Chapter 26

10 4 0
                                    


Until now, I still can't believe sa mga nalaman ko sa both identity ni Liyang at Carlo. Pero kay Liyang may dati na kong hinala pero pinagpasubali ko nalang kasi baka mali lahat ng assumption ko.

Pero when I heard it clearly from her, tumama lahat ng hinala ko. Pero kahit alam ko na yun, no one will ever know her secret.

Dahil sobrang complicated naman talaga. Knowing na umalis siya noon, dahil ayaw niyang guluhin ng pamilya niya ang mga buhay namin na mga kaibigan niya. She's one of the kind, she deserve to be happy.

But she is part of Grimshaw Family, the most scariest and notorious family in the world, alam kong magiging mailap sakanya ang maging masaya. And I'm so sad knowing that.

Kung may magagawa lang ako matagal ko ng ginawa.

Akala ko buhay ko na ang di okay at di maganda but knowing her story, di ko alam kung paano niya nakakayanan lahat yun.

Hanggang sa maalala ko ang nagbigay sakin dahilan para magkakutob about sa identity niya.

"Liyang, may perfume ka ba? Nakalimutan ko kasi dalhin yung akin." I asked habang nakaupo siya at nakikipagkwentuhan kina Cindy. Kaya nilingon niya ako at ngumiti sakin.

"Meron, kunin mo nalang sa bag." she answered kaya tumango at nagtungo sa bag niya. At binuksan ko to, para makuha ang perfume.

Ang dami niya talaga laging bitbit, kulang nalang bitbitin niya buong bahay nila.

Kinuha ko yung perfume at i-nispray eto sakin. At matapos nun ay binalik ko eto sa bag niya at akmang isasara ko na ang bag niya ng may makita akong bimpo, may nakaburda dito.

Lara Niamh Grimshaw.

Grimshaw? Eto ba yung the most scariest and notorious family in the world. Paanong may ganto siyang bimpo?

Di ko ito gaanong pinagtuunan kasi baka idol niya lang ang Grimshaw.

Kahit kasi nakakatakot at notorious ang Grimshaw, sikat sila sa buong mundo.

Kahit na sa Australia sila nakatira, sobrang ganda raw nung Lara even though no one have a picture of her.

Akmang ibabalik ko na ang bimpo sa bag niya ng may note akong makita na nalaglag sa bimpo. Kaya binasa ko ito.

Lara Niamh Grimshaw
The Only Heir of Grimshaw.
My daughter. Please come home!

Nung mabasa ko yun ay di ko alam kung paniniwalaan ko o hindi, paanong may gantong note sa bag niya. Kaya napalingon ako kay Liyang na masaya na nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan namin.

Hindi naman sigurado, malabo.

Kaya pinasawalang bahala ko yun. At minsan napapansin ko siyang balisa at tila may tinataguan, pero hindi ko lahat iyon pinansin.

Kasi akala ko nung time na yun it's was all because of Carlo. At di ako makapaniwalang ang Lara na sinasabi nila ay si Liyang pala.

And they didn't even lied, when they tell that Lara is beautiful.

She really is kasi.

Pero dahil sa nalaman ko ngayon, mas naintindihan ko na lahat. After namin magkwentuhan sa shop with Carlo, ay hinatid na siya sa lugar na tataguan niya pansamantala while Liyang ay kanina pa tahimik at balisa.

Napansin ko din bago kami pumasok sa shop ay may parang binabasa siya sa phone. At kung tama iniisip ko, it's about her family.

At bahagya akong nag-aalala. Nung magpaalam kami sa mga kaibigan namin na ihahatid muna si Carlo ay buti nalang sumang-ayon sila lahat at di na nagtanong pa.

So di nila nalaman ang dahilan kung bakit nandun si Carlo. Ayun naman kasing mga yun, they know kung kailan sila magtatanong at hindi. In short alam nila limitation nila.

Ng maihatid namin si Carlo ay binilinan lang namin siya na wag lalabas, at hahatidan nalang namin siya ng mga kailangan niya. Habang nasa biyahe kami ni Liyang pabalik sa shop ay bigla siyang nagsalita.

"A? Anong gagawin ko? My father know about my connection with Carlo. At sigurado akong hinahanap na niya ako ngayon." natatarantang sambit niya sakin kaya napalingon ako sakanya.

"Kumalma ka Liyang, we will do everything to hide not only Carlo but also you. Oo wala kami maaaring maging laban sa pamilya mo. But we will do everything to protect you." nakangiting sambit ko sakanya at pilit pinapakalma siya.

"Pero ayokong madamay kayo. Galit na galit si Daddy ngayon. Natatakot ako, A." garalgal na sabi niya sakin.

"Hindi ka namin maaaring pabayaan, Liyang. Buhay mo na pinag-uusapan dito, hindi namin hayaang mawala ka samin. Liyang can I tell this to Kuya?"

"Why?"

"Dahil malaki ang maaaring maitulong ni Kuya sayo. He's a former gangster.." sagot ko sakanya. Wala sa plano i-expose ang past ni Kuya. Pero siya nalang ang nakikita kong paraan na maaaring makatulong kay Liyang ngayon. "..kaya pakiusap Liyang, maging matapang ka. Hindi lang para samin, kundi para sa sarili mo. Please act like Lara Niamh Grimshaw, because that's what you needed right now." dagdag ko pa, dahilan para matauhan siya.

At maya-maya pa ay nakarating na kami sa shop. At habang papasok sa shop ay napahugot nalang ako ng malalim na hininga.

Bakit naman ngayon pa nag kasabay-sabay lahat ng problema namin.

Mula sa pagbabalik ni Denver.

Sa pagkatuklas ko sa identity ni Liyang at Carlo.

Ang paghahabol at pagtatangka ng pamilya ni Liyang sa buhay ni Carlo.

At ang problema ko kung paano ko haharapin si Denver sa oras na magkrus ang landas namin at nagkataong kasama ko si Arie.

Kailan ba matatapos lahat ng to? Sobra ng nagiging kumplikado ang lahat.

Pagdating namin sa shop ay nagtayuan na sila agad dahil oras na para sunduin namin si Arie sa eskwelahan.

Alam kong nakakatakot ang pamilya ni Liyang kaya hindi ko maiwasang matakot na maaring madamay ako, mga kaibigan namin at most specially Arie. But I will not let that happened.

I will protect all of them.

Magpapatrain ako kay Kuya kung paano lumaban. Kaya sinuggest ko rin kanina kay Liyang na sabihin namin kay Kuya, dahil Kuya can teach us to fight. At idadamay ko sa train iba naming kaibigan, kahit di nila alam kung para saan yun.

Hahayaan ko nalang isipin nila na para sa self defense yun. Alam kong after 2 weeks, aalis na si Jessa para bumalik sa ibang bansa pero she still need to be train.

Dahil hindi ko alam kung kailan maaaring matunton ng pamilya niya si Liyang. Nabanggit niya rin sa akin biyahe ang tungkol sa text ng Mommy niya, kaya gusto ko talagang maging handa kami lahat.

"Hi Mommy." masayang sigaw ni Arie at nanakbo papalapit sakin.

Kaya pinantay ko ang sarili ko at niyakap siya.

I won't let anyone hurt you, my princess.

I'm not scared with Grimshaw, because we have our own Grimshaw she just need to be trained.







Rewriting DestinyWhere stories live. Discover now