Chapter 31

11 3 0
                                    


Simula ng umalis si Elicia ay pag kasunod na linggo ay umalis na rin si Jessa. Need talaga kasi siya sa ibang bansa, and we understand it.

Tulad nga ng sabi ko sakanila, may kanya-kanya silang priority sa buhay. At naiintindihan ko yun, kasi tulad ko na may sarili na din ako sa buhay dahil may anak na ko.

Patuloy pa din kaming nagte-train, kahit mukhang hindi pa napadpad ng Pilipinas ang pamilya ni Liyang ay todo train kami kahit takang-taka na si Cristina at Cindy pero g lang sila.

Si Cindy ay parang gusto nalang bumalik sa Singapore dahil sa pambwibwisit ng pinsan ko sakanya. Dahil sa araw-araw na ginawa ng diyos ay wala ibang ginawa si Ares kundi inisin siya at kulitin.

At di ko alam kung hanggang saan aabot ang bardugalan at inisan nila. Habang si Kuya at Cristina ay panay ang alis, dahil naghahanap nga sila ng lupa na pagtatayuan ng dream house nila. Sana all nalang talaga!

"Mommy, did Daddy Aki will visit today?" Arie asked with a tiny voice at lumapit sakin.

Nandito lang kasi kami sa bahay ngayon nagpapahinga, habang si Ares at Cindy ay nandun sa labas nagbabardugalan at nagsisigawan. Sanay na rin naman kami sa dalawang yun kaya hinahayaan nalang namin.

"Di ko alam baby eh, nasa shooting pa ata si Daddy." sagot ko sakanya.

Actually sa sobrang busy ni Aki ay hindi na siya gaano nakakapunta dito pero hindi siya nakakalimot kamustahin ako at si Arie.

At sa totoo lang namimiss ko na siya. 

At about Denver naman, wala na kong balita sakanya dahil sa mall ko lang siya huling nakita. At sana lang hindi na siya magpakita ulit. Pero if ever man magpakita siya at magtatanong, pakiramdam ko naman ay handa na ko. Handang-handa na ko this time.

"Okay, Mommy! Anyway Mommy, can we just go to mall? It's kinda boring here." nakangusong sabi niya sakin.

At ayoko sana, pero dahil nagpapacute na siya sakin ngayon sa harap ko ay wala na kong nagawa kundi pumayag.

Hindi ko talaga siya kayang tiisin pag nagpapacute na siya.

"Okay baby, go to your room and change your clothes. We will go to the mall." nakangiting sagot ko sakanya. Kaya excited siyang nanakbo papasok sa kwarto namin.

Ng maiwan ako ay nawala ang ngiti ko. Dahil baka makita ko na naman siya ulit dun. Baka maging dahilan pa yun, para makilala niya ng tuluyan si Arie. And ayoko mangyari yun.

Pero kahit ganun nararamdaman ko ay tumuloy pa din kami. Pagdating namin like we always do, pumasok kami sa arcade, namili ng damit niya at damit ko our usual bonding of course. At ng papasok na kami sa kakainan namin na si Arie ang pumila ay gusto ko nalang hilain paalis si Arie ng makita ko ang pamilya na mukha na makakasalubong namin.

"A-Angelica?" he whispered. At tiningnan ako at nilipat ang tingin kay Arie na nakataas ang kilay na nakatingin sakanya.

At nagulat ako ng hampasin siya ni Arie at nagulat din si Denver.

Yes it's Denver.

"Ikaw, ikaw yung nagpaiyak kay Mommy last time. You are bad!" Arie shouted in a tiny voice at patuloy na pinaghahampas si Denver kaya inawat ko siya at tsaka binuhat.

"M-Mommy?" utal na sambit niya.

"Mommy, why did you stop me? That man deserve a punch po." inis na sambit ni Arie at pilit bumaba sa pagkakarga ko sakanya.

"Enough, Arie.." saway ko sakanya. Kaya walang nagawa si Arie kundi umirap nalang at manahimik. Kaya binalik ko ang tingin ko kay Denver at tsaka nagsalita. ".. pasensya ka na kay Arie, she doesn't mean to do that." paghingi ko ng pasensya sakanya.

Nakakaagaw na rin kasi kami ng atensyon. Pero sa totoo lang para na kong nakaganti sakanya sa ginawa ni Arie sakanya.

"Hmm. It's okay? Is she really your daughter?" he said.

Oo gagu, anak natin.

"Yes she is, she is Annelise Arie Asuncion. My daughter." nakangiting sagot ko sakanya.

"Well she look exactly like you, she's pretty." nakangiting sambit niya at tiningnan si Arie na masama ang tingin sakanya. At parang sa oras na makababa siya sa karga ko ay totohanin niya ang punch na sinasabi niya kanina.

Di ko tuloy maiwasang sisihin si Elicia, tinuruan ba naman si Arie.

"Yeah she really is." I answered.

At buti nalang talaga wala siyang nakuha sayo.

"Who is her father?" he asked.

Ikaw tanga.

"It's none of your business, kung wala ka ng tanong. Can we go na? Nagugutom na kasi kami ng anak ko." sagot at medyo sarcastic na sambit ko sakanya at talagang diniinan ko pa ang pagsabi ng anak kasi wala lang trip ko lang talaga.

"Oh, okay. Eat well, nice meeting you again, Angelica and also you Arie." parang awkward na sagot niya dahil di talaga siya tinantanan ng samang tingin ni Arie. Grabe talaga tong anak ko, malala pa sa ugali ko.

Di ko sinagot at akmang tuluyan na kaming maghahanap ng mauupuan ng magsalita siyang muli.

"Angelica, can we talk some other day?" he asked out of nowhere kaya napalingon ako sakanya.

Ano naman kaya pag-uusapan namin?

It's this the sign for me para masagot na lahat ng tanong ko sa loob ng limang taon. It's this really the right time? Maaachieve ko na ba ang peace of mind na matagal ko ng gustong makuha.

"Why?" nacoconfuse na tanong ko sakanya.

"I just want us to talk everything we need to talk. I know that you are still have a lot questions in your mind, then I also feel the same.." he said at saglit tumigil at tiningnan ulit si Arie na masamang-masama talaga tingin sakanya at tsaka binalik ang tingin sakin. "..imemessage nalang kita sa messenger kung kailan at saan. I hope you can give me a chance to explain everything." dagdag pa niya at smiled bitterly.

"Hmm, okay." maikling sagot ko sakanya.

"Anyway, your daughter looks like Akihiro." out of nowhere na sambit niya at tsaka tumalikod na.

Dahilan para matigilan ako at matahimik. How the hell he know about Aki? And how he end up concluding that Arie's father is Aki?

Well mas makakabuti na siguro kung ganun nalang hinala niya. Inalis ko yun sa isip ko at naghanap na ng mauupuan namin ni Arie. At ng ibaba ko siya at paupuin sa chair ay tinitigan ako ng anak ko at nagtaas ng kilay.

"Is that bad guy is my real father?" she suddenly asked at seryosong-seryoso talaga mukha niya dahilan para matigilan ako at parang naubusan bigla ng dugo at ramdam ko din na parang namutla ako bigla.

Kingina.

Bakit ba kasi sobrang talino ng anak ko? Grabe naman disadvantage ng may anak na matalino.



Rewriting DestinyWhere stories live. Discover now