CHAPTER 4

2.4K 76 10
                                    

ILANG sandali na ang lumipas ay hawak pa rin ni Brianna ang telepono at nakatitig doon na sa wari ay isa iyong bagong imbensiyon. Dahan-dahan niya itong ibinalik sa cradle nito. Pagkatapos ay naupo sa stuffed chair niya sa may harapan ng bintana. Nakatingin siya sa magagandang bulaklak sa maliit nilang hardin.
Thanks to Melanie. Mahilig itong maghalaman. Subalit wala roon ang isip niya kundi sa trabahong napipintong gawin.

Kaya ba niya ang ipinagagawa ni Maricel?

Kaya ba niyang magmaneho at muling lumakad mag-isa? Nararamdaman niya sa tinig ng kaibigan ang pressure. Siguro ay talagang may warning ito mula sa big boss. At bagaman mahusay sa trabaho niya si Maricel ay hindi biro ang maghanap ng trabaho sa panahong ito kung saan marami sa mga kompanya ang nagko-cost cutting at nagbabawas ng mga empleyado. May isang anak na nasa high school ang kaibigan niya at single parent ito. Siya man ay hindi rin gustong mawalan ng trabaho. Katunayan ay ipinagpasalamat niyang naunawaan ng publication ang matagal niyang pag-leave sa trabaho.

Mahirap magkaroon ng tsansa sa ibang magazine lalo at masaya naman siya sa trabaho niya. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya at lumakad pabalik sa desk niya.

Her mind wandered to her father...

"ILAGAY mo ang mga sulat na iyan sa kahon," utos ni Ismael. Pagkatapos ay tumingin sa kawalan. "Di ko alam kung paano nila nalaman ang address natin dito sa Laguna," he murmured as if talking to himself.

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga sulat, Daddy?" Halos isang taon na sila sa bahay na iyon. Four months later, buwan-buwan ay may tinatanggap na sulat ang ama niya mula sa Sagada. Na hindi pinagkakaabalahang basahin ng daddy niya.

Hindi kumibo si Ismael at nanatiling nakatitig sa labas ng bintana. Ang mga kamay ay nasa loob ng bulsa ng pantalon.

"Daddy, hindi ba akmang panahon na ito upang malaman ko kung bakit hindi tayo nakikipagkita kina Lola?"

Doon pa lang lumingon si Ismael sa kanya. Puno ng emosyon ang mukha. Una na ay ang gulat at pagtataka. Lumaki at nagkaisip siyang hindi nasabi sa kanya ni Ismael na mayroon silang kamag-anak. Every time she asked about relatives, agad na iniiba ni Ismael ang usapan at sinasabing malalayong kamag-anak lamang ang mayroon at hindi naman ito malapit doon. Subalit nitong nakalipas na tatlong buwan, nang walang abisong nagtungo siya sa opisina ng daddy niya kasama ang isang classmate ay naabutan niyang nasa pinto ng opisina ni Ismael ang sekretarya nito at sinasabing nasa linya ang ina ng daddy niya. She was even shocked. May lola siya! Narinig niya ang malakas at galit na tinig ng daddy niya nang iutos nito sa sekretarya na hindi nito gustong makausap ang sino mang nasa linya. Na sabihin sa tumawag na huwag nang tumawag pang muli.

Nais niya sanang kausapin ang ama tungkol sa
bagay na iyon. Subalit nakita niya ang galit sa mukha ng daddy niya nang makalipas ang ilang sandali ay pumasok siya sa silid nito. Hanggang sa mga sandaling iyon kung saan lakas-loob niyang nasabi sa ama ang tungkol sa lola niya.

Humalili sa gulat at pagtataka sa mukha ng daddy niya ang lungkot at galit. "Gusto kong sabihin sa iyo pero hindi ko alam kung saan magsisimula, Brianna. At kung paano sasabihin sa iyo na maiintindihan mong lahat."

"Daddy, I'm sixteen! I am not a kid anymore. You can tell me and promise, uunawain ko. May mga kamag-anak tayo pero ni hindi mo gustong sagutin man lang ang mga sulat nila." Her father got tired of returning the mails unopened. Kaya naman nakatambak lang sa desk nito ang mga sulat kasama ng ilan pang mails na hindi nito binubuksan dahil hindi naman importante para dito. "I want to meet my grandparents and uncle!"

Lumalim ang kunot sa noo ni Ismael. "How did you know you have an uncle?"

"So he's really my uncle," she said taking a deep breath. "Sinabi lang sa akin ni Conching na noong isang araw habang nasa school ako ay may dumating ditong tao. Pero itinaboy mo at hindi mo kinausap. Ang sabi ni Conching ay kahawig mo ang taong dumating. What's his name, Daddy?"

GEMS 47: SAGADA Nayakap Ko Ang Mga Ulap (2011)Where stories live. Discover now