CHAPTER 2

2.3K 79 6
                                    

NAPAUNGOL si Brianna nang malakas. "Nabalaho tayo."

"It's okay. Things happened." Tumingin si Danny sa relo at sinilip ang kapaligiran. "Maaga pa naman."

"Pero madilim na ang paligid. At nasa walang
kabahay-bahay tayo." Sinikap niyang iahon ang sasakyan sa lubak. Umatras siya nang kaunti at nag-primera at muling umabante. Nothing happened. Nasa lubak pa rin sila. Inulit niya ang ginawa.

Atras, primera, abante. Umiingit ang makina ng
sasakyan sa ginagawa niya. On what must have been the fifth time, naiahon niya ang kotse niya. Nakahinga siya nang maluwag. Hindi kalaliman ang lubak. Kinabig niya pakaliwa ang manibela upang iiwas ang hulihang gulong na mahulog sa lubak. Subalit inabot pa rin ang hulihang gulong niya at muli niyang hindi naiahon ang kotse niya.

"Nabalaho ba tayo uli!"

She gritted her teeth in frustration. "Susubukan ko uling iahon." Inulit niya ang ginawa kanina. Sa ikalawang subok ng atras, kambiyo ng primera, at abante, ay namatay ang makina ng kotse niya. Pinihit niya ang ignition key ng ilang ulit subalit ni bahagyang singhap ay wala.

Napaungol siya. "Nag-overheat yata ang sasakyan sa kakaatras-abante ko!" Inihilig niya ang ulo sa headrest sa panlulumo.

"Paano ngayon iyan?" tanong ni Danny at muling sinilip ang buong paligid at likuran. "Nasa walang katau-taong lugar tayo." He sounded agitated.

"Let me think..." she said. Nilinga niya ang labas ng sasakyan. Ni hindi makatagos ang mahinang liwanag ng poste sa lakas ng buhos ng ulan. At marahil ay mahigit sa isang daang metro pa ang layo nila sa industrial subdivision kung saan alam niyang may security guard sa gate at makahihingi sila ng tulong. Kung hindi niya kasama si Danny ay malamang na matatakot siya. Pero kung hindi rin naman ito dumating nang late ay hindi sila aabutan ng ganoong dilim sa daan. Pinigil niya ang sariling sabihin dito iyon. Walang mangyayari kung magsisihan sila.

"Subukan mo kayang itulak habang pinaaandar ko?" suhestiyon niya.

"What?" manghang sabi nito na para bang hindi ito makapaniwalang isusuhestiyon niya iyon. "Ang lakas ng ulan, ah."

"May payong ka naman. Sige na, please. Hindi tayo makakaalis dito at dumidilim na."

"No way. Bakit hindi na lang tayo maghintay at baka may magdaang sasakyan at makahingi tayo ng tulong..."

"This is not the main road, Danny. Paano kung
walang magdaan? Palagay ko ay nasa mga bahay na nila ang mga tao. Sige na," pakiusap niya sa determinadong tono.

"'Nak ng putang buhay 'to. Oo," usal nito na
ikinangiwi niya. Gayunman ay lumabas ito.

Binuksan niya ang salamin ng kotse upang marinig ito kung may sasabihin. "Pagsigaw ko nang tatlo ay paandarin mo!" Sa lakas ng buhos ng ulan ay bahagya na niyang narinig ang sinasabi nito.

Sinubukan niya subalit wala ring nangyari. Ni hindi tumitinag ang sasakyan. She wondered if he really did push. Isinungaw niya ang ulo sa bintana. "Get inside, Danny! It's useless. Papataas ang daan!"

Nagmamadaling bumalik ito sa kotse. "I told you so." Puno ng iritasyon ang tinig nito. "Hayan at nasira ang payong sa malakas na hangin at basang-basa ako." Padabog na inihagis nito sa gilid ng kalye ang payong na bumaliktad.

Ang mabait at pasensiyosong Danny ay pansamantala lang at muling umiral ang pagiging barumbado nito. Gusto niyang mainis sa kasintahan pero nagbuntong-hininga na lang si Brianna. "Ano ang gagawin natin? Hindi tayo maaaring ma-stranded dito. Mamaya lang ay tuluyan nang didilim." Halos hindi pa niya natatapos ang sinasabi nang mula sa likuran nila ay may ilaw na lumiwanag sa daan.

Pareho silang napalingon sa likod.

"May dumarating na sasakyan! Humingi tayo ng tulong," excited na sabi ni Danny. "Lumabas tayo at parahin natin."

GEMS 47: SAGADA Nayakap Ko Ang Mga Ulap (2011)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt