Chapter 24

10 4 0
                                    


Di ako pinatulog ng sagot ni Aki sa truth or dare. After ng game ay nagtulugan na kami lahat, dahil na rin sa pagod.

At tila naging radyo sa utak ko ang mga sagot ni Aki kanina.

"Because our break up is end good ng wala samaan ng loob at tanong. We just decided it to choose our dream path. At nangako ako dati na no matter what happened, I will win back her once we meet again.."  

 "..because Angel is someone who are worthy to risk."

"And now that I have a chance to get her back, I will do everything, just to have her again."

Para akong kinabahan at di ko alam mararamdaman ko. Aware ako sa nararamdaman niya para sakin pero di ko akalaing ganto ang magiging epekto neto sakin.

Hindi ko na maintindihan nararamdaman ko. There's something on me na telling me that I still love, D. At meron namang parte sakin na unti-unti ng nakakapasok muli sa puso ko si Aki.

Alam kong hindi dapat ako naguguluhan, kasi sa kanilang dalawa. Aki is more deserving than D. Sa sobrang pag-iisip ko ay di ko namalayang nakatulog na ko at kahit late na ko nakatulog ay maaga pa rin ako nagising. 

At pagbangon ko ay napansin ko na wala na si Arie sa tabi ko, kaya mabilis akong bumangon at narinig ko ang ingay mula sa sala.

"Arie, move faster baby. Malalate ka na!" rinig kong sabi ni Cindy.

"Hindi na po ba natin gigising Mommy?" rinig kong tanong ni Arie. Kaya naglakad ako palapit sakanila. At mukhang hindi nila napansin ang presensya ko, dahil lahat sila ay natataranta na asikasuhin si Arie.

Nakita ko si Jessa at Cristina na pinagtutulungan talian sa buhok si Arie, habang si Elicia naman ay inaayos ang bag ni Arie. Habang si Cindy ay inaayos ang pagkakasuot ni Arie sa uniform niya, at habang si Liyang ay nakita ko sa kusina at naggagawa ng sandwich na mayonnaise at itlog ang palaman. Kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

My daughter is really lucky to them. Kung ituring kasi nila para etong prinsesa, sobrang spoiled sakanila si Arie.

Lagi pa silang nagpapabonggahan ng regalo kay Arie sa kahit anong special occassion sa buhay ng anak ko. Minsan nga pinagsasabihan ko sakanila wag masyadong sanayin si Arie, kaso ayun ayaw nila papigil pare-parehas dahil si Arie ang prinsesa ng squad namin.

"No na baby, hayaan mo ng magpahinga si Mommy. Okay?" sabi ni Jessa kay Arie. Kaya tumango ang anak ko.

Close talaga si Arie sakanila despite na hindi sila laging nandito sa Pilipinas, kasi lagi silang binubulabog ng anak ko sa video call. As in iniisa-isa sila ni Arie. 

"Liyang, okay na ba yung sandwich?" tanong ni Elicia na halos katatapos lang ayusin ang bag ni Arie.

"Yes, coming up!" sagot ni Liyang. At dun na ko tuluyang lumapit sakanila, kaya napalingon sila sakin lahat.

"Oh gising ka na pala." Cristina said.

"Alam kasi naming napuyat ka kagabi, ang tagal mo kasi bago pumasok ng bahay kagabi eh inihatid mo lang naman sa labas si Aki." umiiling na sabi ni Jessa.

At para akong natauhan bigla. Bakit nakalimutan ko yun? 

Lasing na kasi kami halos lahat kagabi, dahil biglang naglabas ng alak si Kuya habang naglalaro ng truth or dare.

"Angel, uuwi na ko." bulong ni Aki sakin, kaya nakangiti ko siyang nilingon.

"Iiwan mo na ko? Ayaw mo na sakin?" parang bata na na nakangusong sambit ko kay Aki. Pero tinawanan niya lang ako, at pinitik ang noo ko.

"Lasing ka na ata, Angel." he said.

"No, I'm not. I'm fine, I'm good." nakanguso pa rin na parang bata na sabi ko sakanya. Pero tinawanan niya lang ako ulit, kaya napatitig ako sakanya. Bakit ang gwapo ng tawa niya? Bakit ang gwapo niya sa paningin ko?

Lumingon siya sa mga kasama namin at tsaka natatawang nagsalita.

Kingina ang gwapo talaga ng tawa.

"Hey guys, mukhang lasing na si Angel. Can you bring her to her room?" he asked. At dahil sa sinabi niya ay napakunot noo ko at hinila siya paharap sakin.

"Ayoko pa matulog." matigas na sabi ko sakanya, halatang gulat pa siya paghila ko sakanya pag harap sakin.

"Angel please, uuwi na kasi ako. At habang di pa tuluyang tinatamaan mga kasama mo mas maiging maasikaso ka na nila." he said at smiled sweetly.

"A, let's go. Magpahinga ka na, may pasok pa si Arie bukas." rinig kong tawag ni Cindy sakin pero hindi ko siya nilingon dahil na kay Aki ang paningin ko.

"Edi ihahatid kita." sabi ko at tsaka tumayo ako. At ramdam ko na pa-sway-sway na ko. Pero di ko yun pinansin at hinila patayo si Aki.

"Angel no need, just go to sleep."  tanggi niya. Pero dahil pinanganak akong makulit at matigas ang ulo ko. Ay hinila ko siya palabas ng bahay, at todo alalay naman siya sakin.

"Kulit-kulit mo Aki, sabi ko ihahatid kita eh." sermon ko sakanya hanggang sa makarating kami sa gate. 

"Okay na ko dito, Angel thank you. Kaya pumasok ka na sa loob, and rest." he said at hinila ako sakanya at hinalikan ako sa noo.

"Aki, thank you for coming into my life. Thank you for saving me in my darkest days. Thank you! I just hope na hindi ka mapagod." seryosong sambit ko sakanya kahit hilong-hilo na talaga ako.

Sabi nga nila pag lasing ka mas doon ka mas nagsasabi ng totoo.

"No, ako dapat ang magpasalamat dahil hinayaan mong matagpuan ulit kita Angel." he said and smiled agad.

"Tangina ang gwapo talaga ng ngiti mo." I said dahil para pamulahan siya ng mukha. "..sana sayo nalang ulit ako nahulog dati, eh di sana hindi ako namomoblema ngayon." dagdag ko pa.

"Why?"

"Aki, he is back. Hindi ako natatakot sa ideyang nandiyan na ulit siya, natatakot lang akong matuklasan niya ang tungkol kay Arie. I don't want him to be her father, my daughter deserve better." umiiyak na sambit ko sakanya, kaya niyakap niya ako.

"I know, that's why I'm here." he whispered.

Bumitaw siya sa yakap. At tinititigan ulit ako.

"Sige na Angel, I need to go. Magpahinga ka na agad ah pagka pasok mo." he said kaya tumango ako sakanya.

Akmang aalis na siya ng hilain ko pabalik at dinampihan ng halik sa labi, saglit na dampi lang at tsaka ako nanakbo papasok sa bahay.

"Ano nakapasok na ba sa klase niya si Arie?" bungad na tanong sakin ni Cristina. Yeah kasama sila lahat maghatid, si Kuya lang naiwan sa bahay na according kay Cristina ay tulog pa, at mamaya pa raw gising nun.

"Oo, kaya tara na at may gawain pa ko sa coffee shop." sagot ko at ng makasakay kami sa kotse. Si Cindy muna pinagdrive ako kasi medyo may hang over pa ko sa alak kagabi. 

Hindi ko maiwasang isipin ang ginawa kong paghalik kay Aki, paano ko siya haharapin nito? Nawala lang ako sa pag-iisip ng isang pamilyar na mukha ang makita namin sa parking lot ng coffee shop.

"D-denver?" I almost whispered.

Rewriting DestinyWhere stories live. Discover now