Chapter 37

15 4 0
                                    


Sobrang bilis ng lahat, di ko alam kung paano nauwi kami sa pagtira ni Arie dito sa South Korea. At first hindi naging madali para samin ni Arie, dahil biglaan ang lahat. In just one snap, kumalat ang rumor about samin ni Aki, at hindi naman ako papayag na mapahamak si Arie, naging mabilis ang lahat, sobra. At eto ako ngayon kaharap ang taong sampung taon kong di nakita.

At hindi pa naging maganda huli naming pagkikita. At hindi ako makapaniwalang narito siya ngayon sa harap ko at sinasabing alam na niya ang totoo. 

"Angelica, why did you hide it to me?" malungkot na tanong niya sakin. "Ganun ka na ba kagalit sakin at umabot sa point na pati ang tungkol sa existed ng anak natin ay hindi mo sinabi. For almost 15 years wala akong kaalam-alam na yung batang pinagkamalan kong anak ni Aki ay anak ko pala." naiinis na dagdag niya pa.

What the hell? Bakit siya nagagalit sakin? 

"Wow, just wow? Who give you the f*cking right to ask all of this right now? Nagmamalinis ka na ba ngayon, Denver?" di makapaniwalang asik ko sakanya. 

Hindi ko talaga alam kung paano niya nalaman yung address namin dito sa South Korea, pero di imposible yun sa tulad niyang masyadong matalino. Alam kong sakanya namana ni Arie ang talino kaya di na nakakapagtaka yun. Pero di ko pa din maintindihan kung bakit kailangan mag gaganto siya sa harap ko ngayon.

"Angelica, please." nakikiusap na tinig niya.

"Enough! Even if malaman mo man o hindi, you still no right to my child, anak ko si Arie. Oo anak ko lang." I shouted.

"Angelica, please give me a chance to know my child." nakikiusap na tinig niya ulit, pero wala akong pakialam. Sino ba namang matutuwa sa gaya niya, na ganun agad bungad sakin. Like, is he crazy or something. Buti nalang talaga wala si Arie dito, dami kasing ganap nun sa school sa sobrang talino.

"Angelica, hindi pa ba enough ang 15 years na hindi mo siya pinakilala sakin? For goddamn sake Angelica, inalagaan at minahal ko ang batang hindi naman pala akin, samantalang yung sarili kong anak wala akong kaalam-alam na nandiyan at kailangan din ako. Angelica why did you hide her to me?" nanginginig na sabi niya at bakas na ang nangingilid na luha sa mga mata niya. 

"Because I hate you so much, buntis ako nung iwan mo ko. Buntis ako nung nakipagbreak ka. All these years, ako lang nag-alaga at nag-aruga sakanya. Hindi namin kinailangan ang presensya mo, dahil kahit wala ka. May Aki na tumayong ama kay Arie kahit na walang kami at hindi kami nagkabalikan. May Aki na nagkumpleto sa pagkatao niya. May Aki na hindi kami iniwan mag-ina. Eh ikaw, asan ka Denver? Asan ka nun?" nanginginig sa galit na sigaw ko sakanya at halos mangiyak-ngiyak na din.

Gusto ko siyang sampalin, gusto ko siyang saktan. Pero miski yung lakas na yun ay tila nawala sakin, dahil mas nangingibabaw sakin ang sakit na iniwan niya sakin. 

"Nung nag-usap tayo last 10 years ago, you can't even clear to me everything. Ni hindi ka nga nakapag-explain ng maayos kasi sabi mo, hindi ka pa handang sabihin. Kaya imbes makabawasan sa galit ko yun mas lalo lang ako nagalit. And I even mark that day, that you will not know Arie is your daughter. Because honestly that day, you proved me that you don't deserve to be Arie father." 

"Kasi akala ko naiintindihan mo na ko. Akala ko nun pagbalik ko that day, maayos ko na lahat at mapapatawad mo na ko. My only goal that time is to get you back, that's all. Pero pinakita mo sakin kung gaano kalabo na ang lahat para satin. Aki was there, I know at kahit anong gawin ko talo na ko. Dahil ako yung nang-iwan, kaya alam kong suntok sa buwan sumubok ako, sinubukan ko. Kahit nandun yung katotohanan na baka anak ni Aki si Arie.." umiiyak na sambit niya. At dahil sa pag-iyak niya, tila nanumbalik ang unang beses na nakita ko siyang umiiyak. Yun yung araw na umamin siya na gusto niya talaga ako. At kahit alam ko sa sarili ko ngayon na wala na talaga akong nararamdaman para sakanya ngayon. Di ko pa ring maiwasan masaktan na makitang umiiyak siya. "..Angelica, hindi mo na ba ko mahal?" out of nowhere na tanong niya.

Dahilan para matigilan ako at mapatitig sakanya. Hindi ko na nga ba siya mahal? Alam ko sa sarili ko may nagbago sa nararamdaman ko sa paglipas ng madaming taon, at alam ko sa sarili ko na matagal na kong nakapili. Hindi ko lang masabi kasi may inaantay pa kong mga sagot.

"Ako muna sagutin mo, bakit mo ko iniwan? Yung totoo, please be honest on me just for once." I said at pinakatitigan siya.

"I left you because, my Mom is sick and dahil dun unti-unti ng bumabagsak ang kumpanya namin. At dahil dun kinailangan namin ang tulong ng kumpanya ni Bea.." saglit siya tumigil at ramdam ko ang panginginig at lungkot ng tinig niya. "..and that day, I decided to choose my family over you. Kasi akala ko maiintindihan mo, pero di ko naman akalain that you're pregnant that time. Sorry!" malungkot na dagdag niya

"Anong naging kapalit ng pagtulong ng family ni Bea sa kumpanya niya? Answer me, Denver?" mahinahong tanong ko sakanya. Saglit siyang natigilan, at tila inalam pa sa sarili kung magsasabi siya ng totoo o hindi.

Hindi ko talaga kung dapat ba kong maniwala sa mga sinasabi niya ngayon, dahil ilang beses na siyang nagsinungaling sakin. Ilang beses na kong nasaktan sa mga kasinungalingan niya. At hindi ko na alam kung alin ang totoo at hindi sa mga sinasabi niya.

"Answer me?"

"Nagpakasal kami.." maikling tugon na tila sumaksak sakin ng matindi. "..and we are married for almost 20 years now, at nagkakalabuan na." dagdag niya pa.

Oo nasaktan ako pero parang naging normal nalang sakin yung reaksyon ko. Alam kong hindi ako nasasaktan dahil mahal ko pa din siya, nasaktan ako para kay Arie. Kung malaman niya man lahat ng ito. My daughter, don't deserve this kind of pain.

"M-may anak ka ba bukod kay Arie?" nanginginig na tanong ko sakanya.

"Yes, I have with Bea." nakayukong sagot niya.

Para akong nabingi, hanggang isang tinig ang bumasag sa pagtatalo namin mula kanina ni Denver.

"Eomma, is he my real Daddy?" 

Kaya napalingon kami. At para akong biglang naubusan ng dugo ng mapagtanto ko kung sino ito.

A-Arie?

Rewriting DestinyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz