Chapter 39

13 4 0
                                    


Natapos ng maayos at maganda ang stage play ni Arie, hindi siya nagkamali. Alam ko kung gaano niya to pinaghirapan at pinagpaguran. 

"Congratulations, baby you did it. I'm so proud of you!" nakangiting salubong ko kay Arie ng makapagbihis na siya.

 Nakakalungkot mang isipin pero di dumating si Aki, habang ang mga kaibigan ko naman at si Kuya ay nagsend nalang congratulations note kay Arie at siyempre nagpapasend ng video performance ni Arie.

"Thank you, Mommy. Like Daddy Aki feel ko po pwede rin po ako maging artista?" nakangiting sambit niya sakin.

"At talagang balak mo sundan mag artista ang Daddy Aki mo ah, wag mo nga mabanggit yun nababadtrip ako hindi siya dumating." medyo naiinis na sambit ko.

Sa totoo lang umaasa talaga akong darating siya eh. Kasi knowing him walang occassion at ganap ni Arie ay pinalampas niya, this is the first time na wala siya.

"Ay naku, Mommy. Nagtatampo ka lang kay Daddy eh." umiiling na sambit niya.

"Tumigil ka, Arie." saway ko sakanya. Kahit kailan talaga tong batang to, kung nung maliit palang siya ay ginaganto na ko mas lumalala pa siya nung tumanda na siya. Ang lakas lakas mambwisit, mana sa Tita Jessa at Tita Elicia niya.

"Opo titigil na, let's go somewhere nalang Mommy." nakangiting sambit at yaya niya sakin, medyo nagtaka pa ko at napakunot ang noo.

"Saan naman tayo pupunta?" takang tanong ko sakanya.

"Secret Mommy, let's just go." nakangiting sambit niya at hinila na ko paalis paalis ng auditorium. 


Matagal din ang biniyahe namin hanggang nagpark kami sa isang lugar kung saan itinuro ni Arie. Hindi ko talaga alam buong biyahe kung saan kami papunta, sinusundan ko lang sinasabi niya.

"Mommy mauna na ko ah. Pasok ka nalang po sa loob." nakangiting pagpapaalam niya at walang sabi-sabi na bumaba ng kotse at nilayasan ako.

"Arie!" tawag ko pa sakanya pero hindi siya nagpatinag.

Anak ko ba talaga iyon?

Kaya wala akong nagawa kundi mapailing nalang. Inayos ko ng park ang kotse at tsaka ako bumaba at pumasok na sa loob. Nagulat pa ko na sobrang dilim ng lugar, as in. 

"Arie where are you?" sigaw ko pero nagba-bounce back lang yung boses ko sa buong area. Shit, nasaan si Arie?

"Arie, please stop hiding. Nag-aalala na ko ah." kinakabahan na sambit ko.

Hindi naman siguro nakuha na siya nung pamilya ni Liyang kasi ang alam ko hindi pa din tapos yun hanggang ngayon. It's been 20 years, palipat-lipat na din ng bansa si Liyang to be safe, dahil hinahabol siya ng tatay niya all these years.

Wag naman sana, not my daughter. Not my Arie.

"Arie, anak please." medyo naiiyak na nasambit ko. Habang patuloy na naglalakad sa sobrang dilim na paligid, nangangapa na nga ako eh. 

Ng makarating ako sa parang hagdan, natalisod pa ko at muntik matumba ng biglang magkailaw ang paligid. Kasunod ang pagtugtog ng kung ano sa paligid. At dahil nakatungo ako ay hindi ko alam kung ano yung liwanag at saan galing yung tugtog.

"My Angel." sambit ng isang pamilyar na boses. Nanindig ang balahibo ko, at ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. 

Akala ko ba hindi siya dumating?

Napaangat ako at napatingin at para akong biglang naestatwa kung sino nakita ko.

"Angel I think this is the right time. And I can't wait more longer to do this. Lagi ko namang sinasabi sayo na wala akong pinagsisihan sa lahat ng ginawa ko para sayo. Ilang beses ko na ring sinabi sayo na maghihintay ako kahit gaano pa katagal.." nakangiting sambit niya at unti-unting lumapit sakin. At hinila ako palapit sakanya. "..tingin ko naman this time, handa ka na Angel. Mula pa lang sa unang beses na nakita kita noon na nag-iingay at nagliligalig sa school natin. Mahal na kita. At kahit naghiwalay tayo at nagmahal ka ng iba, mahal pa din kita. Lahat ng kanta ko ay nakalaan lang para sayo, lahat yun ay naisulat ko para sayo. Mahal na Mahal kita, Angel." nakangiting dagdag pa niya.

Dahilan para mapaluha ako at mapangiti ng sobra. Kung iisipin mo, ang dami na naming pinagdaanan ni Aki. Hindi man siya ang tatay ni Arie, pero alam kong siya ang naging kasangga ko nung nahihirapan akong alagaan si Arie. Hindi niya kami pinabayaan ever.

Everything was perfect, sadyang ako lang tong pinapatagal pa. Alam ko na naman yung sagot sa tanong niya, alam ko yun. It's just I wait for the right time.

"Angel can you marry me?" he asked na nagpagulantang sakin. 

Marry? Wait what?

"Hindi na tayo bumabata Angel. Ready na ko makasama ka, at matagal na ko ready maging tatay ni Arie. Dahil ikaw lang nakikita ko na makakasama ko habang buhay. Ikaw lang lagi at tuwina, Angel. Can you marry me?" nakangiting sambit niya sakin at lumuhod sa harap ko.

Halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Kinikilig at hindi makapaniwala. 

"Mommy, say yes please po?" Arie shouted at tsaka ko lang napansin na nasa gilid lang pala siya. Kasama ang mga crew at staff ata ng restaurant na to. At ngiting-ngiti si Arie habang nakatapat samin ang phone niya, mukhang naka video call siya sa mga tita at tito niya pati kay Mommy siguro.

"Angel, I know this look rush for you. Pero mahal na mahal kita, Angel. I can't wait any long years to say this and do this for you. Angel did you want to spend your life with me?" nakangiting sambit ni Aki sakin, dahilan para mapangiti din ako.

Sigurado na ko, alam ko.

"Yes I'm willing to spend my life with you, you are best thing happened to my life. Sorry for making you wait for too long, Akihiro. Mahal na mahal din kita." umiiyak na sambit ko sakanya. Napangiti siya at halata na rin ang pagiging emosyonal niya. Tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit.

"Hindi mo alam kung gaano mo ko napasaya Angel, mahal na mahal din kita sobra. Thank you for finally letting yourself to be with me. Akala ko talaga dati nung bumalik si Denver akala ko mawawalan na ko ng lugar sayo, but it became different. Dahil hinayaan mo konh manatili sa tabi niyo ni Arie, hinayaan mo kong iparamadam sayo kung gaano kita kamahal. Salamat, salamat sa pagtanggap ulit sakin." umiiyak na sambit niya, kaya mas lalo akong napaluha.

"Mahal na Mahal kita, Aki. Thank you for being a father to Arie and thank you for loving me despite of na may anak na ko. Thank you for accepting and letting us to be part of your life." umiiyak na sambit ko din sakanya. 

Nasa kalagitnaan kami ng iyakan ng biglang sumulpot si Arie na tuwang-tuwa at yumakap samin.

"Finally, magiging Daddy na talaga kita Daddy Aki. Masayang-masaya po ako para sainyo." umiiyak na sambit ni Arie kaya niyakap namin siya.

Wala na kong ibang mahihiling pa sa mga oras na to kundi ang maging mas masaya pa dahil alam kong deserve namin ng anak ko. 

We deserve to have a complete family finally after all these years.




Rewriting DestinyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora