CHAPTER 13

2K 79 7
                                    

IKINUWENTO ni Brianna sa tiyuhin ang lahat
ng nangyari. Napatayo ito mula sa kinauupuan at nagpalakad-lakad sa veranda habang nakikinig. "Ang ex-fiancé ko ay nawalan ng malay," tinapos niya ang kuwento sa bahaging iyon.

"Mabuti na lang at hindi ka napahamak!"

"Nagpapasalamat ako sa pagdating ni Tony at ng kasama niya. Kung hindi ay baka kung ano na ang nangyari sa akin. Malamang na kabilang na ako sa statistics ng raped and murdered cases."

"Tony?"

"Oh, isa siyang pulis. Nagkataong nagroronda sila sa lugar na iyon kasama ng kaibigan niya."

Vince frowned. "Si Shaun ay may kaibigang pulis.... detective actually. Sa imbitasyon na rin ni Shaun ay taon-taong nagbabakasyon dito sa Sagada si Tony kasama ng pamilya. At kung hindi ako nagkakamali ay taga-Laguna si Tony. Tagaroon din ang napangasawa. Hindi kaya ang tinutukoy ko at ang nagligtas sa iyo ay iisa?"

Nagkatinginan sina Brianna at Melanie. "Baka
magkapangalan lang," ani Melanie.

"Kailan nangyari ang muntik mo nang pagkapahamak na ito?" muling tanong ni Vince.

"It happened mid-October last year, Uncle Vince. Mag-iisang taon na..." She shook her head silently. Kung maaari ay hindi na niya gustong isipin ang bagay na iyon.

Sandaling nag-isip si Vince, kapagkuwa'y, "Tama haka-haka ko. Lumuwas ng Maynila si Shaun sometime in October last year upang makipagkita sa kaibigan niyang detective at upang kumustahin na rin ang tungkol sa kaso ng kanyang asawa. Nanatili si Shaun sa Laguna sa loob ng dalawang linggo."

Lumalim ang kunot ng noo nito. "Natitiyak kong si Tony Almendras ang tinutukoy mo. Ang hindi ko lang alam ay kung magkasama sila ni Shaun noong gabing sinasabi mo..."

"Iyan nga ang apelyido ni Tony!" bulalas ni Brianna.

Isang pares ng maiitim na mga mata ang gumuhit sa balintataw niya. Napahugot siya ng hininga as realization dawned on her. "Si Shaun ang kasama ni Tony nang gabing iyon..." she whispered. "Sa mga bisig niya ako nawalan ng malay. Hindi ko na siya muling nakita pa hanggang nitong nagtungo kami rito."

"Small world," komento ni Melanie.

"Hindi man lang nakarating dito ang balita tungkol sa muntik mo nang pagkapahamak, Brie," may panlulumong sabi nito. "Disin sana'y nadamayan ka namin."

"Hanggang maaari ay sinikap namin ni Ate Melanie na huwag nang pagpiyestahan ng media ang nangyari. Uncle Vince. Huwag mo nang alalahanin ang bagay na iyon. Thanks to Tony and Shaun, hindi ako napahamak."

Sapilitang tumango si Vince. "You're one lucky
young lady, Brie. Hindi naging ganoon ang nangyari sa asawa ni Shaun."

"Ano ba talaga ang nangyari, Uncle Vince? Ang ulat na nakalap ko mula sa mga clippings ay hindi nakalabas sa nasusunog na cottage si Tricia Llantero na siyang sanhi ng pagkamatay nito. Was it arson? Aksidente ba?"

"Nang dumating si Shaun mula sa Maynila nang araw na iyon ng Oktobre ay dito siya dumiretso sa halip na sa lodge. Hindi ko kayang ipaliwanag ang anyo niya nang araw na iyon. Dinatnan ko siya sa mismong bahaging ito ng bahay. Nakaupo riyan, nakasandal sa barandilya..." Itinuro nito ang mahabang bangko na yari sa pinewood. "He looked beat and tired and something else. Binati ko siya. Ang tagal bago siya sumagot. Ang unang lumabas sa bibig niya ay: 'Nahuli at napatay ang dalawa sa tatlong lalaking lumapastangan sa aking asawa at sumunog sa cottage-'"

"Lumapastangan!" gulat na agap niya sa sinasabi ng tiyuhin. "Ano ang ibig mong sabihin? Was Shaun's wife raped?" She was horrified. Nilinga niya si Melanie na namangha rin.

"Sa loob ng halos tatlong taong pagkakaibigan namin ni Shaun ay iyon ang kauna-unahang pagkakataong bumanggit siya ng bagay na may kinalaman sa nangyari sa asawa niya. Kahit si Tito Eduardo ay nanatiling tahimik sa kung ano talaga ang nangyari kay Tricia."

GEMS 47: SAGADA Nayakap Ko Ang Mga Ulap (2011)Where stories live. Discover now