CHAPTER 17

2K 67 3
                                    

"BINALAK kong sabihin sa iyo ang lahat ikalawang araw mo pa lang dito subalit inawat ako ni Mama. Natatakot siyang baka iwan mo kaming muli."

"Lola, no. Ipinangako ko sa inyo iyan. Kung uuwi ako sa Laguna, babalik at babalik din ako rito."

Isang malungkot na ngiti ang pinakawalan ng matandang babae. Si Vince ay lumakad patungo sa bangko na katabi ng inuupuan ni Brianna. Nag-angat ito ng tingin sa loob ng kabahayan. Naroon si Melanie sa may bar. Tinawag ito ni Vince. Atubiling lumapit si Melanie.

"Please sit down, Mel," anito at itinuro ang
mahabang upuang kahoy na kinauupuan ni Brianna. "Gusto kong malaman mo rin ang buong katotohanan. Ikaw ang magpasya kung paniniwalaan mo o hindi. Igagalang ko ang pasya mo gaano man kasakit para sa akin."

The eyes that gazed at Melanie was troubled. And there was fear, too. Ganoon ba kabigat ang ipagtatapat nito para katakutang baka mangahulugan iyon ng pagtalikod ni Melanie? More than ever, she needed to hear what her uncle had to tell.

Sa narinig ni Brianna na sinabi ng tiyuhin ay natiyak nitong lumalalim ang ano mang namagitan sa dalawa. Walang kibong naupo si Melanie sa tabi ni Brianna at inabot ang kamay nito at hinawakan. May ilang beses humugot ng hininga si Vince bago nagsimulang magsalaysay.

"Pareho kaming estudyante ng daddy mo sa Baguio nang makilala niya ang mommy mo, Brie. Pamangkin ng may-ari ng boardinghouse na tinutuluyan namin si Nathalie. Sa una pa lang ay nakatuon na kay Ismael ang atensiyon niya. Your mother was very beautiful. Walang lalaking hindi maaakit. Sa kabila ng may kasintahan na noon si Ismael ay nagpaakit siya kay Nathalie. Partly, I wanted to blame Ismael. Hindi siya nanindigang maging tapat sa kasintahan niya. Sa isang banda, nauunawaan ko siya. Nathalie was sex personified."

Napasinghap si Brianna roon. Nag-angat ng mga mata si Vince sa kanya. "You wanted to hear it all..."

She sucked in her breath. Tumango.

"Hindi ko sinasabing mas mabuti akong lalaki
kaysa sa kapatid ko. At hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung sa akin natuon ang atensiyon ni Nathalie. But I was more detached. I only smiled at Nathalie indulgently. Pareho kaming may girlfriend ni Ismael noong panahong iyon. Sa bahagi ko, fresh pa ang relasyon at ayokong isapanganib. Si Ismael at ang girlfriend niya ay magkasintahan na sa simula pa lang ng kolehiyo. Alam kong nagsimula na silang mangarap sa kabila ng kabataan.

"At malaking tulong ang alak sa nangyari. For
Ismael, it was supposed to be a one-night stand. Pero hindi iyon ang plano ni Nathalie. Gusto niyang makatakas sa tiyahin. Ang isang pagkakataon ay nasundan pa at nasundan pang muli. Hindi ako nagkulang ng paalala kay Ismael na baka matuklasan ng kasintahan niya ang tungkol sa kanila ni Nathalie. I don't want to speak ill of your mother, Brie, subalit hindi siya ang uring madaling ipagpag ng daddy mo, anuman ang gawin nito."

"Nang umagang iyon ay nahuli sila ng tiyahin ni Nathalie sa mismong silid ni Nathalie. Pinalayas nito si Nathalie. At dahil walang mapuntahang iba ay sumama si Nathalie sa daddy mo nang umuwi ito sa Sagada sa kabila ng pagtutol ni Ismael. Ipinakilala ni Nathalie ang sarili niya sa mga magulang naming. And then behind Ismael's back, kinausap niya si Papa at sinabing nagdadalang-tao siya at kailangang pakasalan siya ni Ismael."

"Malaking pagtatalo ang nangyari sa pagitan ni Papa at ni Ismael nang araw na iutos ni Papa na pakasalan ng daddy mo si Nathalie. Ismael was young, jobless, walang salapi, at kahit paano ay nag-aalala kung puputulin ni Papa ang anumang financial help para sa kanya. Your father married your mother. And Ismael's girlfriend killed herself..."

"Oh!" bulalas niya. Si Melanie ay napahugot ng
hininga.

"Sa Baguio nanirahan ang mga magulang mo dahil tatlong semester pa bago magtapos si Ismael. Umupa sila ng maliit na apartment. Doon ka rin ipinanganak, Brie, hanggang sa maglimang taon ka at lumipat kayo sa Sagada dahil na rin kay Mama. Hindi gusto ni Nathalie
rito sa Sagada. Lalong hindi niya gusto ang bahay ninyo. Sa mas maraming pagkakataon ay nasa Baguio si Ismael dahil sa trabaho nito...." He paused and stared at Brianna. "Sa kabila ng lahat ay gusto kong sabihin sa iyong hindi nagkulang sa iyo si Nathalie. She'd been a good mother to you, Brie, and she loved you. Sa bagay na iyon ay wala kaming masabi kay Nathalie."

GEMS 47: SAGADA Nayakap Ko Ang Mga Ulap (2011)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora