Chapter 3

34 5 0
                                    


"Mr. Buenaventura, answer me?" sigaw pang muli ng prof namin.

"Traffic." maikling sagot niya at tsaka dumeretso sa upuan niya ng hindi nililingon at inantay man lang sumagot yung prof namin.

Bastos talaga kahit kailan.

"Isang beses pang malate ka, Mr. Buenaventura wala akong pakialam kung anak ka ng stockholders ng school na to. Magdadrop out ka sa subject na to sa ayaw o gusto mo man." inis na sambit ng prof namin sakanya.

"Okay then." matipid na sagot niya at tsaka inuob-ob ang mukha lamesa pero napaangat din ng mukha ng kulbitin siya ni Carlo at may binulong sakanya.

Matapos ang klase ay napansin namin ang isang lalaki na prenteng nakasandal sa pader sa labas ng classroom at ngiting-ngiti.

At paglabas namin ay mabilis itong lumapit kay Liyang.

"Hi, love." nakangiting bungad niya kay Liyang.

Nagkatinginan naman kaming magkakaibigan at nakaramdam ng inggit, kunti lang naman.

"Love ka diyan, tigil mo yan Vinz baka masipa kita." banta ni Liyang sakanya.

Kahit kailan talaga to, napakabrutal talaga eh.

"Eh kasi, dun din naman punta natin." nakangising sambit ni Vinz kay Liyang kaya pinamulahan ng mukha si Liyang at napailing nalang.

"Tse. Anyway this is my friends. This is Angelica Asuncion.." nakangiting sambit ni Liyang at tinuro ako kaya ningitian ko lang si Vinz at tinanguan. "..at eto naman si Jessa Vana Ertude then yung katabi naman niya is si Cindy Raya Ortega.." turo naman niya kay Jessa at Cindy na sabay na ningitin siya. "..then eto naman Elicia Kate Lopez. Then beside her is Jana Cristina Gonzales. Yeah they are my friends." nakangiting sabi ni Liyang kay Vinz.

"Oh hi guys, nice to meet you. I am Ashton Vinz Carter but you can call me Vinz for short." nakangiting pagpapakilala niya samin.

I feel like his vibe is sobrang gaan lang. Mukhang makakasundo namin to.

Kaya siguro mabilis siyang nakagaanan ng loob ni Liyang, knowing this girl hindi siya masyadong malapit sa any guys, kaya nakakabigla yung closeness nila nitong si Vinz. Pero good for Liyang anyway, nakita ko kung gaano siya nasaktan before.

Kaya deserve niya yung happiness na nararanasan niya ngayon.

Kasalukuyan kaming nagkwekwentuhan habang nasa pinto pa din ng biglang..

"Pinto po yan, daanan hindi yan harutan area." rinig naming pasaring ni Carlo kaya napaalis kami sa pintuan, at tsaka siya dere-deretsong umalis ng makadaan siya. Napansin ko pang nilingon niya saglit si Liyang na walang pakialam, at sinamaan ito ng tingin.

Kung nakakamatay lang ang masamang tingin, kanina pa naisugod sa ospital tong kaibigan ko.

Kasunod naman niya si Denver na halatang inaantok pa. Pero di ako nakaligtas sa masamang titig niya na parang sinasabi neto na hindi pa tayo tapos. Tsk kasalanan naman kaya na bye bye supling ko siya eh.

Inirapan ko lang siya kaya inis siyang tumalikod at sinundan si Carlo na sinundan ni Renz kanina dahil ramdam na ramdam niya ang pagkabadtrip neto.

Habang nasa klase kasi kanina, napapansin ko ang masasamang paninitig ni Carlo sa side namin specifically kay Liyang na parang gusto niyang manapak anytime.

Ng makaalis si Denver ay binalik ko na ang tingin ko sa mga kasama ko.

"So paano ba yan guys, una na ko. May dadaanan pa kami ni Vinz eh." pagpapaalam ni Liyang samin.

"Oh sige na ingat kayo ah, Vinz yung kaibigan namin ah ingatan mo kung hindi lagot ka samin." banta ni Jessa kay Vinz. Kaya napailing nalang ako.

Ganyan sila ka-protective.

"Pag yan nakita lang naming umiiyak, wag na wag mong tatangkain magpakita samin kundi hindi ka talaga makakauwi ng walang galos." gatong na banta naman ni Elicia.

"Elicia!" saway ko sakanya.

Kahit kailan talaga, kahit saan mo dalhin ang kabrutalan ay hindi maiwan.

"Oh sige na ingat kayo, at may lakad din kami. Liyang yung ano ah wag mo kakalimutan." paalala ni Cristina sakin.

"Sige na babye guys, kita nalang us bukas." pagpapaalam ni Liyang samin at maya-maya pa ay umalis na sila. At kami naman ay pupunta na sa pupuntahan namin.

Natapos ang araw na to na ang daming nangyari. Parang kanina lang sumakit ulo ko sa coding, parang kanina lang may nag-away sa food court, parang kanina lang may na bye bye suplings ako. At parang kanina lang nalaman namin na may nanliligaw kay Liyang, shet ang daming ganap ah. Papasa na tong Episode 1 sa filming shet.

Pero akala ko tapos na talaga ang lahat ng magaganap ngayong araw, akala ko hanggang dun nalang yun pero..

"Ano ba, saan mo ba ko dadalhin?" sigaw ko kay Denver ng out of nowhere hilain niya ko mula sa gate ng campus kanina. Nagulat nalang talaga ako na nasa gate pa siya at nakacross arms at masama na nakatitig sakin.

"Alam mo ba kung anong ginawa mo? Ha?" inis na tanong niya sakin.

"Bakit ano bang ginawa ko sayo ha?" inis na tanong ko din sakanya.

"Wag ka ng magmaang-maangan diyan, you know what you did Ms. Asuncion." napipikon na sambit niya sakin.

Kaya mo to, Angelica. Kalma lang, kalmahan mo. Si siraulo lang to, wag ka papatalo.

"Ano nga bang ginawa ko, Mr. Buenaventura?" naiinis na tanong ko sakanya.

"Stop acting like you don't know, napipikon na ko sayo." inis na inis na talagang sambit niya.

"Pwede ba Mr. Buenaventura may lakad pa kami ng mga kaibigan ko, kung may problema ka sakin, pwede bang bukas nalang natin problemahin." inis na sambit ko sakanya.

"Ms. Asuncion, stop playing around. Just answer me goddamn. Alam mo bang after ng ginawa mo, I can't even walk straight." inis na sigaw niya sakin.

"Ay bakit sino bang gag* ang hinila ako palabas ng food court, alam mo bang ayokong naiistorbo ako sa pagkain ko. And that's the punishment of what you did.." sigaw ko sakanya. Kaya natahimik naman siya. "..nanahimik akong kumakain dun tapos hihilain mo ko palabas ng food court tapos ang rason mo lang ay gusto mo lang makaalis sa eksena niyo ni Bea, muntikan ko na hindi maubos lunch ko because of you." dagdag ko pa.

"Pero hindi pa rin valid yun para sipain mo ko sa kahinaan ko." sigaw niya din sakin.

Para na kaming tanga ditong nagsisigawan, may mga ilan na ding tumitingin samin. Pero wala akong pakialam sakanila.

Ang tanging gusto ko lang ay malaman ng siraulong to ang abalang ginagawa niya ngayon sa buhay ko. Kailan ba tatahimik buhay ko?

Rewriting DestinyWhere stories live. Discover now