CHAPTER 20

2.2K 66 4
                                    

IBINABA niya ang album sa kama at tumayo. Si Shaun ay niyaya ang mga bagong dating sa labas upang doon pag-usapan ang mga nangyari. Si Eduardo ay nagpaalam nang uuwi na ayon dito ay kaya lang naroon ay dahil inihatid ang mga album.

Parehong hindi makapaniwala sina Vince at
Melanie sa ikinukuwento ni Brianna. The three of them were perflexed as to who would wish her dead. Sa mga sandaling iyon ay iminungkahi ni Shaun na pansamantala siyang sa bahay ng mga Nobleza manunuluyan. Ilang sandaling nag-atubili si Vince subalit nang sabihin ni Shaun na mahal nito si Brianna at handang pakasalan ay hindi na ito kumibo at agad namang sumang-ayon.

Shaun suggested that he would stay in Brianna's room. At si Brianna naman ay gagamitin ang katabing bakanteng silid. Kumuha lang ng ilang gamit si Shaun at sumama na pabalik sa bahay ng mga Nobleza. Iniwan na nila ang sasakyan ni Brianna sa lodge at ang truck ni Shaun ang gamit ng dalawa habang nakasunod kina Vince at Melanie.

"They're getting married, you know..." usal ni
Brianna nang nasa daan na sila. "Iyon marahil ang inaasikaso ni Uncle Vince sa munisipyo kanina."

Nilingon siya ni Shaun. A smile on his lips. "Why is it that you don't sound happy about it?" She shrugged. "I am both happy and sad. It is as if I am losing again a person I love. Bagaman hindi naman mawawala si Melanie. Dito na nga lang siya maninirahan. Una pa lang naming pagtuntong sa Sagada ay naakit na siya sa lugar. Balak niyang magtayo ng klinika rito."

Ginagap nito ang kamay niya at dinala sa bibig at hinagkan. "You don't have to look melancholy. I am here, baby. You can count on me. Ihanda mo na ang sarili mo na lagi ako sa tabi mo sa lahat ng sandali."

Inihilig niya ang ulo sa braso nito. Then she heard him whisper "I love you..."

Bilang tugon, she kissed his arm and snuggled into him.

After a while, Shaun said: "Maaari mo nang simulan ang interview pagdating natin sa bahay. Huwag mo nang isama pa ang malagim na nakaraan-"

Itinuwid niya ang katawan, beaming at him. "Thank you, Shaun. Matutuwa si Maricel."

"After the interview, we can plan our wedding. Uuwi tayo ng Maynila at makakapamili ka roon ng engagement at wedding ring..."

Napalingon siya rito. May kudlit ng ligaya siyang naramdaman sa dibdib niya. Ligayang nababantuan ng katotohanang may nagtatangka sa buhay niya. Hindi maalis sa isip niya na si Valerie lamang ang posibleng may sapat na galit sa kanya para pagtangkaan siya. Gayunman, hindi niya kayang igiit iyon. Maliban sa salita nito ay wala na siyang ebidensiya pa.

"INAAKUSAHAN mo ako, Shaun?" hindi maka-
paniwalang sabi ni Valerie. Napuno ng galit at hinanakit ang mga mata. "You should know me better than that."

"You threatened to kill her, Valerie." Ang pangyayaring pagbaril lang kay Brianna sa orange farm ang sinabi niya rito. Hindi na niya sinabi ang iba pang pagtatangka.

"It was a figure of speech! Hindi ako makapaniwalang nagsumbong sa iyo ang babaeng iyon."

Nagbuntong-hininga si Shaun. "Tinangka mo pa siyang saktan kung hindi ka naawat ni Melanie."

"Inagaw ka niya sa akin, Shaun," she said softly.
"I... I wanted to scratch her face."

"Hindi niya ako inagaw sa iyo, Valerie. I have never been yours." He tried to soften his voice. Inabot niya ang mga kamay ni Valerie at hinawakan iyon. "Valerie... I am going to marry Brianna."

Bigla ang paghablot na ginawa nito sa mga kamay. "N-no... no...! You don't mean it, Shaun... sabihin mong nagbibiro ka lang!" Nagsimula nang mamuo ang mga luha sa mga mata nito.

"I am sorry, Valerie. But I love Brianna. Sana ay
maunawaan mo. Sana ay maging masaya ka para sa akin."

Bigla ang bugso ng iyak nito. "No! Ang tagal kong naghintay, Shaun..."

GEMS 47: SAGADA Nayakap Ko Ang Mga Ulap (2011)Where stories live. Discover now