Chapter 8

16 5 0
                                    


I don't know what happened at hindi ko alam kung paano kami nakatagal ni Denver ng hindi nag-aaway or nagsasagutan. Hanggang sa lumubog ang araw ay tahimik lang kami hanggang sa nagvibrate ang phone ko senyales na may nagmessage. Kaya kinuha ko ito sa shoulder bag na bitbit ko.

From Mommy,

Hi baby, where are you na? Nasa coffee shop ako ng Kuya mo. Dito ka na dumeretso, sabay-sabay na tayo uuwi. Keep safe okay, ily!

Pagkabasa ko nun ay lihim akong napangiti. Bahagyang nagugulat pa din ako sa ideyang unti-unti ng bumabalik sa dati si Mommy. Kaya agad akong nagtipa ng message.

To Mommy,

Pauwi na po, Mom. May dinaanan lang, medyo natagalan nga lang po. I love you too rin po!

Pagkatapos ko magreply ay binulsa ko na ulit ang phone ko at tumayo na. Kung walang planong umuwi tong kasama ko, pwes ako gusto ko ng umuwi.

"Uuwi na ko, hinahanap na ko nila Mommy." sabi ko sakanya pagkatayo ko. At pinagpagan ang sarili dahil sa mga damo na dumikit sa pants ko.

Di siya sumagot at nakatitig pa din sa kawalan. Ano ba kasing trip neto? Daig ko pa may kasamang mannequin eh. Aba'y kanina pa siya hindi naimik at nagsasalita, miski paghinga ata nakalimutan niya na gawin.

Di ko na hinintay pa ang sagot niya, dahil uwing-uwi na talaga ako. Nakakailang hakbang palang ako ng bigla siyang magsalita na nagpahinto ng mundo ko.

"Sa tingin mo darating kaya ang araw na tulad ng sunset, the new chapter of my life will be start again tomorrow. Katulad ba ng sunset, did everything will change tomorrow? Kasi kung oo, I'm willing to risk even if it's with you, Angelica." sambit na nagpagtigil sakin.

Kaya wala sa sariling napalingon ako sakanya, at halos mapahawak ako sa puso ko sa gulat ng makita kong nasa akin na ang tingin niya. Nakangiti siya ng mapait, at bakas na bakas ang lungkot ng kanyang mukha.

Ano bang pinagsasabi niya?

"D-denver? W-what are you saying?" nauutal na tanong ko sakanya.

"Answer me, Angelica? Can you be that sunset?" malumanay na tanong niya na para bang isa itong lullaby na nagpapabilis ng tibok ng puso ko ngayon at nagpapahinto ng mundo ko. Sandaling nawala sa pandinig ko ang huni ng mga ibon, ang agos ng ilog na kanina ay sumasabay sa hampas ng hinahangin na dahon ng mga puno.

Dahil ang tanging naririnig ko nalang ay ang malakas na kalabog ng dibdib ko. What the hell is wrong with me?

"U-umayos k-ka n-nga, di ito oras para magbiro. K-kailangan ko na talagang umuwi." nasabi ko nalang ng sa wakas ay nahanap ko ang boses ko para magsalita. Matagal siyang tumitig sakin, kaya pilit ko itong iniwasan.

This is not the right time, Angelica. Just go home!

Nagtangka pa siyang magsalita ulit, pero hindi ko na hinayaang marinig ko pa yun dahil nanakbo na ko paalis sa lugar na yun na dala-dala ang di magkamayaw na kabog ng dibdib ko.

Di ko dapat to maramdaman ulit, hindi dapat. Hindi sa katulad niya!

Di ko alam kung paanong napunta dito kotse ko, dahil kotse ni Denver ang dala namin kanina, pero pinagpapasalamat ko pa din dahil nandito to. Kaya dali-dali na kong sumakay, at hindi na tinangkang alamin kung sino nagdala ng kotse ko dito, at tsaka inistart agad at nagmaneho paalis na hawak pa din ang dibdib ko na hindi pa rin tumitigil sa pagkabog ng malakas.

What the hell, Angelica? What the hell?

Makalipas ang ilang linggo matapos nung pangyayari na yun, ay ilang linggo ko ring di nakita si Denver sa klase. At di ko plinanong alamin kung bakit siya absent, dahil ipinagpapasalamat ko pa nga at wala siya. Dahil hindi ko alam kung paano siya haharapin, sa loob ng ilang linggo pinilit ko wag isipin lahat ng pinagsasabi niya sa Ilog paraiso, dahil pilit kong itinatak sa sarili ko na nagbibiro lamang siya at imposible ang mga sinasabi niya nun.

"A? Tara na, baka matraffic pa tayo." yaya ni Cindy sakin.

Yeah, dahil Friday ngayon. We planned to go to Kuya's coffee shop again. Every Friday nalang kami pumupunta kasi para kinabukasan walang pasok, at dahil walang pasok pwede kami magtagal sa coffee shop. Simula ng halos nandun na lagi si Mommy sa shop, ayun pinagbawalan niya kami pumunta dun ng school days. Kaya daw pala ako lagi ginagabi dati, dahil katatambay sa coffee shop.

And for my friends, parang sila na nga yung anak ni Mommy kaysa samin ni Kuya eh. Paano, mas inaasikaso niya yung mga yun kaysa samin ni Kuya pag nagagawi sila sa Coffee Shop or sa bahay namin. Di ko alam kung anong mararamdaman ko eh, kung matutuwa ba ko o hindi eh.

"Oo na eto na. Inililigpit ko lang notebook ko." sagot ko kay Cindy.

Kami nalang naiwan dito sa room, tinapos ko pa kasi yung nakasulat sa board. Mahalaga ang mag take down notes ng mga lesson no, dahil maaaring iyon ang sumalo sayo sa oras ng pangangailangan.

Habang nag-aayos ako ng gamit ko ay panay ang kwentuhan nila.

"Ano na, Liyang? Ilang linggo na nakakalipas, pero hindi na namin nakikita anino nung Vinz?" tanong ni Jessa. Sa loob din ng ilang linggo, walang nagbalak tanungin si Liyang about kay Vinz dahil baka kasi di rin niya kami sagutin ng maayos dahil alam naming hindi pa siya handa magsabi.

Ngayon lang talaga nila nagawang buksan ang topic about dun. Miski ako ay gusto ko din malaman kung anong nangyari kay Vinz.

"He stopped. May mga sinabi daw si Carlo sakanya, nung tinanong ko kung ano, ayaw naman niya sabihin.." walang ganang sagot niya samin.

"Ano bang problema ng Carlo na yan?" umiiling na sabi naman ni Elicia.

"..he told me na gustong-gusto niya daw talaga ako. But Carlo said something, dahilan para tumigil siya. Dahil buhay at pag-aaral niya daw ang nakasalalay dito." dagdag pa na kwento ni Liyang. Buhay? Pag-aaral? Ano kaya sinabi ni Carlo kay Vinz?

"So are you saying na binantaan ni Carlo si Vinz, para lang layuan at tigilan ka ni Vinz. Eh bakit niya ginagawa yun as far as I remember, he said na wala siyang gusto sayo at hindi siya interesado sayo." sabat ko sa usapan ng matapos ko na pag-aayos ng gamit ko.

"Ayun nga ang hindi ko maintindihan. Bakit niya ginawa yun?" sambit niya at napahugot nalang ng malalim na hininga.

"So ano yun, ganun nalang. Lahat ng lalapitan sayo, papalayuin ni Carlo. Ano bang trip ng taong yun?" umiiling na sabi naman ni Cristina.

Tinapos na namin ang pag-uusap about dun dahil mukhang hindi na kumportable si Liyang pag-usapan. Kaya nagkayayaan na kami umalis para bumiyahe papuntang coffee shop. Pagdating namin dun ay gusto ko nalang umuwi bigla samin.

Nandito sila.

"Carlo? Denver? Anong ginagawa niyo dito?" gulat na bulong na tanong ni Jessa.

Sa ilang linggo hindi ko siya nakita, bakit kailangang dito ko pa siya makita?

Rewriting DestinyWhere stories live. Discover now