CHAPTER 12

1.9K 69 1
                                    

"OH, SHIT!" Pinukpok nito ng isang kamay ang
manibela at napapitlag si Brianna. "Why am I not surprised?"

"Y-you don't understand-"

"Ano ang hindi ko naiintindihan? Na reporter ka at gusto mo ng interview? O kumuha ng larawan ko?"

Brianna bit her lip at the accuracy of his words.

"And the kiss back there, paraan mo para mapadali mo akong mapapayag sa interview?"

Nanlaki ang mga mata niya, napaangat ang likod mula sa sandalan ng sasakyan. "That is so unfair! Hindi ako ang humalik kundi ikaw!"

"Yeah..." He was mocking at her. "But you wanted it. Katunayan ay hinagkan mo ako na para bang doon nakasalalay ang iyong paghinga!"

"How could you--"

"You think that would get you an interview? Why, kung hindi ako ang nagpigil ay natitiyak kong maihihiga kita sa damuhan at maangkin sa mismong sandaling iyon."

Bigla siyang humarap dito at tumaas ang kanang kamay. Subalit bago iyon dumapo sa pisngi ni Shaun ay nahawakan siya nito sa palapulsuhan. "Don't save dignity by hitting me." His eyes were in slits. "Kayong mga reporters ay iisa ang likaw ng mga bituka. Gagawin ninyo ang lahat para lang makakuha ng kaunting ibabalita nang walang pagsaalang-alang sa damdamin ng biktima ninyo!" Pabagsak nitong binitiwan ang kamay niya. "While you are willing to offer your body. Do you always do that?" Puno ng distaste at disappointment ang tinig nito.

"You are so despicable!" she cried back, nag-iinit ang mukha. "I didn't offer you my body! And I will never ever-"

"Oh, please..." he cut her words off scathingly.

Nagpupuyos siya sa galit at pagkapahiya. She
opened her mouth to say something equally cruel but then closed it again. She counted from one to ten. Binalaan siya ni Maricel na hindi magiging madali ang pagkuha ng interview kay Shaun Llantero. Pinuno niya ng hangin ang dibdib at sinikap na kalmahin ang sarili. She had to deal this with calm.

"You are my first assignment for almost a year,
Shaun. And for your information, hindi ako reporter," she said defensively, sa mababang tinig. "I work for a women's magazine at may column ako doon."

"Same banana." Nanatiling nakatiim ang mga
bagang nito. Kapagkuwa'y inabot nito ang pinto at kinabig pasara at pinaandar ang makina ng sasakyan. Tumatakbo na ito nang natetensiyong inabot ni Brianna ang pinto sa side niya at isinara din. Napalakas ang bagsak niyon dahil sa puwersa ng pag-andar ng sasakyan.

The tension inside the car could cut steel. Nakikita niya ang paglilitawan ng mga ugat sa kamay nito sa pagkakahawak sa manibela; ang mga bagang nito'y nakatiim.

"Please. I... I didn't choose this assignment. You
were dropped on my lap after many months na hindi ako nagtrabaho. Either take the assignment or lose my job."

He glared at her. "At nang malaman mong kaibigan ko ang pamilya mo ay naisip mong magiging madali para sa iyo ang trabaho, ganoon ba?"

"In a way, yes. Pero bakit ginagawa mong big deal ang simpleng bagay? Nagkataong nakatagpo kita nang hindi ko na kailangang hanapin ka sa buong Sagada."

Shaun murmured something unprintable.

"It's just an interview, Shaun," aniya sa nagsusumamong tinig. "Ipababasa ko sa iyo ang final draft bago ko dalhin sa opisina. Just a paragraph or two. And please, we want you on our cover."

"No." Nasa tinig nito na pinal na ang sagot.

"Please. Dalawang tao ang tatanggalan mo ng
trabaho."

GEMS 47: SAGADA Nayakap Ko Ang Mga Ulap (2011)Where stories live. Discover now