Chapter 38

8 4 0
                                    


"M-Mom, is he my real daddy?"

That's when I turned my head. And I suddenly felt a rush of blood as I realized who this is.

A-Arie?

"Mom, answer me!"  Arie said at lumapit samin.  At di ko maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko. Ilang taon ko tong tinago, at pinilit ibinaon ang katotohanan. Pero after all these years, di ko akalaing darating pala ang araw na to. Na malalaman at malalaman ng anak ko ang katotohanan.

"Arie, pumasok ka na sa loob. This is not the right time for this." utos ko pero di siya nagpatinag.

"Please, Mom. Please tell me the truth, bata palang ako nakikita ko na siya, at alam kong siya ang tatay ko. All I want to heard a confirmation from you." sabi niya dahilan para mapagitla ako at matahimik.

"Please, Mom. Stop hiding everything from me, Mom. Stop running away, malaki na ko. Naiintindihan ko na po lahat, Mom.." she said. "..I'm begging you, Mom." she added. Kitang-kita sa mukha niya ang sobrang lungkot at pakikiusap.

Akmang magsasalita ako ng unahan ako ni Denver.

"Arie, I am your father. Your biological father." deretsong sambit ni Denver. 

"I know. Matagal ko ng alam, but hindi ibig sabihin na nandito ka ngayon sa harap ko after all these years na tinago ako ni Mom sayo. May magbabago na, I will still holding on the words I tell before that I will never accept you as my father if one day you came to me." sambit ni Arie at talagang ramdam mo ang matinding galit na nararamdaman niya. I can't blame her, nakita niya kung paano ako umiiyak noon gabi-gabi, nakita niya lahat.

I can't f*cking blame her for hating her father.

"A-Arie?"

"Mom and I living peacefully here, we don't need you anymore. Pwede po bang maglaho nalang ulit kayo? Like how you disappeared to my mom life nung pinagbubuntis niya pa ko. Sapat na saking nalaman ko na ikaw ang tatay ko, and that's enough." sambit ni Arie, na napansin ko na rin ang kumakawalang mga luha niya.

My daughter, she doesn't deserve this kind of pain.

"Pero gusto kong bumawi sayo, gusto kong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko. Sa loob ng madaming taon, sobrang pinagsisihan kong iniwan ko ang nanay mo nung dinadala ka niya. Arie please?" umiiyak na sambit ni Denver.

"No, enough. Just leave. Dahil kung may tatay man ako, at tatanggapin na tatay. It's only Daddy Aki, na tumayong tatay ko at hindi ako iniwan, and he's more deserving to be my Dad than you. Kaya po bago pa po ako mawalan ng respeto sainyo, makakaalis na po kayo." matigas na sambit ni Arie at pumasok na sa loob ng bahay. 

"Arie." Denver whispered.

"Denver, please just leave. Hindi ka namin kailangan dito, just go back to the Philippines and fix your marriage with Bea and take care of your child. Dahil wala ka ng babalikan samin ni Arie." matigas na sambit ko sakanya. I know na masyadong harsh but he need to face the reality.

It's almost 20 years, madami ng nangyari. Kinaya namin na wala siya. So wala ng rason para sa lahat ng to.

"Angelica, please give me a chance.." nakikiusap na tinig niya. "..I'm begging you, please." dagdag niya pa.

Kitang-kita sa mukha niya ang sobrang kalungkutan, naawa ako sakanya pero hindi eto ang tamang oras para maaawa ako sakanya. Not this time.

"No, Denver tama na. Please just go back to the Philippines." sambit ko at tsaka siya tinalikuran at pumasok na sa loob ng bahay. Hindi na rin ako nagtangkang lingunin siya at tingnan pa dahil kung may dapat akong kaawaan, walang iba kundi yung anak ko.

Pagpasok ko sa loob, nakita ko sa sala si Arie at umiiyak siya. Kaya nilapitan ko agad siya at niyakap.

"Mom, ang sakit po pala.." she whispered at patuloy na umiiyak. "..narinig ko lahat, Mom. May pamilya na siya, pero di naman ako umaasa na eh. After all these years, hindi ako umasang makikilala ko siya. Pero ngayong nagpakita na siya sakin at nagpakilala. Hindi ko siya kayang tanggapin, Mom. I feel like gugulo lang lahat pag tinanggap ko siya. Daddy Aki is enough for me, he's enough." dagdag pa niya. Kaya inalo ko siya dahil patuloy siyang umiiyak.

"Arie, it's okay. This is the reason kung bakit hindi ko kayang sabihin sayo. Dahil alam kong masasaktan ka. Sorry for hiding it all along, sorry anak." I whispered.

"Mom, you don't have to say sorry. Ginawa mo lang ang alam mong tama. Hearing those things kanina Mom, I realized how you both suffered. Pero I know na ikaw yung mas nahirapan. Pinalaki mo kong mag-isa, hindi mo pinaramdam sakin na may kulang sa pamilya natin. Mom, thank you for everything okay." she whispered. 

Nung marinig ko yun ay mas lalo akong naiyak, hindi ko alam ginawa kong maganda sa past life ko to deserve and to have this kind of child. Arie is really everything to me.


Dalawang linggo na nakakalipas at tuluyan ng nawala sa paningin namin si Denver. At mas naging close pa kaming mag-ina dahil sa nangyari, dahil wala na kong tinatagong secret sakanya. Sobrang overwhelming lang sa pakiramdam.

"Mom, please watch me on my stage play ah. Wag kang mawawala." Arie said on me, ilang beses na niya sinasabi to sakin. Nakailang ulit na siguro siya sakin na ipapaalala yun.

Mukha na ba kong nakakalimot sa paningin ng anak ko?

"Baby, ilang beses mo na yan sinabi. Hindi nakakalimutan ni Mommy okay?" malambing na sambit ko sakanya.

"Eh kasi Mommy, kinakabahan po ako. Bukas na po kasi yun." umiiling na sagot niya sakin.

Kaya natawa nalang ako.

"Kumalma ka okay, kaya mo yan. Nandun ako para suportahan ka okay? Pag kinabahan ka tingin ka lang sakin."sabi ko sakanya at hinaplos ang buhok niya. 

Nandito kasi kami sa sala at nagmomovie marathon. Actually lagi talaga namin to ginagawa, bonding na rin namin to. Dahil bukod sa busy si Arie sa school ay may trabaho din ako sa isang company na pinapasukan ko.

"Si Daddy Aki po kaya darating?" out of nowhere na tanong niya kaya napalingon ako sakanya. 

Speaking Aki, after nung nangyaring confrontation samin ni Denver. I feel like ready na ko.

Ready na ko magmahal ulit.

"Hindi ko alam baby, pero sana dumating siya." sagot ko kay Arie.

"Bakit Mommy? I will understand naman po if hindi siya dadating, kasi he's a superstar na in the Philippines." usisa ni Arie, mukhang napansin niya sa mukha ko ang kagustuhan kong sana dumating si Aki.

"Because baby, sasagutin na ni Mommy si Daddy Aki mo." I answered. Nanlaki mata niya at halos magtatalon sa tuwa.

"Finally Mommy, wah. I can't wait." tumitiling sambit ni Arie. Kaya napailing nalang ako at natawa sa reaksyon.

She is not my daughter kung hindi siya ganyan.


Rewriting DestinyWhere stories live. Discover now