Chapter 16: Ampalaya

19K 534 56
                                    

FALLON'S POV


Nanahimik na lamang ako sa sofa habang pinapanood sila Sir Eric, Avy at SWEETHEART na nag-ba-bonding.

In fairness naman sa napakatamis na si SWEETHEART, mukhang hindi pakitang-tao ang pinapakita niya sa bata. Kaya kung sila man talaga ni Sir Eric, okay na din. Para sa akin kasi, kung maghahanap si Sir ng babae niya, dapat 'yong para sa seryosong relasyon na dahil hindi na din naman siya bumabata. At ang dapat number one priority niya at dapat tignan niya sa babae, ay 'yong mamahalin din ang anak niya, para naman hindi maging Cinderella ang buhay ni Avy. Hindi naman mahalaga na maganda, lalo na ang malaki ang boobs!

Kanina, gusto ko nang batukan ang sarili ko sa inakto ko. Nakita ko kasi na parang pinagtatawanan ako ni SWEETHEART. Hindi ko din naman alam kung bakit ganoon. Parang bitter ako na ewan. 


Fallon, naiinis ka kasi nambababae na naman siya

Ay tama! Nakakainis kasi na parang noong nakaraan lamang lugmok sa pagkakawala ni Miss Nicolette, tapos ngayon may bagong babae na naman. Ang bilis mag-move on!


"Tere, gusto mo ba na bisitahin natin sila Lola? Doon na din tayo matulog ngayon. Hindi muna ako papasok bukas" pukaw ni Sir Eric sa atensyon ko.

Napakurap-kurap lamang ako sa kanya. Ilang segundo din nag-process sa utak ko ang sinabi niya. 

"Mukha kasi nag-aalala ka na sa kanila. Ang lalim na ng pagkakakunot ng noo mo. Alam ko naman na nag-aalala ka din sa kanila" masuyong sabi niya at umupo sa tabi ko.

Ang nagawa ko lamang ay ang tumango. May kung ano kasi sa katawan ko na hindi ko maipaliwanag. Parang gusto kong maglulumikot sa inuupuan ko na ewan.

In fairness naman sa kanya, thoughtful. Isa sa mga hinahanap ko sa isang lalaki. Ayoko ng self-centered.

Ngumiti ako sa kanya "Nag-aalala na nga ako sa kanila. Nasira din kasi ang cellphone ko kaya hindi ko matawagan"

Kumunot ang noo niya. "Bakit hindi mo sinabi? Sana biniihan kita. O sana ginamit mo ang landline"

"Okay lang. Gusto ko nga din sana na magpaalam sa'yo noon na uuwi muna kami ni Avy kaso mukhang wala naman sa lugar. Baka mawalan ka ng energizer" sabi ko sa pabirong tono.

Masarap sa pakiramdam na nakakapag-usap kami na ganito. It seems like we could talk about all sorts of things under the sun. Masaya na nawala ang ilangan factor namin sa isa't isa.

"And I thank you for that. You have no idea how good it feels like when you're coming home. You and Avy made this house a home. You bring life and colors to my life. Ang sarap sa pakiramdam na 'pag umuuwi ako, may naaabutan ako na naghihintay sakin. Thank you for staying kahit pa alam ko na may responsibilidad ka din sa pamilya mo"

Hindi ko maipaliwanag 'yong talon ng puso ko habang sinasabi niya iyon. Pakiramdam ko ay nalulunod ako sa titig niya habang sinasabi niya ang mga salitang nakakapag-pataba sa puso ko. 

At ang moment ay nasira sa isang iglap.

"Mag-asawa ka na kasi, Eric" singit ni SWEETHEART sa usapan namin. Nakakairita ang hinhin ng boses niya! Sweet na nga ang pangalan, tinatamisan pa pati ang pagsasalita. Pabebe, putspa!

"Papunta na nga sana ako d'on. Kaso kinuha naman" puno ng lungkot na sabi ni SIr Eric. Tumingala din siya at pumikit.

Ramdam na ramdam ko na nasasaktan pa din siya. Nakonsensya tuloy ako sa naisip ko kanina. Malinaw na malinaw na kay Miss Nicolette pa din siya. 

Impish HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon