Chapter 30 - Special Chapter

16 4 0
                                    

ELICIA

It's so hard to be happy, it's hard to tell that I really wanted the next thing will happened to my life once I get back in Cebu.

I'm not happy to be a heir of our Hotel Business, it will only made my life very different.

I will go home today, but I'm not excited. May parte sakin na ayokong umalis at ayoko ng bumalik dun. Mahal ko mga magulang ko, but this is not I want. Bata palang ako hindi nila kinalimutang ipaalala sakin ang pagiging future heir ko ng business namin. I'm only child, so I have no choice to accept my fate.

"Mamimiss ka namin, Elicia." nakangiting sambit ni Cindy sakin, at halata sa mukha na malapit na maistress at maubusan ng dugo.

Di kasi talaga siya tinantanan ni Ares, kaya ayan nagkaganyan siya. Buti na nga lang hindi na nangulit pa sumama dito sa airport, kasi pinigilan siya at pinagbantaan ni Angelica ng malala ginatungan pa ni Kuya Asher.

Di rin namin naisama si Arie sa kadahilanang may pasok siya ngayon, pero nagpaalam ako sakanya kanina before siya pumasok.

And she cutely reminding me to call her and visit her again soon. Arie was really our squad stress reliever, na kahit naiinis ako sa biological father niya at gusto ko saktan ay nandun pa rin ang katotohanan na isa pa din siya sa bumuo kay Arie.

"Parang diyan lang naman sa Cebu punta ko, hindi tulad niyo na pag umalis ay parang halos na mag-uwian dito sa Pinas." nakangising sabi ko sakanila kaya sinamaan nila ako ng tingin pare-parehas.

"Hoy hindi ah." depensa ni Jessa.

"Si Liyang lang yun. Ilang taon bago umuwi talaga ng Pilipinas." sabi naman ni Cristina kaya napalingon sakanya si Liyang na gulat na gulat pa.

Kaya ayun nagtawanan kami lahat.

Etong si Liyang ramdam kong may mabigat tong pinagdadaanan ngayon, at wala akong karapatan alamin yun dahil that's her privacy. Na kahit gustong-gusto ko ng magtanong ay pinipigilan ko sarili ko. Dahil tulad nga ng sabi ko kanina it's her privacy. At ang tangi lang namin magagawa ay intayin na siya mismo magsabi samin.

Pero I hope whatever it is, ay kayanin niya at malagpasan niya.

"Hoy Elicia ah, balitaan mo kami ah. Hirap mo din kontakin minsan eh." sabat naman ni Angelica. Kaya natawa lang ako sa statement niya, well yes sa sobrang daming gawain sa office ay halos hindi na nila ko makontak, laging secretary ko ang nakakausap nila.

For the past 5 years, sa tuwing umuuwi lang talaga ako dito sa Manila nila ako nakakausap ng maayos dahil sa loob ng limang taon na yun wala akong inatupag kundi asikasuhin ang paglipat ng name ko as the owner and CEO of our hotel Business. At dahil naayos na lahat yun pagbalik ko ay magaganap na ang pag tatake over neto sakin.

"Well, I will try na makapagresponse sainyo. Kasi naman pag nandun ako andami kong gawain, tinetrain nila ako that time at inihahanda sa magiging responsibility ko once na maging CEO na ko ng hotel business namin na napakaraming expansion sa bansa.." sagot at paliwanag ko sakanila. "..kung noon nga na tinetrain lang ako at tinatambakan ng gawain ay di niyo na ko makontak at makausap paano pa pag na-take over na sakin. Kaya mag-aadvance sorry ako, kung hindi niyo ko makokontak." malungkot na sambit ko sakanila.

"Okay, we understand. But please don't forget to visit here ah, kung di mo na kaya at need mo magrelax we are just here. Just come here, because Arie will make you relax." nakangiting sabi ni Angelica sakin.

Eto gusto ko sakanya, she knows to understand. She really deserve a happy ending, and I was hoping that happy ending was with Akihiro.

Akihiro is such a standard for me.

Alam kong nahihirapan pa ngayon to si Angelica, dahil sa biglaang pagbabalik ni Denver. At gustuhin ko man sapakin yung lalaki na yun ngayon ay di pwede dahil need ko na bumalik ng Cebu. Isa din sa dahilan kung bakit kailangan na kailangan ko bumalik sa Cebu agad, dahil sa isang epal kong pinsan. Pinagsiksikan niya ang sarili niya sa company, at mukhang pangarap pa na siya ang maging CEO. At kahit ayoko maging CEO at di ko pangarap to, ay hindi ako papayag na sa tulad niya lang mapupunta ang business namin.

Dahil wala akong tiwala sakanya.

Maya-maya pa ay nagpaalaman na kami, at umalis na ko at sumakay na sa eroplano. Tinanaw ko ang labas ng eroplano at nakita ko ang mapayapang ulap at kalmadong kalangitan.

Can my life can be calm as this sky?

Mapait na bulong ko, at ng magsawa ay sinalpak ko ang headphone sa tenga ko at pumikit. Maya-maya pa'y nagising ako at saktong palapag na ang eroplano. Kaya inayos ko na ang sarili ko.

At pagbaba ko ng eroplano ay dinukot ko sa bulsa ko ang phone ko at may dinial na number.

"Hi Love, nandito na ko sa airport. Can you pick me up here?" bungad ko.

"Wow, akala ko bukas pa uwi mo. Well you surprised me love, okay sunduin kita diyan." he answered. Namiss ko tong boses niya.

And I miss him so much.

Naglakad na ko papunta sa labas ng airport at tsaka tumigil saglit at may kinuha sa sling bag na bitbit ko. Sinuot ko to at ngumiti rito.

It's my engagement ring.

I've been hiding to my friends for so long at wala akong lakas ng loob para sabihin to sakanila. Not because ayoko sabihin, it's just I wanted everything my relationship private and low-key but it's not a secret.

Makalipas lang ang ilang oras ay dumating na ang tinawagan ko kanina. Ngiting-ngiti siyang lumapit sakin at sinalubong ako ng yakap.

"Namiss kita, Love." he whispered habang nakayakap sakin.

"Parang ilang araw lang ako nawala eh." naiiling na sambit ko sakanya at tsaka kumalas sa yakap niya.

"Pakasal na kaya tayo, para magkasama na tayo sa bahay." he whispered at smiled widely. At bahagya akong namula at napangiti.

"Excited ka masyado may take over pa ko, Love. Wag ka ngang excited." I said at tsaka tumawa.

"Ms. Elicia Kate Lopez, you will married me and we will lived together. And you can't say no." pilyong sabi niya at ngumiti sakin ng pagkalaki-laki.

He is also one of my comfort zone and stress reliever bukod kay Arie at pag-uwi ko sa Maynila minsan.

"Well, Mr. Sebastian Ace Alvarez we are engaged and I can't run away anymore." nakangiting sambit ko sakanya kaya ngumiti siya lalo at niyakap akong muli.

Sana lang talaga one day, masabi ko din sa mga kaibigan ko ang tungkol sakanya. Because this love we have is something I should proud of.

And I was also hoping na kayanin ko ang bagong mundo na kahaharapin ko sa oras na ako na ang bagong CEO ng business namin.

"I love you, love." I whispered.

"And I love you too always, love." he also whispered.

Rewriting DestinyWhere stories live. Discover now