Chapter 5: Hataw Pa

22K 619 46
                                    

FALLON'S POV

 

 

Grabe! Ang sakit-sakit na ng katawan ko sa kakalinis sa kwartong 'to. Halos dalawang oras na ako pero wala pa sa kalahati ng gabundok na mga kalat ang nalilinis ko.



Pisting Habagat na 'yan, nag-pa-party ba naman kagabi! May bar naman, bakait kailangan na dito pa? Talagang gagawin niya ang lahat, maperwisyo lamang ang kagandahan ko.



"Ang hirap talaga maging sobrang ganda!" maarteng sabi ko at maarteng pinunasan ko pa ang pawis sa noo ko.



Ang dami na nga ng ligpitin ko, ang init-init pa! Kabilin-bilinan kasi ng kamahalan tipidin daw ang kuryente. Okay na daw ako sa hangin mula sa bintana, e kakapiranggot ang bintana sa silid na 'to. Malaki na nga daw ang sahod ko at minsan lamang kung may linisin, kaya tipirin ko naman daw ang gamit ng tubig at kuryente. Demonyo talaga!



Parang dinaanan ng bagyo ang buong silid. At ang kamahalang Habagat ay tulog na tulog pa sa airconditioned niya na lungga.



Isa pa 'yung bedroom niya! Parang ayoko nang pasukin ang berdeng silid na 'yon, paniguradong nagkalat ang mga kapote niya doon! Napakahilig aba! Sobrang polluted na ng utak ko, maging ang mga kamay ko sa kaka-dispose ng used rubber protection to his filthy lust-produced juices! Eew!



"Ahhh... ang sarap!" daing ko nang unatin ko ang katawan ko mula sa pagkakayuko sa kakapulot ng kung anu-anong kalat sa sahig. Nananakit na ang likod ko at balakang.



"Pinagpapantasyahan mo na naman ako" mayabang na sabi ni Habagat



Hindi ako lumingon sa kanya at umirap na lamang sa hangin. "Asa ka naman" mahinang bulong ko



"Baka ikaw" mayabang pa din na sagot niya. Aba at matalas ang pandinig ng kulugo!



Hindi na ako kumibo at ipinagpatuloy na lamang ang paglilinis. Nakangiwing itinapon ko pa sa trash bag ang punit na panty. May nahawakan pa ako na malagkit at madulas-dulas na kulay puting likido sa leather couch na amoy Zonrox! Kadiri talaga! Maliligo ako ng holy water sa Linggo!



"Linisin mo nga 'tong kwarto ko!" sigaw ng kamahalan mula sa lungga niya.



Seriously, ano ba ako dito, housekeeper o yaya ni Habagat?



"Isusunod ko na po, sir. Tatapusin ko lang dito sa sala" sagot ko na lamang.

Impish HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon