Chapter 32

9 4 0
                                    


Napatitig ako kay Arie at hindi ko alam kung paano siya sasagutin.

"Mommy? Is that guy is my father?" ulit na tanong niya pa kaya lalo akong napatitig sakanya.

Seryoso talaga siya sa tanong niya.

"B-baby?" I whispered at di malaman kung ano dapat sasabihin ko at isasagot ko.

Hinihiling ko nalang sa mga oras na to na sana ay lamunin ako ng lupa at maglaho nalang bigla. Dahil kahit kailan hindi ako naging handa sabihin sa kanya ang tungkol sa tatay niya, sa totoong tatay niya.

Limang taon na siya at alam kong kung hindi ko man siya sagutin ngayon, ay magtatanong siya ulit habang lumalaki siya. At hindi ko na yun maiiwasan pa kahit anong gawin ko, dahil alam kong darating ang araw na kailangan ko siya sagutin.

At tila gusto ko nalang magpasalamat sa lahat ng santo ng biglang mag ring ang phone ko dahilan para nagulat ako at tsaka dali-daling kinuha ang phone ko sa bulsa at sinagot at naging dahilan din iyon para makatakas ako sa titig ng anak ko at sa tanong niya dahil hinihintay niya talaga ang sagot ko.

Alam ko na kahit di ko siya sagutin ay alam na niya, kinukumpirma lang niya.

At ng tingnan ko kung sino tumawag, it's Kuya.

"A? Where are you?" bungad niya sakin. At bakas na bakas sa boses niya ang pag-aalala. May nangyari ba?

"Nasa mall kami ni Arie, Kuya. Why?" I confusedly asked.

"Just stay there, until wala pa kong sinasabi na umalis na kayo diyan. Okay?" utos ni Kuya. Dahilan para kabahan ako ng matindi at napalingon sa pwesto ni Arie na naglalaro na ng dala niyang tablet.

"May nangyari ba Kuya?" nag-aalalang tanong ko sakanya.

"May nag-iwan ng fake bomb sa gate ng bahay mo. At nag-iwan sila ng note na they found Lara at kung ayaw nating madamay, ay di tayo makikisali." Kuya said dahilan para mas lalo umakyat ang takot at kaba ko sa buong katawan.

Nandito na sa Pilipinas ang Grimshaw? Buti nalang nasa Singapore ngayon si Liyang. She isn't safe here anymore.

"What the hell? Ipagpasalamat nalang natin na wala si Liyang ngayon dito." I murmured at alalang-alala ako kay Liyang.

"Si Carlo, A? We need to check him." Kuya said. At after ng pag-uusap namin ay tinawagan ko agad si Carlo at kinamusta.

At nakahinga ako ng maluwag ng sabihin niyang okay siya dun at walang kahina-hinalang nangyayari sa paligid niya.

After nun ay binalikan ko na si Arie, at ngumiti sakanya at di pinahalata na kinakabahan ako dahil sa nangyari. At ipinagpapasalamat ko na pagbalik ko sa table ay di na nagtanong pa si Arie.

Pero alam kong magtatanong siyang muli at di ko yun maiiwasan pa.

Sana lang talaga ay pagdating ng oras na magtanong siyang muli at handa na kong sagutin siya.

Umorder ako ng pagkain at kumain na kami. At after nun ay nag-ikot nalang muna kami sa Mall dahil di pa nga kami pinapauwi ni Kuya. Sobrang enjoy na enjoy si Arie sa mga pinasukan naming stall at talagang matic may pinapabili siya.

Maya-maya ay nagtext na si Kuyta na pwede na kaming umuwi kaya umuwi na kami.

Pagdating namin ay bumungad samin dun si Aki na balot na balot ulit, kaya dali-daling bumaba sa kotse si Arie pag ka tigil ko ng sasakyan at nanakbo si Arie papunta kay Aki sinalubong ito ng yakap.

"Daddy Aki." sigaw ni Arie at nanakbo palapit kay Aki. Nakangiti naman akong pinanood sila.

Pinark ko saglit ang kotse ko at tsaka lumapit sakanila na nagkukulitan na agad. Ng makita ako ni Aki ay lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo.

"Namiss kita." he whispered, kaya napangiti ako.

"Namiss din kita, tagal na ng huling punta mo dito eh." sagot ko sakanya.

After nun ay nagkakayayaan kami pumasok na sa loob ng bahay, dito raw matutulog si Aki ngayon. Pagod na pagod raw kasi siya galing sa shooting niya.

At dahil ngayon lang ulit si Aki dito, ay nagkayayaan kaming mag sleep over sa sala. At talagang excited na excited si Arie, wala din naman kasi siyang pasok bukas kaya pumayag ako. Siya talaga nagsuggest neto.

Magdamag kami nanood ng mga random movies at nakailang movies pa kami hanggang sa nagkulitan at kwentuhan na kaming tatlo. Para talaga kaming buong pamilya kahit na ang totoo, walang kami ni Aki but we enjoyed each other company.

Maya-maya pa ay nakatulog na si Arie dahil sa pagod at kami nalang ni Aki ang naiwang gising.

Kaya nagkwentuhan muna kami bago makatulog.

"Alam mo ba Aki kanina, Arie asked if Denver is her father. Accidentally nameet kasi namin siya sa resto na kinainan namin kanina." panimula ko dahilan para mapalingon siya sakin.

"Then what happened?" he asked.

"Pinaghahampas siya ni Arie at tinatawag na bad guy si Denver kaya ayun inawat ko siya. At nung umalis na siya ay humanap na kami ng upuan ni Arie at doon na siya nagtanong bigla. Hindi ko alam kung ano isasagot ko, Aki? Kung yung pagkikita nga namin ng tatay niya ay hindi ako handa paano pa kaya yung sasabihin ko sakanya kung sino tatay niya." malungkot na sambit ko kay Aki, kaya iginiya niya ang ulo ko at pinasandal sa balikat niya.

"Well, matalino anak mo. She will easily understand kung anong nangyayari." Aki said kaya napatango ako at napahugot ng malalim na hininga.

"Ayun nga eh, bakit ba sobrang talino niya?" medyo naiinis na sabi ko. Pero tinawanan lang ako ni Aki.

"Eh wala kang magagawa, ayun na anak mo eh. Alangan naman pilitin natin maging bobo." natatawang sambit niya sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Di ka na nakakatulong, lalo lang ako nahihirapan sayo eh." umiiling na sambit ko sakanya. Pero tulad kanina tinawanan niya lang ako.

"Pero seryoso? If magtanong ulit si Arie, kailangan mo na sabihin sakanya. Lumalaki na anak mo, hindi habang buhay bata yan." he said. Kaya napaisip ako ng matindi.

Alam ko naman yun eh, hindi ko pwedeng ilihim nalang yun habang buhay.

Dahil di naman paatras ang oras at buhay ng tao.

"Kaya ko kaya?" I asked. Ningitian niya ko at inakbayan.

"Kaya mo, kinaya mo nga alagaan ng limang taon si Arie ng mag-isa. Kaya alam kong kaya mo rin to." he said dahilan para gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano.

"Salamat talaga sa lahat-lahat, Aki." I whispered at maya-maya di ko namalayang nakatulog na ko.

Kinabukasan ay nagising ako sa katok mula pinto. Nakaayos na kami ng higa ni Aki, at sa gitna naman namin si Arie, bumangon ako at binuksan ang pinto. At dun bumungad sakin si Kuya at Cristina na parehas nag-aalala.

"Oh bakit ang aga niyo dito?" takang tanong ko sakanila. Sa hotel na kasi sila tumutuloy, same with Cindy while Ares mukhang nasa mga kamag-anak namin, bato kasi mukha nun.

"You need to see this." Cristina whispered. Kaya napakunot ang noo ko at inabot ang phone niya.

At namutla ako sa nakita ko.

"The singer-actor Hiro is spotted rumoredly dating a non-showbiz girl. There's some rumors said that they have a child."

Basa ko sa article at halos mabitawan ko ang phone ni Cristina ng makita ko ang blur na photo, sa tapat ito ng bahay namin at eto yung sinalubong kami ni Aki sa gate.

Dumating na ang araw na kinatatakutan ko sa lahat.



Rewriting DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon