Chapter 34

10 4 0
                                    


"Sorry for what happened, Angel. Aayusin ko to promise." Aki whispered. Nandito kami lahat sa bahay ngayon, buti nalang walang pasok si Arie. At namomoblema sa article na lumabas about Aki, trending ito ngayon sa twitter. Aware akong pwedeng mangyari to, pero kahit pala handa ka matatakot at matatakot ka pa din. Hindi ako natatakot para sa sarili ko, natatakot ako para sa anak ko. Ayokong madamay siya dito.

"Akihiro, please do everything para walang makadiscover na ang kapatid ko at si Arie ang tinutukoy sa article. May tiwala ako sayo, like I trusted you before when you courted my sister way back years ago." Kuya said dahilan para mapalingon ako sakanya. Wait? What? Nagpaalam si Aki kay Kuya dati na manligaw sakin.

Bakit ngayon ko lang to nalalaman?

"Seryoso? Nagpaalam sayo noon si Aki? Grabe." di makapaniwalang sabat ni Cristina.

"Well actually not only me, kahit medyo di okay si Mommy that time nagpaalam din siya dun. And when he got the approval he needed tsaka siya nanligaw kay A.." kwento ni Kuya. "..at nagpaalam din siya na makikipaghiwalay siya kay A, nung una aba as Angelica brother nasuntok ko siya tapos kahit nasuntok ko na siya nag-explain siya kung bakit and that it's ipupursue pala ng gagu ang pag-aartista." dagdag pa ni Kuya.

What the hell? 

Ano pa bang hindi kayang gawin ng isang Akihiro?

"And kahit hiwalay na tayo, Angel. May communication pa din kami ni Kuya, at nung sinabi niyang may umaaaligid sayo bigla akong sumulpot sa buhay mo ulit." nakangising sambit ni Aki, kaya natawa nalang ako ganun din si Cristina sa gilid.

Nagkwentuhan pa kami at madami pa kong nalaman about sa mga pinaggagawa ni Aki na alam ni Kuya. Maya-maya pa ay nagpaalam na si Aki, dahil kailangan na nga ayusin at linawin yung tungkol sa article. Sa totoo lang hindi pa namin alam ni Aki kung ano talaga kami, dahil kailangan ko pa makausap si Denver. Para maging malinaw na sakin kung handa na ba ulit ako magmahal ulit.

And if first love never really die?

"Sige na, Angel. Mauna na ko ah salamat sa overnight natin kagabi and sorry sa nangyari, I will fixed this promise." he whispered while hugging me tight.

Nasa labas kami ng bahay kasi inihatid ko sakanya habang si Kuya at Cristina ay nasa loob pa at nilalaro si Arie nagising na kasi. 

"Wala yun, mag-iingat ka ah. Please fixed it Aki, isipin mo mangyayari kay Arie once na lumabas ang totoo. I don't want my child to get hurt."

"I know, I will not let that happened. Parang anak ko na si Arie kaya hindi ko hahayaang madamay siya dito." he answered.

"Thank you, Aki. Keep safe okay?" I said and smiled. Kumalas siya sa pagkakayakap namin at hinalikan ako sa noo. At tsaka siya tuluyang umalis. Ng di ko na siya matanaw ay pumasok na ko sa bahay at pinanood sa pinto si Arie ang panay ang kwento kay Cristina ng sleep over namin kagabi.

Akmang lalapit ako sakanila ng biglang magvibrate phone ko senyales na may nagchat sa messenger ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko at chineck ito.

From: Denver

Hi Angelica, can we talk tomorrow sa Ilog Paraiso, before sunset get down.

Bahagya akong natigilan at kinabahan. Bakit dun pa? Bakit sa lahat ng lugar sa mundong to, dun pa.

Wala sa sariling nagreply ako at pumayag. Bahala na, I'll just need to end and clear everything without him knowing that Arie is his daughter. I will not run away anymore, kailangan masagot lahat ng tanong sa isip ko ngayon.

I need to end this for me to finally achieve the peace of mind, I want after all these years.



Di ko alam kung bakit parang ang bilis tumakbo ng oras at araw, dahil ngayon na agad kami magkikita ni Denver. Ramdam na ramdam ko ang kaba na bumabalot sa buong pagkatao ko, pero kailangan ko kayanin to. Para kay Arie at para sa katahimikan ko.

"Arie, Mommy will be go somewhere ah. Wag kang magpapasaway kay Tita Cristina at Tito Asher mo." bilin ko kay Arie kay kinunutan niya ako at tsaka ngumiti.

"Okay, Mommy. Take care po, Arie will behave po." sagot ni Arie sakin, kaya ngumiti ako at tsaka siya hinalikan sa noo niya.

At tsaka ako umalis na ng tuluyan. Sumakay ako sa kotse ko at minaneho eto papuntang Ilog Paraiso, habang nasa biyahe ay tila may mga ilang alaala na nagbalik sa aking isipan.

"Angelica, thank you for coming into my life.." he whispered. Nandito ulit kami sa Ilog Paraiso at pinapanood ang pagbaba ng araw. "..thank you dahil kahit paulit-ulit kitang nasaktan, tinanggap mo pa rin ako at pinaramdam mo sakin kung gaano ako kaimportante sa buhay mo. Pinaglaban mo pa ko sa Kuya mo." dagdag niya pa kaya napangiti ako.

"Dahil ganun kita kamahal, at handa kitang ipaglaban kay Kuya. Kahit kitang-kita naman kung gaano niya ka-ayaw sayo." sagot ko sakanya, he smiled at tsaka nilapit ang mukha sakin at hinalikan ako sa noo.

I still don't understand that behind ng lahat pinagdaanan namin sa loob ng ilang taon at bago maging kami ay nauwi lang lahat sa hiwalayan. Well in fact, it's was him who end without any reason. 

At dahil dun, ilan taon na kong nagtatanong sa sarili ko kung bakit ang dali-dali lang sakanya ng lahat.

I even questioned myself kung minahal niya ba talaga ako? Para maging madali lang sakanya lahat.

Eto na ba yung oras na masasagot na lahat ng tanong ko, eto na ba yung oras na malilinawan na ko. Kasi sa totoo lang ayun na lang naman ang inaantay ko. Sa loob ng limang taon, all my feelings for him was gone. 

It was really gone, the only thing I scared of right now is him knowing Arie as his daughter. 

Maya-maya pa ay nakarating na ko sa Ilog Paraiso, pinark ko ang kotse ko at tsaka naglakad papunta sa Ilog Paraiso, natanaw ko siya na nakaupo at sa damuhan at pinapanood ang araw. Like how we used to do this before.

Lumapit ako sakanya at pumunta sa harap niya at tsaka nagsalita.

"Ano bang pag-uusapan natin, Denver?" bungad ko sakanya. "..kasi kung wala lang din sense lahat ng to, aalis nalang ako. Dahil sa totoo lang, ayoko na marinig pa kung ano mang sasabihin mo." I added.

Magsasalita pa sana ako ulit pero inunahan niya ko kaya natigilan ako at napatitig sakanya na nakaupo pa din sa damuhan at malayo ang tingin.

"Sorry." he whispered.


Rewriting DestinyWhere stories live. Discover now