CHAPTER 7

2K 75 2
                                    

NAHINTO sa ginagawang pagsuri sa kabahayan si Brianna nang marinig ang abuela. Napatuon ang pansin niya sa isang dako ng sala at napahinto siya sa paghakbang nang makita ang tinukoy ni Rosa. Ang lalaking nasa bahagi ng bar at kasalukuyang naglalagay ng yelo sa baso ng alak ay ang lalaking nakatagpo niya kanina sa makurbadang daan. Ang babaeng kasama nito ay nakaupo sa isang malaking sofa na yari din sa pinewood bagaman may makakapal na kutson at malalaking throws.

Hindi malaman ni Brianna kung bakit sa wari ay may humahalukay sa sikmura niya pagkakita rito, kasabay rin naman ay ang kasiyahang nagkita silang muli. She wanted to kick herself. Saan galing ang tuwang nararamdaman niya nang makita ito gayong kanina lang ay galit na galit siya sa lalaking ito?

Agad na humakbang palapit sa kanila ang lalaki nang pumasok sila sa malaking sala. Sa kamay nito ay ang baso ng alak.

"Shaun, hijo, I want you to meet my granddaughter, Brianna!" exclaimed Rosa. Hindi maikakaila ang kaligayahang nadarama. "Nasabi ko na sa iyo noon pa ang tungkol sa panganay kong anak na si Ismael. Brie, hija, this is Shaun..."

No, she thought. Hindi niya gustong kamayan
siya ng lalaking ito. She knew she won't be the same again the moment they touched. Kahit na simpleng pakikipagkamay lang. Kaya naman nanatili siya sa kinatatayuan niya, ilang hakbang mula rito. Subalit inakay siya ni Rosa palapit dito.

The man's mouth twisted in a wry smile, at tila
ba nababasa nito ang iniisip niya dahil hindi na ito humakbang pa palapit at hindi rin nito inilahad ang kamay. Ipinagpasalamat nang lihim ni Brianna ang bagay na iyon. At nang muling bumaba ang mga mata nito sa nakahantad na bahagi ng tiyan niya ay muling nag-init ang mukha niya. Sinikap niyang huwag maapektuhan sa titig ng insolenteng lalaki.

"We've met, Auntie," anito kasabay niyon ay dinala sa bibig ang basong hawak at marahang sinimsim. He was staring at her under the rim of his glass.

Auntie? A relative? Hindi niya maipaliwanag ang disappointment na nadarama sa kabila ng lahat. Kamag-anak nila ang lalaking ito?

Pinaglipat-lipat ni Rosa ang paningin kay Shaun at sa kanya. "Nagkakilala na kayo? Saan?"

"Nakasalubong namin sila patungong Aguid,
Auntie..." Ang babaeng kasama nito ang sumagot mula sa kanang bahagi ng sala.

"Aguid, hija? Nagtungo ba muna kayo sa Bomod-Ok Falls?"

Brianna shook her head, sandaling dinaanan ng tingin si Shaun na nanatiling nakatitig sa kanya. Naiilang na ibinalik niya sa abuela ang paningin. "N-no. Hindi kami nakarating doon, Lola..." She paused.

"Nang una ko siyang matitigan kanina, Auntie,
naisip kong nakita ko na siya," wika ng babae na nagsalita muli. "Now I know. Somehow, she looks like Nathalie. There's a resemblance, no matter how small."

Brianna beamed. "Really? I'm glad to hear that.
Daddy used to say I looked like Grandpa."

"At iyon ang totoo," mariing segunda ni Rosa.
Kapagkuwa'y nagkalambong ang mga mata sandali. Subalit sandali lang iyon, muli itong ngumiti. "At ito naman si Valerie, Shaun's sister-in-law. Valerie, my granddaughter. And this is her friend, Melanie."

Lalong lumalim ang disappointment na nararamdaman ni Brianna sa narinig. The man wasn't just a relative but very much married, too.

"Hi." Pilit ang ngiti ng babae sa kanila.

"Hello, again," ani Brianna at gumanti ng ngiti. Si Melanie ay tinanguan ito.

Nilingon ni Rosa si Vince. "Magpadagdag ka pa ng lulutuin, hijo. This calls for a celebration!"

"I already did, Mama."

Inakay ni Rosa si Brianna na maupo sa isang bahagi ng sofa na katapat ng kinauupuan ni Shaun at ng kasama nito, hindi maipagkakaila ang kaligayahan ng matandang babae.

GEMS 47: SAGADA Nayakap Ko Ang Mga Ulap (2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon