Chapter 26: HHWW

19.4K 552 35
                                    


FALLON'S POV


Eric Jacobs:

Sunduin kita ng 11. Don't skip your dinner :*


"Ka-text mo na naman si fafa E" nanunuksong sabi ni Jenna sakin.

Hindi ko napansin na nakisilip na pala sila sa screen ng cellphone ko.

Dalawang linggo na simula nang una akong ihatid ni Eric dito sa school. At dalawang linggo na din akong palaging inaasar ng mga kaibigan ko sa panliligaw sakin ni 'fafa E'

"Papatagalin mo pa ba ang panliligaw, Ate F? Baka magsawa naman 'yan, sukuan ka. Fafa na magiging bato pa" hirit naman ni Romana

Natatawang napailing nalang ako sa kanila.

Ako ang pinakamatanda saming lahat kaya Ate nila ako. Kasama ko sila Jenna, Romana at Danna sa dance crew at kaklase ko din sila. SI Danna ay kapit-bahay ko pa. Siya ang nag-impluwensya sakin na dito sa school na 'to mag-enroll at sumali sa dance troupe para sa allowance.

"Hay naku, hindi 'yan susuko. Hatid sundo pa 'yang si Ate Tere sa bahay" sabi naman ni Danna.

Noong una ay napapapayag ko pa si Eric na sa labasan lang ako ihatid, pero lumipas ang isang linggo at hindi na siya pumapayag. Siya naman daw ang pagbigyan ko.

"Haba ng hair!" nakangising sabi ni Jenna. May kasama pang hampas sa braso ko.

"Ingat, girls. Baka matapakan niyo ang hair ni Ate F" nanunuksong sabi ni Romana nang mamataan na namin si David na papalapit samin.

Si David ang unang lalaking nagsabi sakin na gustong manligaw dito sa school. Tinapat ko naman na s'ya noon na wala s'yang pag-asa. Una, masyado s'yang bata para sakin. Pangalawa, hindi ko s'ya lubusang kilala. At higit sa lahat, may may-ari na ng puso ko. May nakaukit na na 'Ericson Jyn Jacobs' sa puso ko.

Landi ko lang talaga.

"Hi, Fallon" malaki ang pagkakangiting bati ni David

"Hello" bati ko din pabalik. Ayoko namang maging bastos.

"May boyfriend na si Ate Fallon" sabi ng atrimitidang si Jenna. Hinila n'ya pa ako at nagmamadali nang umalis

"Bakit parang ang init naman ng dugo mo kay David?" tanong ni Romana

Binitiwan na ako ni Jenna at bumagal na ulit ang lakad namin.

"Pa-fall kasi. Kawawa kaya si Chelsea sa kanya. Pinaasa-asa n'ya tapos biglang nanlamig" binalingan niya ako. "Alam mo, Ate F, kasalanan mo. Dumating ka lang na-wapakels na si David kay Chelsea"

"Grabe ka naman" depensa ko. Kasalanan ko ba 'yon?

"Ano ka ba. Hindi na kasalanan ni Ate F na maganda s'ya" pagtatanggol naman ni Romana.


Exactly my point! Joke.

"Drop the topic na nga. Hindi 'yan ikauunlad ng ekonomiya, lalo na ng beauty natin" sabi ni Donna. "Ang isipin nalang natin, ang H-O-T na prof natin sa drawing!" patiing sabi niya.

Napailing nalang ako. Basta talaga pogi, buhay na buhay ang dugo ng mga batang 'to.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Fourth floor pa ang room namin para sa drawing.

Impish HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon