Chapter 2

26 5 0
                                    

Pagkatapos naming mag lunch parang dun lang nagsink in sakin yung nagawa ko. Why do I forget na hindi imposibleng magkita ulit kami ng siraulo na yun? Shet talaga.

"Anong trip yan, A? Para kang baliw diyan." nagtatakang tanong ni Cindy sakin dahil napansin niya kanina pa ko atras baba sa hagdan, oo yung tipong akyat baba ako.  Hindi ko kasi alam paano haharapin yung siraulo na yun.

"Uwi nalang kaya ako." wala sa sariling sambit ko sakanya.

"Gaga hindi pwede, may quiz tayo. Ano ba kasing problema?" sabi niya at tsaka bumaba at nilapitan ako. Bale kasi nasa unang stair ako ng hagdan paakyat, at dun ako akyat baba while siya ay nasa taas na. Nauna na nga yung iba naming mga kasama eh.

"E-eh kasi. Uwi nalang ako." sabi ko sakanya at napakamot nalang kasi naubusan na ko ng irarason. Knowing Cindy, alam niya kung nagrarason lang ako o hindi. Kaya mahirap magtago at magpanggap sa isang to.

"Angelica Asuncion, hindi pwede okay." umiiling na sabi niya at tsaka hinila na ko paakyat sa ayaw o gusto ko man. Wala na, binuo na name ko.

"Cindy, please sabihin mo nalang kay Ma'am nilagnat ako bigla o di kaya ano ano.." patuloy na pagrarason ko sakanya. At hindi ko namalayang nasa room na ko.

"Bat antagal niyo?" bungad na tanong ni Jessa samin.

"Eto kasing kaibigan niyo, sinasaniban na naman ng bad spirit." sagot ni Cindy at tsaka umupo na sa silya niya. Napatingin ako sa classroom, nakita ko si Liyang sa malapit pader at nagtitiktok na naman.

Sa aming magkakaibigan si Liyang ang di mo malaman kung introvert or extrovert. May time kasi na parang gusto niya laging ilayo ang sarili sa lahat, mas madalas kasi nagbabasa lang siya ng story sa phone niya ganun siya.

Napatingin naman ako kay Elicia na kausap si Cindy, eto namang si Elicia wala ding preno to minsan. Pero that's what we like on her personality deretsahan siya. Hindi siya yung tipo ng tao na bobolahin ka na kesyo ganyan.

At eto namang Cindy like sinabi ko kanina mahirap magpanggap sakanya at magrason, kasi hindi siya maniniwala siya. Alam niya kung kailan nagrarason kalang o totoo na. Sa aming magkakaibigan siya din yung natatanungan namin sa acads, kasi di niyo natatanong matalino itong kaibigan namin.

Tsaka naman ako napabaling kay Jessa na nakakunot ang noo na nakatingin sakin. Alam kong gusto nito ng full detailed kanina pa yan nakatingin sakin sa food court pagbalik ko mula sa labas. Alam kong kanina niya pa gusto magtanong kung anong nangyari, hindi lang siya makaeksena kanina.

Etong si Jessa hindi siya chismosa promise, gusto niya lang ng kwento charot. Sa aming magkakaibigan si Jessa yung malapit lang sa bahay namin, kaya nga minsan nagsasabay kami pumasok. Maingay yan sobra, parang siya yung energizer naming magkakaibigan.

"Ano na, A?" ngiting-ngiti na sabi niya sakin at lumapit sakin.

Oh diba, my guess is right. Kaya napailing nalang ako sinundan siya na paupo na sa upuan niya. Bago umupo napatingin naman ako kay Cristina, na busy sa pagdadrawing at pakikinig sa mga kpop songs sa phone niya.

Well she's someone na will choose kpop over boys, hindi siya nbsb may isa siyang ex.

Binalik ko na ang tingin ko kay Jessa na kanina pa kumikinang ang mata na naghihintay ng sasabihin ko.

"Tigilan mo ko, Jessa. Ayoko magkwento, magreview ka nalang diyan." umiiling na sambit ko sakanya kaya ayun napanguso nalang siya at tsaka dinampot ang reviewer niya at nagreview na.

Nilingon ko pang muli ang paligid at nakahing ako ng maluwag when I realized na wala sa classroom yung siraulo na yun. Kaya binuklat ko ang reviewer at nagreview na din.

After ilang minutes napansin ko ang pag tayo ni Liyang at dun ko napansin na may sumisilip pala sa salamin ng pintuan. It's guy.

Sino kaya yun? Bat walang nakwekwento samin tong babae to.  Lumapit siya dun at nagngitian sila.

Hala siya.

"Vinz, sige na maya na ulit." rinig ko sambit ni Liyang dun sa lalaki.

"Sunduin kita ah." nakangiting sambit ng lalaki.

"Oo na sige na, layas na." natatawang sagot ni Liyang sakanya.

"I love you." sigaw pa ni Vinz at mabilis itong nanakbo paalis at ng marinig ito ni Liyang ay namula siya at napailing.

At dahil dun dahan-dahan akong napalingon sa mga taong nasa gilid ko. Hindi yung mga kaibigan namin, what I mean may isang human being ngayon ang matalim na nakatingin sa pintuan at maya-maya pa ay narinig namin ang pagbagsak ng kung ano sa floor. At ng masiguro ko kung tama ang hinala ko, it's Carlo.

Masamang-masama ang tingin niya sa pinto at kay Liyang.

Kaklase namin. Shiniship dati kay Liyang, nagkagusto rin yung kaibigan namin sakanya pero bagal daw eh kaya ayan mukhang may Vinz na ang gaga.

"Hoy sino yun?" may halong pang-aasar na tanong ni Elicia kay Liyang kaya namula ito.

"S-si V-vinz, suitor ko." sagot ni Liyang ba halatang kinakabahan based na rin sa tono ng pananalita niya.

"Bakit wala ka yatang naikwekwento samin?" umiiling na sambit ni Jessa.

"Eh kasi, nahihiya ako." she answered. Kaya tumayo ako, kasi nahohotseat na siya ng mga kaibigan namin.

"Tigilan niyo nga si Liyang, sige kayo baka mamaya hindi nan ipakilala satin si Vinz." nakangising sabat ko. At inakbayan si Liyang.

"Lakas mo talaga, Liyang. Parang kailan lang si ano gusto mo ah." nakangising pang-aasar naman ni Cristina.

"Liyang Arielle Montecillo, you know the drill." seryosong sambit ni Cindy habang nakacross arms pa. Binuo na yung name be, delikads na yan. Kumbaga sa alert level, it's on Level 5 na, basta si Cindy magbuo ng name mo. Kailangan mo diyan ng matinding paliwanagan.

"Oo na, eto na." wala na ng nagawang sambit ni Liyang.

At ayun na nga kwinento niya, she met Vinz daw sa Arcade. Sa loob daw ng Videoke Room, accident lang daw ang lahat na sabay sila nagrent ng videoke room at hindi sinasadya na iisang room pala binigay sakanila. Nagkalituhan daw yung mga staff. Then the rest is history.

And tsaka lang nila nalaman na same school sila nung magkrus ang landas nila dito sa campus.

Masaya ako para sakanya.

Pero ramdam na ramdam ko ang matalim na titig ni Carlo mula sa side namin at parang di man lang ito nararamdaman ni Liyang.

After magkwento ni Liyang ay maya-maya pa'y dumating na ang prof namin.

At makalipas lang din ang ilang oras dumating na ang kinatatakutan kong dumating ang dahilan kung bakit gusto kong umuwi, ang bina bye bye supling ko kaninang lunch.

"Mr. Buenaventura, why are you late again?" galit na bungad ng prof namin sakanya.

Shit.

Nagulat nalang ako ng hindi siya sagutin yung tanong ng prof namin kundi dumeretso ang tingin niya at tiningnan ako ng sobrang sama.

Say goodbye to your precious life, Angelica Asuncion.

Rewriting Destinyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن