Chapter 13

15 4 0
                                    


Ilang weeks na nakakalipas simula ng umalis si Liyang, ang laki din ng pinagbago ng lahat. While Kuya at Cristina, nakapagpaliwanagan naman sila nung pwersahin namin dalhin si Cristina sa coffee shop.

Kaya naging okay sila. Pero mukhang nagkakaproblema sila ulit ngayon, mahirap din kasi talaga sumabak sa ldr. Kahit never ko pa yan naranasan, pero kung titingnan. Mahirap talaga yung ganung sitwasyon, di lahat kaya ang ldr.

At naiintindihan ko si Cristina.

"I hate him." inis na inis na maktol ni Cristina habang nagpupunas ng lamesa. Yes lahat kami nag-apply kami ng summer job dito sa coffee shop ni Kuya, na ngayon ay akin na.

Bago umalis si Kuya inilipat niya sakin ang Coffee Shop. Miski pangalan nito ay binago, from Ash Coffee Shop to AA Coffee Shop which is naka name na samin both ni Kuya but still ako na ang owner neto. Pero despite na ako na owner, nag-apply pa din ako.

Weird nga sabi ni Mommy eh. Pwede naman daw hindi na ko mag summer job kasi ako na daw owner ng shop pero gusto ko talaga eh.

Kaya walang nagawa si Mommy kundi pagbigyan ako.

Gusto ko lang talaga samahan mga kaibigan ko mag summer job.

"Kalmahan mo, Cristina. Walang kasalanan sayo ang lamesa, at dinadamay mo sa init ng ulo mo." saway ni Jessa sakanya. Kaya padabog na umalis si Cristina ay pumasok sa employee's room.

Kaya tinanaw nalang namin siya na papasok ng employee's room. Habang si Cindy at Elicia ay napailing nalang at tiningnan si Jessa na napataas nalang ng kamay.

Wala kasing ibang ginawa si Jessa kundi inisin si Cristina simulang umalis si Kuya. Di ko pa din talaga makalimutan reaksyon nila ni Elicia nung malaman nilang lihim na nagdadate si Kuya at Cristina.

"Ano ba? Bakit parang ang bilis naman natin makarating dito?" gulat na tanong ni Cristina nung makababa kami ng kotse at nasa tapat na kami ng Shop.

"Bakit ba kasi ayaw mo pumunta sa shop, ano bang meron?" nagtatakang tanong ni Jessa sakin. Habang si Cindy ay pailing-iling na lang at napalingon sakin na wari mo'y alam niya ang ginawa ko.

"Oo nga, kanina pa kami nagtataka sa inaasta mo." nagtatakang tanong ni Elicia.

"Uuwi nalang ako, magcocommute nalang ako. At walang pipigil sakin." desididong sabi ni Cristina at tsaka kinuha ang bag niya sa kotse ko.

Taas talaga ng pride nitong aking kaibigan.

At di na niya inantay pa na pigilan namin siya at naglakad na siya palayo. Kaso biglang out of nowhere sumulpot si Kuya.

Ay hindi pala yun out of nowhere, tinext ko nga pala si Kuya na nandito na kami at nagtatangkang umuwi si Cristina. Sorry, Cristina. Ily!

Mabilis na nakalapit si Kuya sakanya at tsaka siya niyakap mula sa likod.

"Ano ba Asher, bitawan mo ko!" inis na sigaw ni Cristina sakanya pero hindi nagpatinag si Kuya.

Wow, totoo pala sinasabi ni Kuya na hindi siya tinatawag na Kuya ni Cristina.

"Tinay, mag-usap tayo." pakikiusap ni Kuya sakanya.

"So what's really going on here?" bulong na tanong ni Jessa na di makapaniwala sa nakikita. Okay lang yan beh, ako nga di rin makapaniwala na never ko pa nakita jowa mong IT. Charot lang ily!

"Oo nga, ano to?" pabulong na gatong naman ni Elicia na halatang naiinis kasi wala siyang alam sa nangyayari.

"Well as for me, I just accidentally see them talking at nagtitigan last time in the counter here in the Coffee Shop. Yung araw na bumungad satin yung dalawang redflag." pabulong na sagot ni Cindy habang nakacross arms pa na parang wala lang sakanya yung sinabi niya na ang mahalaga nadefend niya sarili niya.

Rewriting DestinyWhere stories live. Discover now