Chapter 5

29 5 0
                                    


Pare-parehas kaming natigilan dahil sa boses na narinig namin. At ng lingunin namin ay pare-parehas kaming tulala sa nakita namin.

It's Liyang and Carlo, nag-aaway sila. Paanong sila ang magkasama? Where's Vinz?

"Ano ba Carlo? Where's Vinz? Nakakahiya. This is Kuya Asher shop, dito ka pa talaga gumagawa ng eksena." inis na sabi ni Liyang kay Carlo.

"Dahil hindi kita maintindihan, kung bakit ginagawa mo lahat to."

"Alin sa mga ginagawa ko ang di mo maintindihan, Carlo?" inis at di makapaniwalang tanong ni Liyang sakanya.

Swertehan talagang wala ng gaanong customer, ilang hour nalang din kasi pasara na tong shop. At di ko alam kung alam ba ni Liyang nandito kami at nakikita namin sila ngayon.

"Di ko maintindihan lahat-lahat. At di ko rin maintindihan sarili ko kung bakit ginagawa ko to.." sagot ni Carlo sakanya. "..di ko alam kung bakit naiinis ako, di ko alam. Di ko talaga alam." dagdag pa ni Carlo.

"You told me stop right? You told me to remove this feelings that I have you before. Then I just did. Hindi ko na problema kung ano man yang nararamdaman mo ngayon. I just did what you said. I'm tired of chasing, Carlo.." seryosong sambit ni Liyang na ramdam kong paiyak na siya but she's trying not to. Ganyan yan eh, tapang-tapangan lagi kala mo kaya laging maging malakas. "..so please Carlo, I'm begging. Let me, let me be happy?" nakikiusap na dagdag pa ni Liyang.

Pero di siya sinagot ni Carlo. At wala sa sariling lumabas eto ng coffee shop, ni hindi niya nga ata kami napansin dito sa door at nagdere-deretso lang siya palabas. Ng tingnan namin si Liyang ay dun ko napansin ang pagbabagsakan ng luha niya.

Mukhang hindi pa rin niya kami napapansin. Kaya nilapitan namin siya ng di niya namamalayan.

"What the hell do you want, Carlo? Hindi kita maintindihan." bulong niya at napaupo sa upuan.

Kaya nilapitan ko siya at tinap sa shoulder niya kaya nagulat siya napatingin sakin at nagulat nalang ako ng yumakap siya sakin at umiyak.

Wala samin ang nagtakang tanungin siya kung anong nangyari, at nasaan si Vinz. At paanong si Carlo ang kasama niya. Dahil hindi yun ang kailangan niya ngayon.

Kahit ang maiingay na si Elicia at Jessa ay tahimik lang at si Cindy na nakataas ang kilay na parang may ibang iniisip. While si Cristina ay tahimik din at tinutulungan ako patahanin si Liyang.

Hanggang sa maging kalmado si Liyang at dun palang niya nakwento kung anong nangyari. Kanina daw kasama niya pa si Vinz, tapos maya-maya biglang sumulpot si Carlo, at kung ano-ano daw pinagsasabi.

Until sa nasaksihan naming eksena. Pero the question is, where is Vinz? At paano nalaman ni Carlo nandito si Liyang. Psh ang gulo nila.

After magkwento ni Liyang ay nagkayayaan na kaming umuwi, at dahil pare-parehas kaming nag-aalala kay Liyang ay sabay-sabay namin siyang hinatid.

At tsaka kami nag-uwian.

Sobrang daming nangyari ngayong araw, at napagod ako ng isipin ko lahat yun. Pagdating ko sa bahay, naabutan ko si Mommy na nasa sala at parang may binubuklat.

Kaya nilapitan ko siya, at halos gusto ko nalang maluha sa kung anong tinitingnan niya.

It's our family picture.

"Mommy? Nandito na po ako ang maganda niyong anak." bati ko kay Mommy, at pilit pinipigilan ang luha.

Ayokong umiyak sa harap ni Mommy. Kasi alam kong masasaktan din siya.

"Oh, hi baby. Where's your Kuya?" sagot niya ng lingunin ako at sinarado ang binubuklat niya. Hindi siya nakangiti, hindi rin nakasimangot. Just a plain emotion.

I miss her, smiling.

Kailan ko kaya ulit makikita yun?

"Nasa coffee shop pa po, baka bukas pa uwi nun Mom. Sobrang daming gawain kasi sa shop ngayon." sagot ko sakanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Why baby?"

"I love you, Mom. Kuya and I are happy to have you as our Mom. We love you so much." bulong ko sakanya at ramdam kong anytime babagsak ang luha ko. Pero kailangan ko to pigilan.

