CHAPTER 8

2.1K 69 0
                                    

"WELL, ladies," Vince smiled at them both. "Tama si Shaun. Kailangan ninyong magpahinga. Mahabang oras ang ibiniyahe ninyo."

"Thanks," ani Melanie. "Mas pagod si Brianna dahil siya ang nag-drive patungo rito."

Tinitigan ni Vince si Brianna. Kapagkuwa'y hinawakan sa balikat at muling niyakap. "I'm glad you're here now, Brie. Natitiyak kong nagdala ka ng pa: bagong lakas sa lola mo. And I really wish in my heart that you'd stay. Sana'y ninais ni Ismael na..." He stopped in midsentence.

Kumawala siya sa pagkakayakap dito makaraan ang ilang sandali. "Ako rin ang nagdala ng masamang balita kay Lola..."

Naghahali-halili ang ekspresyon sa mukha ng tiyuhin niya. Nangibabaw roon ang lungkot. "She'll get by. She's strong." Kapagkuwa'y humalili ang panghihinayang "Sana'y nagkausap man lang kami ni Ismael..."

Hindi niya alam kung paano sasagutin ang bagay na iyon. Hindi rin niya matiyak sa sarili kung mananatili nga siya. She had an assignment to do. Subalit ang makatagpo ang pamilya ng kanyang ama ay isang malaking kagalakan sa kanya. Kay dami niyang gustong
itanong at malaman. But first thing first. She had a job to do. And she only had two weeks before deadline. And that was to find Shaun Llantero.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Brianna sa
pangalang pumasok sa isip.

Shaun.

Shaun Llantero!

Brianna blinked. May imaheng pumasok sa isip niya. Mga imahe ng mga larawang ginupit mula sa peryodiko. Bakit hindi niya kaagad naiugnay kanina iyon?

Oh, god, it couldn't be this easy! She couldn't be this lucky. Hindi na niya kailangang magtanung-tanong sa mga kamag-anak niya kung paano matatagpuan si Shaun Llantero. No wonder the man looked so familiar. Nitong nakalipas lang na gabi ay ilang beses niyang
pinakatitigan ang mga larawan nito mula sa clippings at nakatulugan na lang niya. Paanong hindi niya agad ito nakilala?

He was still wearing his hair long. Tulad ng
napanood niyang concert replay nito sa television. Ang mga larawan nito sa clippings ay tatlong taon na ang nakalipas. He aged. That must be it. Iyon lang ang maaari niyang dahilan bagaman bumagay rito ang karagdagang edad.

"Uncle Vince..." she croaked and looked into her uncle's eyes.

"Brie?"

She cleared her throat. Alam niyang tama ang hinala niya. "Shaun is... Shaun Morgan Llantero? The famous pianist?"

Vince smiled. "Yes. So you know of him?"

Isang malapad na ngiti ang pinakawalan niya. "I'll tell you all about it tomorrow," she said excitedly. She was still grinning at her uncle. "Will you show us our room? I'm dead tired."

"You can have your father's room, noong binata pa siya. Pero maaari kang mamili sa dalawang bakanteng silid sa itaas kung hindi mo gusto ang dating silid ng daddy mo."

"Oh, I'll be okay with Dad's room, Uncle Vince."

His eyes darted to Melanie. "Ang silid mo'y sa
mismong tapat lang ng silid ni Brianna. Sasamahan kayo ng katulong sa itaas. Kukunin ko ang mga gamit ninyo sa kotse. Nakapagitan ang bathroom sa dalawang silid."

"Thanks, Uncle Vince."

Vince's smile at her was poignant. "This is your
home, Brianna. Huwag kang mahihiyang kumilos at gawin ang nais mong gawin."

ISANG mahinang katok ang ginawa ni Brianna na agad namang binuksan ni Melanie. Sinuyod niya ng tingin ang kabuoan ng silid. Tulad ng silid niya, the ceiling was painted in white. The wallpaper was soft pink with flowerettes. May semi-double bed na ang coverlets ay maroon at ang punda ng mga unan ay old rose at may flowery prints. Ang headboard ay antigo, ganoon din ang side table sa magkabilang bahagi ng kama at ang tokador ay yari sa palo tsina, maganda at pulido ang pagkakayari. Ang sahig, tulad ng kabuoan ng second floor ay yari din sa malalaking palo tsina. May rug sa paanan ng kama.

GEMS 47: SAGADA Nayakap Ko Ang Mga Ulap (2011)Where stories live. Discover now