CHAPTER 15

1.9K 65 16
                                    

"PAPA..." bati nito at nilinga si Brianna. "Brie, this is my father-in-law, Eduardo Teves."

"Kumusta po kayo?"

Ilang sandaling hindi kaagad nakahuma si Eduardo at titig na titig kay Brianna. At sa pakiwari niya ay nais nitong maiyak habang nakatitig sa kanya.

"Mas matangkad at mas maputi si Nathalie sa iyo, hija," he said softly. "Gayunman, hindi maipagkakailang mag-ina kayo. You had her eyes and smile. And you are as beautiful as your mother was."

"Thank you," she said gracefully and beamed at the old man. "Sana man lang ay may larawan ako ni Mommy."

Napakunot-noo si Eduardo. "Walang naitagong larawan ng mommy mo si Ismael?"

Brianna shook her head sadly. "Nakapagtatakang wala po."

"Shaun," anito sa manugang, "natitiyak kong may mga larawan ang mommy ni Brianna sa mga album ni Tricia dahil kahit noong kabataan pa ang anak ko'y enthusiast na. Natatandaan kong minsang isinama niya si Nathalie sa bahay ay kinuhanan niya ito ng larawan. Bakit hindi mo hanapin ang album at ipakita kay Brianna?"

"Isa sa mga araw na ito, Papa," he said noncommittaly. "Tara doon sa mesa at um-order tayo ng pagkain." Hinawakan nito si Brianna sa likod ng braso at inakay patungo sa isang booth.

Throughout lunch, may mga kuwento si Eduardo tungkol sa mommy niya... at kay Tricia. It seemed that his then teenage daughter and Brianna's mother were friends. At siya ay tila nasa disyerto at uhaw na uhaw at tubig ang mga mumunting anekdotang ikinukuwento ni Eduardo na sabik niyang iniinom.

"Magkaibigan sila ni Tricia sa kabila ng kabataan ng aking anak ng mga panahong iyon. Ang mommy mo ay palakaibigan, Brianna."

Brianna smiled. Ang sarili niyang ama ay hindi man lang nagkukuwento ng kahit na anong maliit na bagay tungkol sa mommy niya. Nang sulyapan niya si Shaun ay nakayuko ito sa pagkain at sa wari ay abala roon.

"Hindi po ba naging magkaibigan sina Mommy at Valerie? Hindi ba at mas nakatatanda si Valerie kay Tricia?"

"Mas malimit na nasa Baguio si Valerie nang mga panahong iyon habang si Tricia ay hindi lumiliban ng bakasyon sa tuwing semestral break. At sa aking palagay ay mas kasundo ni Tricia si Nathalie kaysa kay Valerie. Para sa anak ko ay nakatatandang kapatid niya ang mommy mo."

Napansin ni Brianna ang masuyong tinig ng
matandang lalaki sa tuwing binabanggit nito ang pangalan ng mommy niya. Kasunod niyon ay ang lungkot sa tinig nito. Kung napuna man iyon ni Shaun ay hindi niya masabi.

ALAS-NUEVE na ng gabi. Ang oras na ibinabadya ng digital clock sa dashboard. Ganitong oras sa Sagada ay nahihimbing na ang karamihan sa mga residente. He was bone tired, mula sa balikang pagmamaneho mula Sagada patungong Baguio at pabalik uli ng Sagada. Huwag nang idagdag ang nakakabagot na meeting niya kanina sa isang mining company kung saan isa siya sa mga stockholders. He was selling his stocks. Sa kabila ng maghapong pakikipag-usap ay kailangan pa niyang bumalik sa susunod na mga araw upang tapusin ang deal.

Buong araw ay nasa Baguio siya and he missed seeing Brianna. He didn't know what's wrong with him. Buong maghapon ay si Brianna ang laman ng isip niya. Sa nakalipas na halos isang linggo ay isang beses lang niya itong hindi nakita. Iyon ay dahil nagagalit siya nang malaman niyang isa siyang assignment nito. Na kung pagbibigyan niya ito ay muli na namang makakaladkad sa publiko ang nangyari sa asawa niya.

Gayunman, ang galit niya at ang pagsisikap na
huwag na itong makitang muli ay tinangay ng hangin. He had never felt this way to a woman before. Not even to his wife. And he vowed that he had loved Tricia. Nang magkakilala sila ni Tricia ay natiyak niyang ito ang nais niyang pakasalan. They had many things in common, Music was one. At ang pagkahilig ni Tricia sa
photography ay hindi nakaabala sa kanya kahit na nga ba most of the time ay siya ang gustong subject nito na ikinaaaliw lang niya.

GEMS 47: SAGADA Nayakap Ko Ang Mga Ulap (2011)Where stories live. Discover now