"Why are you so extra sweet today, baby. May nagawa kang kasalanan no?" bulong niya din sakin.

"No, Mom. Gusto ko lang po talaga lambingin, masama po ba maglambing ang baby niyo?" bulong na sagot ko sakanya.

"No that's okay, baby. I'm so lucky din, na kayo naging anak ko. Alam kong ang dami kong pagkukulang sainyo, but I'm happy na parehas kayong masipag at madiskarte sa buhay. Lalo na Kuya mo, di ko alam kung paano niya nagawang makapagpatayo ng sariling coffee shop at di niya rin napapabayaan pag-aaral niya at pati tayo lalo na sayo, sobrang sipag talaga ng Kuya mo. Kaya proud na proud ako sakanya." sabi ni Mommy sakin. At hinaplos ang buhok ko.

This is their love language on me, nila ni Kuya ang haplusin ang buhok ko. Ginagawa na nila to sakin bata palang ako. They're both sweet. Kaya swerte ako sakanilang dalawa.

"Proud na proud din ako sakanya, Mom."

"Anyway, baby. I prepared food in the table pakitext nga kuya mo na umuwi muna, now na. Para sabay-sabay tayo magdinner. Bukas na ulit siya magtrabaho, minsan lang ako magluto. Lubusin na niya." Mom said kaya bahagya akong nagulat. She really cook for us?

At tsaka kumalas sa yakap namin at tsaka tumayo at nagtungo ng kusina.

Ng maiwan ako ay tinext ko agad si Kuya.

To Kuya A,

Kuya, umuwi ka daw muna sabi ni Mommy. She cook for us, for dinner. Bukas ka nalang daw ulit magtrabaho.

Matapos ko isend yun ay tumayo na ko.

"Mom, pasok lang po akong kwarto. Magbihis lang po ako." pagpapaalam ko sakanya.

"Sige baby, naitext mo na ba Kuya mo?" sagot ni Mommy.

Para kaming nagsisigawan dito, pero sakto lang para marinig namin isa't-isa nakakahiya naman sa kapitbahay kung sobrang lakas. Nasa sala kasi ako, tapos nasa kusina naman si Mommy.

"Yes, Mom. Sige na po, pasok muna ako sa kwarto ko." sagot ko at tsaka pumasok na ng kwarto ko. At nagbihis agad. Palabas na ako ng kwarto ng may marinig akong busina sa labas.

Si Kuya na siguro yun.

Kya dali-dali akong lumabas. At nanakbo palabas ng bahay. At tama nga ako, it's Kuya.

"Kuya." sigaw at salubong ko sakanya.

"Miss na miss mo naman ata ako, A? Parang kanina lang nasa coffee shop ka at nagkita tayo dun." natatawang sambit niya sakin.

"Asa. Sadyang masaya lang ako kasi nakarating ka. Alam mong ngayon lang ulit nagluto si Mommy." sagot ko sakanya.

Kaya tinawanan lang niya ako at inakbayan at sabay na kami pumasok sa bahay.

Yumakap siya kay Mommy, at tsaka na kami kumain ng sabay-sabay.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang magsalita si Mommy. At di namin ineexpect ang sasabihin niya.

"Asher, Angelica? Mga anak ko. I just want to grab this opportunity to say sorry for everything. Sorry sa lahat ng pagkukulang sainyo. I just wake up one day, at narealized kong napabayaan ko na kayong dalawa dahil sa sobrang pagmumukmok ko all this years.." panimula ni Mommy. Kaya napatingin kami sakanya ni Kuya.

"Mom, it's okay." si Kuya.

"..di ko namalayan na sobrang sakit na naramdaman ko dahil sa ginawa ng Daddy niyo, nasaktan ko na pala kayo parehas ng di ko namamalayan. Para kayong biglang nawalan ng magulang at naging ulila. Kahit naman nandito naman sana ako para maging magulang niyo. Kaya sobrang proud ako sainyong dalawa dahil kinaya niyo. Kaya nangangako si Mommy na babawi ako sainyo, babawi ako sainyong dalawa. Mahal na mahal ko kayo. Kayo ang kayamanan, mga anak." dagdag pa ni Mommy.

Kaya di ko mapigilang maluha. Finally, we will have our Mommy back again.

Kaya tumayo ako at niyakap siya, ganun din si Kuya.

Sa kabila ng madaming nangyari ngayong araw, masaya ako nangyari lahat yun. Kung eto naman kapalit ng lahat ng yun.

Ang pagbabalik ni Mommy samin, the Mommy we used to know.

Rewriting DestinyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