Chapter 16

10 4 0
                                    


Tulala pa din siya until now at parang hindi siya makapaniwala na kami. Kanina pa siyang parang tanga na nakangiti at nakatingin sakin. After nung pag-uusap ay bumalik na kami sa loob ng shop, kasi isasarado na namin, yung coffee shop.

At wala pa ding ideya mga kaibigan sa kung anong nangyari, kasi pagbalik naman lahat sila ay may ginagawa. Biglang dagsaan kasi ng mga customers, dahil na rin kada araw may mga bagong mukha kaming nakikita dito at babalik sa mga susunod na araw na may kasama na. I must say na sobrang lakas kumita ng shop ngayong summer, at pwede ito makatulong para makapagbranch out pa kami ni Kuya or magbukas ng isa pang business.

After ng lahat gawain ay nagpaalam na si Mommy na mauuna na, hindi rin kasi maganda pakiramdam niya bigla sa sobrang pagod din kasi. Sa totoo lang sinasabihan na namin siya ni Kuya na sa counter nalang siya at wag na magkikilos sa kusina or magserve sa mga table. Pero ayaw niya pumayag, matigas din kasi ulo ni Mommy kaya hindi namin napapayag.

Kaya ayan hinahayaan nalang namin siya. It's look like gusto niya lang talaga malibang, mukhang ayaw niya bumalik na naman siya dati. Which is a good sign, Mommy's really know to control her emotion.

Kasalukuyan kaming nasa isang table lahat at nakapalibutan, pinauwi ko na ang ibang crew at kami nalang magkakaibigan ang naririto including Denver.

"So bakit nandito pa yan?" kunot noo na tanong ni Jessa at tiningnan pa si Denver.

"Kami na, we're now in a relationship." walang paligoy-ligoy na sabi ko dahilan para mapanganga sila lahat at napatitig sakin habang biglang tumayo si Denver at hinapit ako papalapit sakanya.

"Finally, buti naman nakinig ka sa sinabi namin ni Tita sayo kaninang umaga." biglang sabi ni Elicia kaya napalingon ako sayo. Sinasabi ko na nga ba? Nakakagulat ginagawa nila ni Mommy kaninang umaga eh.

"Plinano niyo yun?"

Ningitian lang ako ni Elicia tsaka sumagot.

"Well, it's actually Tita's plan. Di daw niya alam kung saan ka nagmana at pinipili mo daw saktan sarili mo kaysa pakinggan iyang nararamdaman mo. Inshort napakatakot mo daw nag risk, kaya ayan tita ask me for help." paliwanag niya at ningitian ako muli.

Bakit hindi ko man lang naisip yun?

Akmang magsasalita na ko para bardugalin si Elicia ng biglang sumingit si Cindy.

"Please do include me, Elicia. Kinausap din ako ni Tita and ask for my help also." si Cindy.

"Hoy bat di ako kasali diyan? Andadaya niyo." reklamo ni Jessa habang si Cristina ay napailing nalang.

Natatawa lang ako pinapanood sila na nagtatalo dahil sinagot ni Cindy si Jessa. And the debate start here. Natigil lang ako sa pagtawa ng biglang may humawak sa kamay ko at ng lingunin ko siya ay ngumiti lang siya.

Natapos ang araw na yun na puro tawanan at kulitan at minsan ay inaasar nila si Denver at ginagago. Well hindi ko sila kaibigan kung hindi sila ganyan. Pagkauwi ko nun ay inalagaan ko si Mommy na inaapoy na ng lagnat, gumaling naman siya nun.


Lumipas pa ang mga araw at natapos ang summer. At dahil tapos na ang summer, tapos na rin ang bakasyon namin. Bumalik kami sa school ng wala ng Liyang. Lumipas pa ang maraming buwan at naging maayos lahat, nagkakaproblema kami ni Denver well normal naman yun sa kahit anong relasyon, kaya naayos namin. 

Simula din ng maging kami, I never heard anything about Bea at wala na kong planong alamin pa kung anong nangyari sakanya.

Hanggang sa grumaduate kami ng sabay-sabay. Sa sobrang lumipas ng mga araw, hindi ko alam kung paano pa aalalahanin lahat ng nangyari para dumating ako sa gantong phase ng buhay ko. Graduate na kami ng college and the real reality start here.

Rewriting DestinyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang