Chapter 29

11 4 0
                                    


After that long kiss, sabay kaming bumitaw at ngumiti sa isa't-isa.

"I will never ask Angel, but I'm happy for what we did." nakangiting sambit niya sakin.

"Sorry if hindi ko pa kayang ibigay ang sagot na kailangan, please be more patience. Once I fixed all of this, ibibigay ko sayo ang sagot na gusto mong marinig. But the only thing I know right now is you are the better choice." nakangiting sagot sakanya.

Di ko alam kung paanong kanina ay umiiyak ako ay napalitan ng mga ngiti at saya na tanging si Aki lang ang nakakagawa.

"It's okay. Pumasok ka na sa loob and take a rest. May shooting pa ko mamayang morning, so uuwi na rin ako." he said at hinawakan ang mukha ko.

"Okay, keep safe." I answered. Bumaba siya at umikot sa kung saan ako nakaupo, at inalalayan ako pababa. Hinila niya ko palapit sakanya at niyakap.

"See you tomorrow, I guess." he whispered in my ears. Kaya namula ako at he kissed on my forehead. "Okay sleepyhead, pasok ka na dun. Naghihintay na anak mo panigurado." dagdag niya pa at tinulakan na ko papasok ng bahay. 

Kaya nakangiti akong pumasok at narinig ko pa ang tunog ng kotse na papaalis, at pagpasok ko ng bahay halos gusto kong manapak ng maabutan ko kung sino nasa sala.

"Hi pinsan." bungad niya habang prenteng nakaupo sa sofa.  Anong ginagawa neto dito?

"Kingina, Ares anong ginagawa mo dito?"gulat na tanong ko. Oo si Ares, yung pinsan namin. Madalas lang siya pumunta dito, at tuwing may okasyon o ganap lang siya nauwi dito. Kaya nakakagulat ang pagsulpot niya dito ngayon.

"Grabe ka naman pinsan, wala man lang welcome back. Mura agad, palibhasa nakita kitang may kahalikan sa kotse." nakangusong sambit niya at halos magpantig ang tenga ko ng marinig ko ang huling sinabi niya. Kaya sinugod ko at pinaghahampas.

"Subukan mo ipagsabi nakita mo, ipapatapon kita pabalik sa Singapore." inis na sigaw ko sakanya pero ang siraulo tinawanan lang ako. 

Nagtataka talaga ako ng sobra, kasi matino naman lahat ng kamag-anak namin. Pero tanging si Ares lang ang naiiba at maluwag ang turnilyo sa utak, inshort sobrang opposite siya ng iba pa naming pinsan na lalaki.

"Eto naman joke lang, alam ko kung gaano ka kalakas kay Mommy at alam kong kaya mo talagang gawin yun. Kaya joke lang talaga. Wala akong pagsasabihan ng nakita promise, hindi naman yun ang pinunta ko dito." bawi niya at ngumiti sakin. Akmang magsasalita pa ko para sana banatan pa siya ng biglang..

"Tito Ares?" masayang sigaw ni Arie na gising pa pala, gabi na rin kasi. At nanakbo papalapit kay Ares at niyakap ito.

"Hi dear, baby Arie? Namiss mo ba si Tito?" malambing na sambit ni Ares kay Arie, kaya tumatango si Arie saknya.

"Yes tito, namiss po kita sobra po." masayang-masaya na sagot ni Arie na pumpalakpak pa sa tuwa.

Bakit ba tuwang-tuwa lagi tong bata na to na sa presensya ni Ares? Baka mukhang clown lang talaga si Ares sa paningin niya. Ay joke lang pinsan ko nga pala yun.

"Bakit yung Mommy mo hindi? Inaway niya agad ako nung nakita niyo ko." nakakaawang mukha na sambit ni Ares kay Arie, kaya hinarap ako ng anak ko at nagcross arms.

Ay kingina ka, Ares. 

"Mommy, bakit mo inaway Tito?" masungit na tanong ni Arie sakanya. Kaya sinamaan ko ng tingin si Ares, na tuwang-tuwa sa ginawa ng anak ko.

"Hindi ko inaaway Tito mo, epal lang kasi masyado yan." sagot ko, pero patuloy pa din ako sinamaan ng tingin ng anak ko. Malalagot ka talaga sa akin, Ares. Humanda ka, nakahanda na gagamitin mong kabaong.

Iba pa naman magalit ang isang to, minsan na kaming nagkatampuhan noon. Nakaya niya kong hindi umikin ng tatlong araw at magmukhang hangin lang sa paligid niya. Pag yun naulit, malilintikan talaaga sakin to si Ares.

"Hmmp, dahil diyan sa sofa ka matulog. Mommy, wag ka tabi akin." masungit na sambit niya at isa lang sigurado ko seryosong-seryoso siya dun.

"Ayan tama yan, baby. Hindi dapat nang-aaway Mommy mo." gatong pa ni Ares, kaya lalo ko siyang tiningnan ng masama.

Kaya nilingon siya ni Arie habang nakacross arms pa din at kunot na kunot ang noo.

"At ikaw naman Tito, wag mo din aawayin si Mommy. Dahil away kayo, dito ka sa sala matulog. Dahil hawak ko po, susi ng guest room wala naman po kasi sila Tita ngayon dahil sa hotel sila lahat magpapahinga. So goodnight tito." she said and tinalikuran kami at pumasok na ng kwarto namin.

Naiwan kaming tulala ni Ares at di makapaniwala. Bakit ba pagdating sa anak ko tumitiklop ako? Wala sa sariling nilock ko ang pinto ng bahay at mapadako ang tingin ko kay Ares na gulat na gulat pa din, kasi akala niya hindi siya damay.

"Hoy Ares, pakipatay nalang ng ilaw ah. Matutulog na ko, marami pa kong trabaho bukas." sigaw ko sakanya at pumasok na sa kwarto. At pagpasok ko dun pinaglalagyan ng anak ko ng unan ang bawat gilid ng kama namin, at may nilagay na unan at kumot sa mahabang sofa sa kwarto namin. At para akong maiiyak na tinotoo ng anak ko ang banta niya, wth.

Kaya napailing nalang ako, sana lang hindi umabot ng ilang araw yan. Ayoko na maulit yun. Bago ako mahiga sa sofa ay nilapitan ko si Arie at hinalikan sa noo.

"Sungit talaga ng baby ko, sleepwell my princess." nakangiting bulong ko at tsaka nagpunta na sa sofa at natulog na. 

Kinabukasan, nagising ako sa kung anong ingay sa labas. Nilingon ko ang kama at nakita ko dun si Arie na mahimbing pa ang tulog. Wala kasi siyang pasok ngayon, Tuesday pa next sched niya.

Kaya bumangon ako at lumabas ng kwarto at dun ko nakita ang dahilan ng ingay. Nandito na pala mga kaibigan ko, at nakita ko namang nagtatalo na si Ares at Cindy.

"Kingina, Ares anong trip to?" inis na sigaw ni Cindy kay Ares na ngiting-ngiti sakanya.

"To follow you, Raya. Wala na kasing makaaway sa Singapore, so I made an effort para lang masundan ka at awayin ka." nakangiting sagot ni Ares sakanya.

Sira talaga ulo nito, kahit kailan.

"Subukan mo lang matatagpuan mo nalang sarili mo sa bermuda triangle." inis na sigaw ni Raya at lumabas at sinundan naman siya ng makulit kong pinsan.

Mukhang walang kawala ang maganda kong kaibigan sa pinsan ko, mukhang gagawin lahat ng mokong.

Ng makalabas sila ay lumapit na ko at isa-isa nila akong binati, ngayon na din pala alis ni Elicia kaya ihahatid namin siya mamaya sa aircon. Hindi kasi siya pwedeng magtagal dito. Dahil nga itatake over na sakanya ng parents niya ang hotel business nila.

Dumeretso ako sa kusina at nagtimpla, at di ko mapigilang mapangiti ng maalala ko yung nangyari kagabi.

"Anong ningiti-ngiti mo diyan?" biglang sulpot ni Kuya at muntik ko ng mabitawan ang tasa ko.

Kaya gulat akong napatingin sakanya.



Rewriting DestinyWhere stories live. Discover now