CHAPTER 18

2.2K 73 1
                                    

SHE ONLY had a few days for her deadline. Nang umagang iyon ay ipinasya ni Brianna na magtungo sa farm upang kausapin si Shaun at pakiusapang pumayag sa interview. Hindi nagtungo sa bahay si Shaun maghapon kahapon. Ayon kay Vince ay nasa Baguio
itong muli at may inaasikaso. Sa pagkakaalam nito ay nagpasya si Shaun na ipagbili na ang share of stocks nito sa kasosyong kompanya.

She didn't want to acknowledge it but she missed him like crazy. Marahil ay pangalawang dahilan na lamang ang tungkol sa interview. Talking to him over the phone was impossible. It was always choppy. Bibihira ang magandang signal sa Sagada kapag umaga.

Si Vince at Melanie naman ay maagang umalis
upang magtungo sa poblacion. Napag-usapan na kagabi sa hapunan na magpapakasal ang dalawa. Na hindi na kailangang maghintay ng ilang buwan dahil pareho namang nasa edad na ang dalawa at si Vince ay nag-aapurang madaliin ang kasal.

She had never seen Melanie so happy. At maligaya rin siya para dito. Kapag umuwi na siya sa Laguna, she'd miss her. Maraming taon ng buhay niya ay kasama niya ito. Subalit hindi niya hahadlangan ang kaligayahan nito at ni Uncle Vince. Sa likod ng isip niya ay naroroon ang pag-asam na sana'y makatagpo rin siya ng ganoong kaligayahan. She thought of Shaun. Sa nakalipas na mga araw mula nang magkakilala sila ay ito lagi ang laman ng isip niya.

Subalit ni hindi niya alam kung saan siya nakatayo pagdating dito. She knew Shaun was attracted to her. Pero hindi niya alam kung hanggang saan. Maliban sa sinabi nito sa kanya noong nasa orange farm sila na may namamagitan sa kanilang dalawa. Subalit
mapanghahawakan ba niya iyon? Did she dare to hope? Paano kung masaktan siyang muli?

Nasa gayon siyang pag-iisip nang may bumundol sa likuran niya na napasigaw siya nang wala sa oras. Nang lingunin niya ang likuran ay isang isang assembled unpainted Wrangler ang nakita niya. Sarado lahat at tinted ang salamin sa harapan. At muli ay binunggo nito ang hulihang bumper niya at napasubsob siya sa manibela.

Hindi nais ni Brianna na magpadaig sa takot subalit hindi agad gumana ang isip niya sa sindak. Bago pa man siya makapag-isip ay nasa kaliwa na niya ang sasakyan at pilit na ginigitgit ang kotse niya patungo sa bangin sa kanang bahagi niya.

She stifled a scream. Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Hindi kalaliman ang bangin sa kanang daan subalit masasaktan siya sa sandaling mahulog ang sasakyan niya roon. Sunud-sunod ang kabog ng dibdib niya. Hindi na biro ang nangyayari. Somebody was trying to kill her.

Muling inakma ng driver ng sasakyan na gitgitin siya subalit mariing inapakan ni Brianna ang accelerator at mabilis na humagibis ang sasakyan niya at naunahan ito. Magraba ang daan at malubak. Tila siya nasa ibabaw ng kabayo sa loob ng kotse niya. Subalit hindi siya nagmenor. Ilang sandali na lang ay nasa farm na siya. Nakita niya sa rearview mirror ang paghabol ng sasakyan subalit nakalampas na sila sa mabanging daan at nakauna na siya. Binilisan pang lalo ni Brianna ang pagmamaneho sa kabila ng pangit na daan at ano mang oras ay maaaring tumagilid ang kotse niya.

Natanaw na niya ang gate ng orange farm at mabilis na ipinasok doon ang sasakyan niya. Ipinarada niya ang sasakyan sa pabalagbag na paraan sabay preno na kahit siya ay napasubsob sa manibela sa kabila ng seat belt.
Napatingin ang boy na in charge sa parking. Mabilis siyang nilapitan at kinatok ang salamin niya.

"Okay lang po kayo, ma'am?"

May ilang sandali ang lumipas bago sapilitan siyang tumango siya at alanganing nginitian ito. Nagkakamot ng ulong tumalikod ang boy. Nilingon niya ang pinanggalingang daan subalit wala siyang nakikitang sasakyan doon. Ang daan patungo sa farm ay hindi daanan ng sasakyan dahil pribado iyon at sadyang dinadayo ang pagtungo na kalimitan ay mga turista. Inihilig niya ang ulo sa headrest at may ilang beses humugot ng hininga. Pinalipas niya ang ilang sandali at hinayaan niyang kumalma ang tibok ng puso niya.

GEMS 47: SAGADA Nayakap Ko Ang Mga Ulap (2011)Where stories live. Discover now