CHAPTER 14

2K 73 10
                                    

SA DALAWANG hakbang ay nasa harap na niya si Shaun at hinawakan siya sa magkabilang balikat at marahas na itinayo. "Ano ang ginagawa mo sa lugar na iyon na ang kasama ay isang weakling?"

"S-Shaun..."

"Alam mo ba kung ano ang gagawin sa iyo ng mga iyon kung hindi kami napadaan doon? Kung hindi ko isinuhestiyon kay Tony na sa shortcut magdaan?"

"You're hurting me..."

Shaun shook his head, blinked, and released her. Napaupo siyang muli sa bato. Niyuko siya nito. "At nasaan na ang boyfriend mong iyon?" he asked with disdain in his voice.

"I... I broke up with him."

"Good." Then he shook his head in anger and
frustration. "I am sorry. I was no better than that damn boyfriend of yours. Hindi ko rin naman nailigtas ang aking asawa."

Hindi niya gustong ihambing nito ang sarili kay
Danny. Walang dapat ipagkumpara. Pero walang salitang lumabas sa bibig niya. Hindi niya alam ang totoong kuwento ng nangyari dito at sa asawa nito.

Muli siya nitong sinulyapan sa nagtatagis na mga bagang. "Sinaktan ka nila. Namamaga ang mukha mo at may sugat ka sa dibdib at mga balikat nang iangat kita mula sa tubigan. Sa ospital ay hindi kita kayang tingnan. What happened to you... reminded me of... of my wife..." His chest was heaving in controlled anger. "Hindi sapat na napatay ko ang-Oh, shit!" Hindi nito sinasadyang maibulalas ang bagay na iyon. Hinagod nito ang batok at tumingala sa kalangitan.

"That was safe with me," mabilis niyang sabi. Kung maghimala at pumayag itong magpa-interview, wala siyang isusulat na hindi maganda. "Tony said it was self-defense." Maaaring nakapatay ito, pero sa pagtatanggol
sa sarili at sa kanya. At sino siya para husgahan ang ginawa ni Shaun?

He shook his head. "I am licensed to carry a firearm, Brie. Hindi ko ginawa ang bagay na iyon dahil lang gusto ko siyang gantihan sa ginawa nila sa asawa ko. Hindi ko siya nakilala malibang nang balikan ko siya pagkatapos kitang dalhin sa pickup truck. Nakabulagta siya sa tubigan. Sa una ay hindi ako nakatiyak kung siya nga ang taong iyon, tatlong taon na rin ang lumipas. Subalit nakatutok sa kanya ang fog lights. Natitigan ko ang mukha ng halimaw na iyon..."

"You don't have to explain. I would have killed him myself." Her nose flared in anger as she remembered that night. "Kung hindi dahil sa inyo ni Tony..." She shivered at the thought. As always every time she remembered that night.

"I shot him in self-defense," patuloy ni Shaun.
"Sumigaw na ng babala si Tony sa kanila subalit ang may hawak sa iyo ay binitiwan ka at muling ibinagsak sa kalsada. Hindi ko napansin nang hugutin niya sa may pantalon niya ang isang patalim. Pagtayo niya ay agad niya akong inundayan. Kung hindi ako mabilis na nakailag ay napuruhan niya ako sa tagiliran. Taglay ko pa ang pilat sanhi ng patalim niya." Wala sa loob na hinawakan nito ang kaliwang bahagi ng tagiliran.

"S-sinabi mo kay Uncle Vince nang umuwi ka rito na nabigyan na ng hustisya ang nangyari sa asawa mo. Sila rin ba ang-"

"Yes!" he said violently, cutting her words. "Nakita ko mismo ang mukha ng isa sa kanila dahil nagawa ko siyang suntukin at hatakin ang maskarang nakatakip sa mukha niya. Ang lalaking tinamaan ng fog lights at siyang may hawak at nanakit sa iyo nang gabing iyon ay ang mismong lalaking nakita ko ang mukha!"

"Do... do you want to tell me about it?"

Marahas ang ginawang paglingon ni Shaun sa kanya. Naniningkit ang mga mata. Ngayon ang galit ay unti-unting natutuon sa kanya.

"Shaun," she said with a sigh. Humigit-kumulang ay alam niya ang biglang pumasok sa isip nito. "Kung hindi mo gustong pag-usapan, then it's okay. Hindi kita pipilitin. Pero nagtatanong ako bilang kaibigan at hindi bilang isang kolumnista, kung iyon ang iniisip mo."

GEMS 47: SAGADA Nayakap Ko Ang Mga Ulap (2011)Where stories live. Discover now