Chapter 35: Oo

18.8K 567 32
                                    

NOTE: Sorry sa typos, nagmamadali ako para sa simbang gabi ;)


______________


FALLON'S POV


"'Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Eric na mukhang seryoso sa pag-drive

"Basta" seryosong sagot n'ya.

Hindi ko nalang kinulit dahil baka nag-ko-concentrate s'ya sa pagpipigil. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagtanaw sa labas ng bintana.

Huminto kami sa tapat ng isang park. Dito kami nag-practice noong unang beses n'ya akong sinundo.

"Sarado na 'to ng ganitong oras. Saka akala ko mag-di-dinner tayo?" baling ko sa kanya.

Hindi n'ya ko sinagot at bumaba na ng kotse n'ya. Umikot s'ya sa gawi ko para pagbuksan ako. Bumaba nalang ako at hinayaan s'ya na ipulupot ang braso n'ya sa likod ko.

"Ang dilim-dilim na o" reklamo ko sa kanyang nang lumapit kami sa gate.

"Kung hindi mo pinilit ang gusto mo, edi sana kanina pa tayo nandito" masungit na sabi niya.

Napasimangot nalang ako.

May lumapit samin na lalaki. "Buti ho at dumating na kayo" nakangiting sabi n'ya

"Pasensya na ho kung natagalan" sagot ni Eric.

Tumingin sakin ang lalaki. Salamat sa ilaw mula sa poste at nakikita ko pa s'ya.

"Napaka-swerte mo, hija" nakangiting sabi n'ya sakin.

Ngumiti nalang ako. Swerte talaga ako. Kasi mahal ako ni Ericson Jyn Jacobs.

Hinila na ako ni Eric papasok sa loob.

Hinila ko s'ya pabalik. "Ang lakas na maka-horror. Bukas nalang tayo dito"

"Kung nakikinig ka sakin, edi sana kanina pa tayo nandito. Ginusto mo 'to kaya 'wag ka maarte" masungit na sabi n'ya.

Napairap nalang ako at nagpahatak sa kanya.

Edi s'ya na talaga ang na-badtrip sakin kanina. Ang sungit-sungit.

"Habagat" nahihintakutan kumapit ako sa braso n'ya.

Ano ba naman kasi ang trip nitong lalaki na 'to? Re-rape-in n'ya ko dito? Gosh! Hindi rape 'yon kasi gusto ko din!

Napangisi nalang ako sa iniisip kong kahalayan.

Napakurap-kurap ako nang tumikhim s'ya ng malakas.

"Let there be light!" malakas na sabi n'ya at may kasamang pagtaas pa ng dalawang kamay.

Napanganga nalang ako nang bumaha ang ilaw sa buong lugar.

Ang ganda!

Namamanghang ginala ko ang paningin ko sa paligid. Bawat puno ay may mga christmas lights na iba't iabng kulay. Parang nasa Liwanag Park lang kami. 

May pamilyar na kanta na pumailanlang sa buong lugar. At malakas na napasinghap ako nang may mga lumabas na pamilyar na mga mukha mula sa kung saan-saan.


  There's no way to say this song's about someone else
Every time you're not in my arms I start to lose myself
Someone please pass me my shades
Don't let 'em see me down
You have taken over my days
So tonight I'm going out

Impish HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon