CHAPTER 22

4K 160 46
                                    

Manila, couple of days later...

"MAY NAGHAHANAP sa iyo, Danny,” wika ni
Leo, ang isa sa mga artists.

"Sino?" anito pero hindi inaalis ang mga mata sa ginagawang trabaho.

"Ako, Danny."

Nag-angat ng paningin si Danny nang maramdamang nasa likod lang nito ang tinig. Ipinaikot nito ang swivel chair. "Oh, ikaw pala, Detective." Sinulyapan nito ang isa pang hindi kilalang lalaki sa likod nito. But looking at the man behind the detective, nahinuha nitong isa rin itong pulis. Somehow, may kabang bumundol sa dibdib nito. Hindi nga lang nito matiyak kung bakit.

"You are under arrest Danilo Cajucom, for conspiring and masterminding the frustrated kidnapping of Brianna Nobleza."

Napaatras nito nang wala sa oras ang swivel chair. Ang magandang mukha ay nahaluan ng takot na pilit itinatago. "Paano mo namang nasabi iyan, Detective, gayong isa rin akong biktima? Remember, magkasama kami ni Brianna nang mangyari iyon. At nasa kulungan na ang isa sa may kagagawan ng pagtatangka, 'di ba? At ang dalawa naman ay-"

"Napatay. Isa na roon ang pinsan mong si
Samuel Cajucom." Nilingon nito ang kasama. "Cuff him."

"This is against the law! Wala kayong karapatang hulihin ako!"

"And, Danny, ipinaaabot ko sa iyo ang pakikiramay..."

"Pakikiramay? Saan? Kailangan ko ng abogado."

"Sa pagkamatay ng iyong tiyahin na si Leticia
Cajucom Tevez pagkatapos ang pagkabigong patayin si Brianna Nobleza."

Isang malakas na pagsinghap ang kumawala mula rito. Kapagkuwa'y nanlulumong isinandal ang katawan sa swivel chair. Sinundan iyon ng malakas na hagulhol.

"NILALAMIG ka ba?" tanong ni Shaun at hinapit si Brianna palapit dito. Nakaupo sila sa isang nakahapay na puno at nakatunghay sa bangin at sa bundok sa kabilang bahagi. Ang manipis na mga ulap ay nakapaligid sa kanila.

Brianna smiled, inihilig ang ulo sa balikat nito.
Tatlong linggo na ang nakalipas mula nang mangyari ang pagtatangka ni Leticia sa buhay niya. Sa tulong ni Eduardo at ni Jolito na noon ay patungo naman sa bahay ng mga magulang ni Brianna para sa lingguhang mantini roon.

Malayo pa ito nang marinig ang mga putok ng baril at tinakbo ang dako ng kinaringgan ng putok.

Ang balang tumama kay Shaun ay isang pulgada lamang ang layo mula sa puso nito. Shaun could have died. Tinawagan ni Vince ang mining company kung saan isa sa mga kasosyo si Shaun. Ipinahiram ng mga ito ang chopper at dinala si Shaun sa Baguio pagkatapos tiyakin ng ospital sa poblacion, na nagbigay ng paunang paggagamot, na hindi manganganib ang buhay nito habang ini-ere patungong Baguio.

Ang tama ng baril ni Eduardo ay sa balikat lamang. May entry at exit wound at walang tinamaang artery. Sa poblacion na rin ito ginamot. Gayunman, tila ito tumanda nang labis nang malamang hindi nagpakamatay si Nathalie kundi pinatay ito ni Leticia. Si Nathalie ay inibig nito nang labis at handa nitong hiwalayan si Leticia upang pakisamahan si Nathalie na taglay sa sinapupunan ang anak nila. Lalo nitong dinibdib ang kaalamang ang asawa rin ang mastermind sa pagsamantala at pagpatay at pagsunog sa cottage na ikinamatay ni Tricia.

Nahinuha nilang lahat na hindi pinatay si Shaun ng mga pumaslang kay Tricia dahil iyon marahil ang utos ni Leticia-na huwag itong patayin. Marahil ang motibo nito ay upang si Shaun at si Valerie ay magkalapit ang loob. Kapag nangyari iyon ay makikinabang si Valerie sa trust fund ni Tricia at natural na makikinabang din si Leticia.

Lalo nang nag-panic si Leticia nang magkalapit sina Shaun at Brianna. Natuklasan nitong unti-unti nang nauubos ang sariling pera ni Eduardo. Na bukas-makalawa ay mabubuhay na lang sila mula sa pension ni Eduardo sa gobyerno.

GEMS 47: SAGADA Nayakap Ko Ang Mga Ulap (2011)Where stories live. Discover now