Chapter 39: May

17.7K 507 41
                                    

Chapter 39: May


Nang magising ako ay nakaalis na si May. Sayang at gusto ko pa naman s'yang makausap.

"Good morning, Mommy" salubong sakin ni Avy nang bumaba ako ng hagdan.

Tumalungko ako para mayakap s'ya. "Good morning, princess" humalik ako sa pisngi n'ya na kinahagikgik n'ya.

"Kumain ka na?" magiliw na tanong ko sa kanya.

Nakangiting tumango s'ya at bumalik na sa pagkakasalampak n'ya sa sofa at nanood ng TV.

"Good morning, Amihan" bati sakin ni Eric na kakalabas lang ng kusina. Agad na pumulupot ang mga braso n'ya sakin nang makalapit s'ya. Humalik s'ya sa ulo ko at sininghot-singhot ang amoy ko. Mabuti nalang at bagong ligo lang ako.

"Good morning, Habagat" nakangiting sabi ko at kinurot ang pisngi n'ya.

Niyaya n'ya ako sa kusina para makakain. Sabi n'ya ay maaga daw umalis si Karen kanina para sa check-up ng anak n'ya. Isinabay na din ang check-up ni Lola kaya pinasama na n'ya ang driver n'ya.

"Bakit may dala kang driver?" tanong ko sa kanya habang kumakain kami.

Si Avy lang daw ang pinakain n'ya kanina para may makasabay pa akong kumain.

"Pupunta tayo ng orphanage ngayon, Mommy! Birthday ni Lola Nat" singit ni Avy na lumapit sa Daddy n'ya at nagpakandong.

"Oo nga pala" napapalatak na sabi ko.

Pinagpatuloy na namin ang pagkain. Nagpapasubo din si Avy.

Nanonood kami ng Barbie sa TV nang dumating sila Karen. Kinumusta ko ang check-up ni Lola. Medyo mataas daw ang BP

"Tere, may sasabihin ako" tawag sakin ni Karen. Nasa may pinto s'ya ng kwarto ko. Kasalukuyan kasi akong nag-aayos ng mga gamit na dadalhin namin mamaya.

"Tuloy ka" tawag ko sa kanya.

Umupo s'ya sa gilid ng kama.

"Ano 'yon? May problema ba?" tanong ko sa kanya. Tinigil ko muna ang pagsilid ng damit sa bag para tignan s'ya. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata n'ya.

"Nitong mga nakaraang araw kasi napapansin ko kasi na parang may problema si May" simula n'ya.

Napabuntong-hininga ako. Naikwento ko na sa kanya ang nangyari kagabi.

"Ayon nga" bumuntong-hininga s'ya. "Noong isang gabi, may mga binabanggit s'ya sakin. Parang minamasama n'ya ang relasyon n'yo ni Eric. Sinabihan ko nga s'ya na normal ang relasyon n'yo. Pero ginigiit n'ya na binebenta mo daw ang katawan mo kay Eric. Biniro ko pa nga na ang bata naman ng sugar daddy mo. Fallon, ayokong makielam dahil alam kong wala ako sa lugar. Pero kasi sa tingin ko naiinggit na ewan si May sa'yo. At sa tingin ko ay may hindi na s'ya magandang ginagawa"

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Masama ba ako?

Si Eric DOM ko? Ni hindi nga ako humihingi ng pera d'on. Ni hindi nga ako binibigyan ng material things n'on.

Ang pinapakain ko sa kanila, ang tinutustos ko sa kanila, ang mga binibigay ko sa kanila, lahat 'yon ay pinaghihirapan ko. Hindi n'ya ba nakikita ang kung anu-anong raket na pinapasok ko para mabuhay kaming lahat?

Sa lahat ng sakripisyo, si Eric ang reward ko. S'ya 'yong number one source of happiness ko. Tapos ngayon minamasama pa?

"Napansin ko na bago 'yong cellphone n'ya" patuloy ni Karen. "Kamukha n'ong kay Eric kaya alam ko na mahal 'yon"

Impish HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon