CHAPTER 5

2.2K 69 8
                                    

ALA-UNA ng madaling-araw nang bumiyahe sina Brianna at Melanie kinabukasan. Mula sa SLEX patungong NLEX. At dahil hindi pa gaanong maraming sasakyan sa mga oras na iyon ay mabilis ang pagmamaneho niya. Huminto lamang siya sa isa sa mga gasoline station upang halinhan ang gas na nagamit nila sa mahabang biyahe. Mag-uumaga na rin lang ay nagkape na rin sila sa mini-stop. Napuna niyang marami rin namang biyahero ang nasa coffee shop. Some stopped to use the johns. Ang iba naman ay upang magkape, tulad nila.

"It's not really that scary," komento niya habang nagkakape sila. "Maraming biyaherong tulad natin. Malamang ang ilan diyan ay patungong Sagada o sa Banaue."

"Yeah," matabang na tugon ni Melanie. "But look at those two guys on your left, don't look," mabilis nitong babala. "Kanina ka pa nila sinusundan ng tingin at nagbubulungan. Mas o menos, kung wala ako rito ay baka nilapitan ka na at nagpakilala."

Napailing si Brianna kasabay ng ngiti. "Don't
underestimate yourself, Ate Melanie. You don't even look your age. Parang matanda ka lang sa akin ng limang taon. And you are sexy and pretty, too. For all you know, sa iyo may interest ang mga iyan."

Isang naaaliw na tawa ang pinakawalan ni Melanie. "Ubusin mo na nga iyang kape mo at tara na. Hindi natin alam kung anong oras tayo makakarating."

"Talking about it, wala ka bang balak mag-asawa? May mga suitors ka naman, ah. Wala ka bang napipili sa mga iyon?" tanong ni Brianna habang lumalakad sila patungo sa pinagparadahan ng sasakyan nila.

"Minsan na akong napaso, Brie. Mahirap magtiwalang muli." Umikot na ito sa passenger seat.

Alas-siete pasado nang sapitin niya ang junction patungong Lagawe. Si Melanie ay hawak ang mapa patungong Mountain Province. Ilang oras pa at paikut-ikot na sila sa zigzag ng cordillera. Maayos naman ang zigzag na daan kahit na maulap at may ilang bahaging makitid ang daan dahil sa mga landslides.

Nasa paanan pa lang siya papanhik ng bundok ay naramdaman na nila ang sobrang lamig. Sa SLEX pa lang ay nagpatay na siya ng aircon. Sinikap niyang magmenor sa pagmamaneho dahil sa paikut-ikot na daan, bukod pa sa gusto nilang pagmasdan ang magagandang tanawin sa kabundukan. May mga wildflowers sa gilid ng bundok, mostly ay lily of the valley, at kay gagandang tingnan.

"Wow!" bulalas ni Melanie nang halos nasa
pinakamataas na bahagi na sila ng bundok. "Pull over, Brie, and let's take pictures."

She laughed. Itinabi ang sasakyan niya sa gilid ng bundok. Bumaba silang pareho at tinawid ang kabilang lane na ang ibaba ay matarik na bangin at tila mga batang nagtatawanan.

"My god! I cannot even find a word to describe this place. Are we heaven-bound?" bulalas ni Melanie at agad na kinunan ng larawan ang magagandang tanawin sa ibaba ng bundok na nababalutan ng mga ulap. "At umaambon nang marahan," dugtong nito.

"Hindi ambon iyan, Ate Melanie," pagtatama niya. "They're mists. Kay baba ng mga ulap kaya akala mo ay umaambon." She frowned as if deep in thoughts. Then, "My grandmother's mother... they used to call her 'clouds.'"

Napabaling sa kanya si Melanie at kinunan siya
na sinabayan naman niya ng pose. "Paano mo naalala iyan? You were just a kid when you and Ismael left town."

Nagkibit siya. "I don't know. Katunayan ay may mga malalabong alaala naman ako. Siguro na-trigger ng mga ulap na iyan ang childhood memory ko. Katunayan, ang mga alaala ko ay sa Sagada at hindi sa Baguio."

"At six years old, nagsimula ka nang pumasok sa escuela..."

She smiled. "Yep. Natatandaan ko si Daddy na
inihahatid at sinusundo ako sa poblacion sakay ng owner-type na jeep."

Nang mula sa kung saan ay narinig nila ang tunog ng makina ng paparating na bus. Nagmamadali silang bumalik sa sasakyan. "At least may kasabay tayong bumibiyahe sa maulap na daan," ani Melanie na natawa nang kawayan sila ng konduktor ng bus at sumenyas na mauna sila. Itinuturo nito ang unahan. Nakaharang sa bahagi ng daan ang mga gumuhong lupa at isang malaking bato at sa wari ay hindi kakasya roon ang bus.

GEMS 47: SAGADA Nayakap Ko Ang Mga Ulap (2011)Where stories live. Discover now