CHAPTER 11

1.7K 66 2
                                    

"WALA kayong pagkakataong pag-usapan ako
nitong nakaraang mga araw. Mas na ang tungkol sa daddy mo at sa iyo ang topic ninyo kaysa sa akin! Iyan ay kung may pagkakataon kayong mag-usap!"

"W-when you left the first day, we went straight to our rooms..."

"Precisely. You were too tired. At hindi walang
konsiderasyon si Vince. So how did you know that? Kahapon? Alam ni Vince at ni Auntie Rosa na hindi ko gustong pag-usapan ang tungkol sa buhay ko. And they wouldn't betray me!"

Lumaylay ang mga balikat niya at isinandal ang likod sa sandalan ng nakahintong sasakyan. Nilinga niya ang paligid. Not a house on sight. Kahit tao. Walang makikita kundi ang mga puno ng pino at walang hanggang kagubatan.

"Hindi tayo aalis dito hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang totoo!" Tuluyan na nitong pinatay ang makina.

Halos sabay nilang binuksan ang pinto sa kanya-kanyang bahagi upang makapasok ang hangin. Pinuno ni Brianna ng hangin ang mga baga niya bago nagsalita. "H-hindi pumasok sa isip ko ang magtungo rito sa Sagada para puntahan sina Lola at Uncle Vince..."

"Hindi iyan ang itinatanong ko sa iyo, though that was very charming of you."

Napangiwi siya sa sarkastikong tono nito. "Eventually, pupunta rin ako rito. Nagkataon lang na-"

Pinutol nito ang sasabihin niya. "So why are you here now if not to visit your father's family?"

"D-don't get me wrong. I have always wanted to visit them but Daddy had always been vehemently against it. When... when he died, I was so devastated that I hadn't thought of my grandparents and uncle. He was all that I had and his death was unexpected. Ni hindi man lang siya nagkasakit. A few months after he died... something..." Her voice trailed away. Ang masamang alaala nang gabing iyon ay muling lumukob sa kanya. Ilang beses siyang humugot ng hininga.

"Something what?" singhal nito nang matagalan bago niya ipagpatuloy ang sinasabi.

"You don't have to shout! Pinakakaba mo ako."

"Fuck!"

Brianna winced. "There's no need for that..." She looked around her... at the rolling verdant hills on her left and the thick forest to her right. Pero hindi naman ang kagandahan ng paligid ang nasa balintataw niya kundi ang eksena nang gabing muntik na siyang mapahamak. "S-something happened to me that I have totally forgotten to even send them notice that my father died..." Again she paused.

"Stop hedging, Brie, and get straight to the point! Ano ang dahilan at narito ka kung hindi dahil kina Auntie Rosa at Vince?"

She took a deep breath, then, "I-I work for a... a... certain magazine..."

GEMS 47: SAGADA Nayakap Ko Ang Mga Ulap (2011)Where stories live. Discover now