.

Nakatunghay ito sa kanya. He was astonishingly good-looking. May kaputian ito sa pangkaraniwan na marahil ang mamula-mulang balat ay sanhi ng pagbibilad sa arawan. Ang matangos na ilong ay yaong sa may dugong hindi purong Pilipino. At sucker siya sa mga lalaking may katangusan ang ilong. Kasi naman nga siya ay hindi naman katangusan ang ilong.

Marami na siyang nakatagpong magagandang lalaki at ni hindi siya naapektuhan sa mga iyon. Humahanga totoo, pero hanggang doon lang. But this man's raw sex appeal shook her. Not even Danny when she was still in love with him made her heart flutter like this. Tila naipit ang hininga niya sa lalamunan niya pero sinikap niyang ngumiti.

At total failure ang charm niya sa lalaking ito
dahil hindi nagbago ang anyo nito. Nakadama siya ng pagkailang sa ginawa nitong paghagod ng tingin sa katawan niya. May suot siyang cardigan subalit hindi nakabutones. And to her horror, nahantad dito ang tank top niya na ang laylayan ay ilang pulgada mula sa low waisted jeans niya at nakahantad dito ang bahagi ng puson niya. Hindi lang iyon, wala siyang suot na bra at natitiyak nakabakat sa T-shirt niya ang dibdib niya.

And to her horror, nag-react ang nipples niya s
pagkakatingin ng lalaki rito. At hindi niya kayang kabigin ang cardigan niya pasara sa mga sandaling iyo dahil magmumukha siyang kahiya-hiya.

Nag-init ang mga pisngi niya. "What are you looking at?" asik niya na nakataas ang mukha nang nananatili ang mga mata nito sa dibdib niya. At pagkatapos ay dahan-dahang bumaba iyon sa tiyan niya, sa paraang  nagsu-survey ng pag-aari nito.

WALANG natatandaan si Shaun na may babaeng nagreklamo sa atensiyong ibinibigay niya sa katawan ng mga ito. Lalo na sa isang ito na kung tutuusin ay hindi naman kataasan. He could easily pick her up with one hand. Pero may kung anong mayroon ang babae na sa sandaling natitigan niya ito at ang katawan nito ay may iglap na pagtugon sa katawan niya. She wasn't even that beautiful!

Nakasalamin pa. Gusto niyang itaas ang kamay at alisin ang salamin mula rito at titigan ang mga mata nito. Nakasabog ang buhok nito dahil hinihipan ng hangin. Iniisip niya kung ano ang anyo nito sa unan niya sa ganoon ding magulong buhok habang katalik niya ito.

He cursed inwardly at his wayward thoughts. He couldn't believe he was thinking of sex by just staring at this woman. Wala siyang natatandaang nangyari sa kanya ang bagay na iyon malibang noong siya ay binatilyo.

Gayunman, hindi kayang ignorahin ni Shaun ang anyo nito. Ang mapang-akit na mukha ay biniyayaan din ng magandang hugis ng katawan. Hindi ito maputi at kung tutuusin ay hindi niya type ang mga morena. Subalit naakit siyang titigan ang maliit nitong baywang,
bilugang balakang at magagandang biyas. Natitiyak niyang kung ire-rate niya ang likod nito ay kartada diyes ang makukuha nito.

GEMS 47: SAGADA Nayakap Ko Ang Mga Ulap (2011)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora