Chapter 6

20 5 0
                                    


Kinabukasan, nagising ako sa tunog ng kung ano sa paligid ko. Kaya napamulat ako at halos manlaki ko ng makita si Mommy na nakataas ang kilay sakin at halatang kanina pa sasabog sa inis.

"Mom? What are you doing there?" gulat na tanong ko ng makita ko siya na nakatayo sa pinto, at masamang nakatitig sakin at may basag na kung ano sa sahig.

"I've been calling you for many times, Angelica Asuncion. Aware ka bang malalate ka na?" inis na sabi ni Mommy sakin kaya medyo natauhan ako at wala sa sariling bumangon at nanakbo papuntang banyo.

"Dalian mo na diyan, ready na ang breakfast sa kusina. Intayin kita dun." rinig kong sigaw ni Mommy at tsaka narinig ko ang paglinis ng basag na kung ano kanina sa pinto at ang pagsara ng pinto.

Nakakainis yung ideya na kailangan pang magbasag ni Mommy ng kung ano para lang magising ako. Ano ba kasing nangyari? At late na ko nakatulog. Bukod sa nagkaayos-ayos kami nila Mommy at Kuya.

Teka.

Naalala ko na.

Yung unknown na lalaki kagabi.

Matapos namin magkaayos-ayos nila Mommy. Dahil na rin sa pagod sa trabaho niya sa shop, nagpaalam na si Kuya na papasok na siya ng kwarto niya to rest. Dahil maaga raw ang alis niya kinabukasan.

Kaya naiwan kami ni Mommy sa sala na nagkwekwentuhan. Until tumunog yung door bell sign na may tao sa labas.

Kaya tumayo ako para tingnan yun.

"Is this Asuncion Residence po?" bungad niya sakin, kaya kunot noo akong tumango sakanya.

"Bakit? Ano pong kailangan niyo?"

"Ikaw ba si Angelica Asuncion?" tanong niya. Kaya napatango ako.

How did he know my name?

"Bakit kilala mo ko?"

Magtatanong pa sana ako ulit ng biglang sumulpot si Mommy.

"Oh, iho. Ikaw pala yan? Late na ah." bati ni Mommy sakanya.

"Ah yes tita, pwede ko po ba isama si Angelica sa malapit lang na park po. Ihahatid ko din po siya agad pauwi. May sasabihin lang po sana ako." nakangiting sabi at paalam niya kay Mommy.

Sino ba ito?

Bakit kilala siya ni Mommy?

"Sige lang iho, basta iuwi mo ng walang galos yang anak ko ha. Kundi malilintikan ka sa akin." pagpayag at pagbabanta ni Mommy sakanya.

"Mom? Papasamahin mo ko diyan ng ganun-ganun lang. I don't even know him." naiinis na sambit ko.

"Kilala mo siya. Kilalang-kilala. Kaya nga mag-uusap kayo. Kasi may sasabihin siya. Sige na iho, isama mo na yan." nakangiting sambit ni Mommy sakanya.

Wow, my mom really smiling. AGAIN.

Kaya wala akong nagawa kundi sumama sa lalaking ito. Ng makarating kami sa park ay umupo kami sa isang bench.

"Who are you?" basag ko sa katahimikan, dahil mula ng maupo kami ay para wala siyang planong magsalita.

"Are you not really remember me? For real?" sabi niya na bakas sa tono ang kalungkutan rito.

"Itatanong ko ba kung kilala kita?"

"Let me introduce myself again to you. I'm Akihiro Rien Santiago. But you used to called me "Aki" ikaw ang nag nickname sakin nun." nakangiting pagpapakilala niya sakin.

Akihiro Rien Santiago?

Wait.

"Ikaw ba yung ex ko nung High School ako?" gulat na tanong ko sakanya.

Rewriting DestinyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang