CHAPTER 21

2.2K 64 15
                                    

"ANO ANG ibig ninyong sabihin, Manang Maura? Saan nagpunta si Brianna?"

"Dumating kasi rito kani-kanina lang si Leticia,
Shaun. Niyaya si Brie na samahan siya sa lumang bahay ng mga magulang niya. Doon daw kasi dinala ni..." Sinulyapan nito si Eduardo sa loob ng truck niya at napakunot-noo "... Eduardo ang malalaking larawan ni Nathalie at ilang gamit nito na matagal nang nasa pag-iingat ni Tricia." Nagkibit ito. "Iyon ang naulinigan kong sinabi ni Leticia."

Parang may hindi tama sa mga nangyayari, ang daloy ng isip niya. At hindi niya mawari ang dahilan ng biglang sunud-sunod na kabang umahon sa dibdib niya. "Nasaan sina Auntie Rosa at Vince? Kasama ba ni Brie si Melanie?"

"Ay hindi. Ang tatlo ay kaninang umaga pa
nagtungo sa munisipyo sa poblacion..." Ngumiti ito. "Ilang araw nang inaayos ng dalawa ang mga papeles sa pagpapakasal. Bukas yata ay sasamahan ni Vince si Melanie sa Maynila upang kunin ang birth certificate ni Melanie. At sasama si Rosa na tuwang-tuwa. Naiinip marahil ang matanda."

Hindi na nagawang magpaalam pa ni Shaun kay Maura at mabilis na nagbalik sa pickup. Umingit ang gulong ng truck sa ginawang pagmamaniobra nito. Sinabi nito kay Eduardo ang sinabi ni Maura.

"Pero walang gamit si Nathalie sa bahay, Shaun," kunot-noong sagot ni Eduardo "maliban sa mga larawan sa album ay wala nang maaari pang maipakita kay Brie."

He went cold. He didn't want to entertain the fear in his heart. Takot na sa wari ay gustong magpaliyo sa kanya. Hindi niya alam kung bakit at kung paano ipaliliwanag ang takot na nararamdaman. Alam niyang walang gamit si Nathalie sa silid ni Tricia. Alam niya ang tungkol sa album dahil naroroon lang iyon sa cabinet.

He turned to look at his ex-father-in-law. He looked confused... and very old. "Papa, alam ba ni Tita Leticia na namatay na ang pamangkin niya? I mean, nabanggit ba niya sa inyo ang tungkol sa pagkamatay ng pamangkin niyang ito sometime in October last year?" Umiling siya nang maisip na baka nalaman ni Leticia na siya ang pumatay sa pamangkin nito. Pero hindi iyon bukas sa madla o kahit sa peryodiko. Nakalagay sa isang munting artikulo sa isang tabloid na mga pulis ang nakapatay kay... Samuel. Not even Danny knew who killed his cousin. Nanatiling nakabulagta sa tubigan si Danny at pinangangatawanan ang pagkawala ng malay. Bukod pa sa madilim ang lugar na iyon at napakalakas ng ulan.

Isa pa, wala na siya nang dumating ang ambulansiya at ilang pulis. Bagaman pagtatanggol sa sarili ang nangyari ay minabuti ni Tony na huwag na niyang isangkot pa ang sarili sa nangyari. Tony handled it all.

Si Eduardo ay may pilit na hinahagilap sa isip.
Kapagkuwa'y "Wala siyang binanggit, Shaun. Kapag magkasama kami sa poblacion ay alam kong tinatawagan niya ang anak at pamangkin niya. Doon lang malinaw ang komunikasyon sa umaga. Kinukumusta niya ang mga ito... tinatanong kung kailangan ng pera. Perang sa akin nagmumula na gustuhin ko mang tumanggi tulad ng una ay hindi ko na ginagawa. Walang mangyayari. She'd kill me with her nags for days. Besides, ano ba ang gagawin ko sa pera ko? It wasn't that much. Natutuwa at nagpapasalamat na lang ako na nasa pangalan mo ang trust ni Tricia.

"She'd been harping me on about it. Halos araw-araw. Na kunin ko sa iyo ang perang iyon; na higit akong may karapatan sa trust ni Tricia kaysa sa iyo." He laughed merrily, na para bang naisahan nito si Leticia sa bagay na iyon. "Sinasabi ko lang na humahanap ako ng pagkakataong makausap kita sa bagay na iyon at na natitiyak kong ibibigay mo iyon..."

"Of course, Papa. Just tell me when-"

Marahas na umiling ang matandang lalaki. "No, Shaun. That money was Tricia's... and yours. Ipinagkatiwala ni Tricia sa iyo ang salaping iyon. Nakikiusap ako sa iyo, please keep it. Gamitin mo sa mabuting paraan. Ni isang sentimo sa trust ni Tricia ay hindi ko nanaising mauwi sa asawa ko... o kahit kay Valerie. Lalo na ngayong nalaman kong si Samuel ang pumatay sa anak ko!" Humihingal ito sa galit.

GEMS 47: SAGADA Nayakap Ko Ang Mga Ulap (2011)Where stories live. Discover now