Chapter 33: Espesyal

19.6K 562 21
                                    

FALLON'S POV


Para na akong tinutupok ng apoy sa sobrang init na nararamdaman ko. Pakiramdam ko mababaliw na ako sa sensasyong idinudulot ni Eric sakin. Lalo na ang kaninang ginawa n'ya na pakiramdam ko ay nakalutang na ako sa alapaap. 

Tila nahihipnotismo na tumitig ako sa mga mata n'ya. 

Mahal na mahal ko ang lalaki na 'to.

Inangat ko ang kamay ko para haplusin ang mukha niya. May kakaibang init na humaplos sa puso ko nang ipikit n'ya ang mga mata n'ya at dinama ang paghaplos ko sa balat n'ya.

Kahit na nasa mainit na sitwasyon na kami, hindi matatabunan ng init ng katawan ko ang init na nararamdaman ko sa puso ko. Kakaibang init ito na idinudulot ng pagmamahal n'ya sakin.

"Mahal na mahal kita, Eric" emosyonal na bulong ko.

Nagdilat s'ya ng mga mata at isinandig ang noo n'ya sa noo ko.

"Mahal na mahal din kita" paanas na sabi n'ya.

Ramdam na ramdam ko ang katotohanan ng mga salita n'ya. Kahit na alam ko na marami akong shortcomings, na hindi ako bagay sa isang katulad n'ya, na madami akong insecurities sa buhay, kahit kalian hindi n'ya naparamdam sakin na may kulang sakin. Oo, may mga pagkakataon na ang ibang tao at ang sitwasyon ang sumasampal sakin ng katotohanan. Pero palagi n'yang pinaparamdam sakin na espesyal ako.

At dahil sa pagmamahal ko sa kanya, pilit na pinipikit ko ang mga mata ko sa panghuhusga at insekyuridad na nararamdaman ko. Tinatabunan ko ng pagmamahalan namin ang lahat ng hindi magagandang bagay sa buhay ko.

Para sakin, si Eric lang sapat na. Kahit pa hindi s'ya mayaman, gwapo, o mawala n'ya ang lahat ng magagandang katangian n'ya, mamahalin ko pa din s'ya. Dahil s'ya ang minahal ko, hindi ang kung ano'ng mayroon s'ya. At alam ko na ganoon din ang pagmamahal n'ya sakin.

Ayokong masira kami dahil lamang sa magkaibang estado namin sa buhay. Kahit na hindi kami bagay, gaya ng sinasabi ng mga tao sa paligid, ipaglalaban ko s'ya. Kasi mahal ko s'ya. Pipilitin ko na punan ang lahat ng kakulangan ko ng pagmamahal ko sa kanya.

"Sigurado ka na ba dito? Gusto mo na talagang gawin 'to?" masuyong tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko.

Pinakiramdaman ko nang maigi ang matigas na bagay na nakadiin sa may hita ko. Alam ko na gustong-gusto na n'ya na gawin ito, na angkinin ako. Ang sarap sa pakiramdam na mas inuuna n'ya pa din ako kaysa sa sarili n'ya.

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Pilit na inabot ko din ang pagkalalaki n'ya.

Sa totoo lang ay nahihiya ako na hawakan s'ya d'on. Pero gusto ko na maiparamdam sa kanya na mahal ko s'ya. Gusto ko na maramdaman n'ya na espesyal s'ya sakin at siguradong-sigurado na ako sa pagmamahal ko sa kanya.

Mainit at malambot ang balat n'ya. Pero matigas ang pagkalalaki n'ya. Natatakot din ako sat aba at haba nito.

Pero kahit na patagalin pa naming 'to, parehong masasaktan din naman ako. Malaki si Eric at birhen ako. Hindi naman ako tanga para hindi maisip na masakit ang unang pagniniig. Sa daliri n'ya palang kanina ay may kirot na. Paano pa kapag ang pagkalalaki n'ya na.

Pero mahal ko s'ya. May tiwala ako sa kanya.

"Angkinin mo na 'ko" paanas na sabi ko sa kanya.

Parang may nakita akong nagliyab sa mga mata n'ya. Para bang ang mga salita ko lang ang hinihintay n'ya.

Kinuha n'ya ang kamay ko mula sa pagkalalaki n'ya at sinubo n'ya ang daliri ko. Napaungol ako sa init ng bibig n'ya. Napaarko na din ako ng katawan nang damhin muli ng kamay n'ya dibdib ko.

Impish HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon