Chapter 11

17 5 0
                                    


Lumipas pa ang ilang buwan at malapit na ko mag OJT, dahil next year graduating na kami. Sa loob ng ilang buwan, literal na naglaho na parang bula si Carlo, habang si who-ever-his-name-is ilang buwan ko na siyang iniiwasan. Kung pag-iwas nga talaga ginagawa ko, kasi mukhang hindi naman niya nahahalata.

Kasi halatang masayang-masaya siya kay Bea. At nasasaktan ako sa ideyang yun. Pinilit ko nalang ipagsawalang bahala yun, nagfocus ako sa pag-aaral at pagtulong sa coffee shop, dahil may plano daw si Kuya na lumipad sa ibang bansa to take another course na makakatulong sa business niya.

At plano niya rin daw ipasa yun sakin sa oras na handa na raw ako, dahil plano niya magtayo pa ng coffee shop sa ibang lugar. Balak niya daw palawakin ang branch ng coffee shop.

Kaya feeling ko talaga because of Kuya's Coffee Shop and tiyaga at diskarte hindi na naman kailangan pa si Daddy.

We don't need him, dahil Mom and Kuya do everything to provide for us.

"Ano, Liyang? May balita na ba kay Carlo?" tanong ni Cindy kay Liyang na halatang nagulat pa sa biglaang pagtatanong ni Cindy.

Ikaw ba naman out of nowhere tatanungin ng ganun eh.

"Ha? Bakit bigla namang napasok sa usapan si Carlo? Tagal ng wala ng tao." gulat na tanong ni Liyang kay Cindy.

At dahil curious din ako ay nakisali ako sa usapan.

"Oo nga Liyang, ilang buwan ko na ring napapansin ang pagbiglaang paglaho ni Carlo." sabat ko sakanila. Kaya napalingon sila sakin.

Napahugot ng malalim na hininga si Liyang na para bang wala na siyang takas at kailangan na niya sabihin ang dapat niyang sabihin matagal na.

"Naalala niyo nung huling beses na nag-usap kami?" panimula niya. Kaya napatango kami lahat. I still remember that day, sinong hindi makakalimot nun.

"Oh ano nga palang nangyari nun? Di na kasi kami nagtanong nun kasi iba kasi mukha mo pagsakay mo nung kotse nun." usisa ni Elicia.

"That day, was really the last time na nag-usap kami. Dahil kinabukasan flight niya na pa Singapore, nag migrate na daw ang family nila dun."

"W-what?" si Jessa.

"Kaya kinausap niya ko to say sorry dahil ilang beses niya daw ako nasaktan at pinaiyak. Hindi raw niya sinasadya, and he's asking for my forgiveness. And kaya daw niya pinalayo si Vinz sakin, dahil babaero daw yun at baka lokohin lang ako. Kaya he did everything para palayuin sakin si Vinz. And he even admit na hindi siya sigurado sa nararamdaman niya, pero ang tanging alam lang niya ay meron. Meron siyang nararamdaman sakin pero natatakot siyang masaktan lang niya ako ulit." kwento niya pa. Halata naman, from all his actions na nakita ko noon. He's into with my friend, hindi lang niya matanggap at maamin sa sarili niya.

"That Vinz, tsk tama talaga kutob ko sa taong yun." umiiling na sabi naman ni Cindy.

"At para sagutin ang tanong niyo kung anong balita kay Carlo, wala akong alam. Dahil we both decided na kalimutan nalang ang isa't-isa at magsimula ulit, yung tipong kalimutan naming minsang may naramdaman kami sa isa't-isa. Sobrang complicated, pero ginawa ko. At nakita niyo namang kinaya ko." dagdag pa niya.

"Kinaya mo yun? Knowing na alam mong may gusto din siya sayo? Tibay. Kung ako yan baka pinilit ko siya wag umalis or pinigilan ko siya." di makapaniwalang sambit naman ni Jessa.

"You did a right thing, Liyang. Honestly, I see how you grow up after nung nangyari na yun. Pero bakit nga ba hindi mo siya pinigilan?" I said and ask. Kasi napapaisip ako eh, kung tutuusin she had all the right para pigilan si Carlo na umalis.

"Did you remember when he said to stop myself liking him, ginawa ko yun. And this time he ask me to forget each other, ginawa ko ulit. Dahil wala naman akong magagawa eh, kung yung taong gusto kong ilaban at manatili ay gusto talagang umalis. Masasaktan lang ako kung ipipilit ko." sagot niya sa akin dahilan para mapatitig ako.

Grabe ang lalim nun, hindi kinaya ng utak ko.

"Tibay naman ng damdamin mo jusq, hindi ka man lang nagiba?" medyo natatawang sambit naman ni Elicia.

"I'm so proud of you, ang tibay mo." sabat naman ni Cristina. Isa pa to eh, lagi ng nakangiti at ang sigla lagi.

Alam na kaya niyang aalis si Kuya?

"So ganun nalang yun, Liyang? Wala ka na talagang gagawin?" out of nowhere na tanong ni Cindy na wari mo'y nag-iisip pa. Kaya natahimik kami lahat.

"Let destiny decide for us, edi kung kami edi kami talaga. That's all. Pero for now masaya ako sa buhay ko. Masaya ako sa lahat-lahat na nangyayari sa buhay ko. Anyway I will also grab this opportunity to tell you guys na sa Australia na ko magpapatuloy ng pag-aaral. Matagal na dapat yun, ngayon lang naayos papers eh." she said at pare-parehas kaming natigilan sa huli niyang sinabi.

Wait. What?

"Aalis ka?" gulat na tanong ko sakanya.

"Oo eh, sorry A. Matagal ko ng gustong sabihin to eh, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin." malungkot na sagot niya samin.

"Iiwan mo na kami?" malungkot na tanong ni Jessa sakanya.

"Babalik pa rin naman ako dito, pero pag bakasyon nalang. Di pwedeng di ko kayo makasama no, kayo kaya mga kaibigan ko." she answered. Kaya sabay-sabay kaming napatayo ako at niyakap namin siya.

"Aba dapat lang, kasi kung hindi wag na wag ka ng magpapakita samin." pambabanta ni Elicia sakanya, kaya nagtawanan kami lahat. Kahit kailan talaga tong si Elicia.

Masakit isipin na may isang mawawala samin, pero masaya ako dahil gagawin niya yun para marating pangarap niya. Proud ako kasi sila mga naging kaibigan ko, I'm so lucky to have them in my life.

Nagkwentuhan pa kami ng nagkwentuhan hanggang sa nagkakayaan na umuwi. At nauna na sila lahat sa kotse dahil may naiwan pa ko sa classroom, kaya bumalik ako. At ng palabas na ko ng campus ay natagpuan ko si who-ever-his-name-is sa may gate ng campus nakasandal at namumula. Halatang may tama nga alak.

Lalagpasan ko nalang sana siya at walang planong pansinin kasi inaantay na ko ng mga kaibigan ko ng biglang hilain niya ko at yakapin.

"H-hindi ko *hik* na kaya." garalgal na bulong niya sakin habang nakayakap siya at amoy na amoy ko ang alak sakanya.

Lasing nga talaga siya. Ano ba kasing ginagawa niya dito?

"D-denver ano ba?" inis na sambit ko sakanya.

"Hindi ko na kayang magpanggap, Angelica. I'm tired *hik* of all this bullsh*t. Pagod na kong magpanggap na wala akong pakialam *hik* sayo. Dahil sa *hik* totoo lang gustong-gusto kita Angelica. Pero ayokong madamay ka sa magulo kong buhay.." saglit siyang tumigil at tsaka mas hinigpitan ang yakap sakin. "..when I ask you sa ilog paraiso, I really mean it. I really want you to be my sunset *hik* I want you, Angelica." umiiyak na sambit niya.

Dahilan para matigilan ako.

Totoo ba talaga lahat tong sinasabi niya ngayon o isa na naman tong malaking joke?

Rewriting DestinyWhere stories live. Discover now