Chapter 50: Achieved

19.9K 617 49
                                    

FALLON'S POV


I feel so nervous. Nanlalamig na ang mga kamay ko. Pakiramdam ko pa ang masusuka ako.

Umisip ako ng ibang bagay para matanggal 'yong hilo ko. 

"Congrats!" masayang bati sakin ng kaklase ko.

Ngumiti ako ng tipid sa kanya.

"Uy! 'Wag kang kabahan" natatawang sabi n'ya. "Namumutla ka na oh"

Tumango at sunud-sunod na huminga ng malalim.

Hindi ko maipaliwanag 'yong saya ko. 

Finally, graduate na ko!

May diploma na ako na maipagmamalaki ko.

May na-achieved na ko. 

At parang dream come true, na cum laude pa ko.

Nang ma-ospital si Lola, hindi ko na ni-expect 'to. Pero dahil sa mga ginawa ni Eric, naging posible pa. 

Sobra-sobra 'yong kaligayahan ko ngayon.

Tinapik ako ng katabi ko. "Tawag ka na sa stage" nakangiting sabi n'ya.

Tumango ako at ilang sandali pa bago ko nakuhang tumayo. Kabadong-kabado ako habang umaakyat ng stage. 

This is it!

I cleared my throat. "Magandang hapon po sa lahat" nakangiting bati ko sa mga tao. Dumako ang tingin ko sa banda nila Eric. Kumaway sila sakin kaya ngumiti ako ng malapad sa kanila. Nakita ko kay Eric kung gaano s'ya ka-proud sakin. At dahil sa masayang mukha n'ya, tuluyan nang napawi ang kaba ko. Sa lahat ng pagkakataon, s'ya ang lakas ko.

"Mayroon po akong alam na isang tula na mula pagkabata, naging inspirasyon ko na buhay. Ito ay isinulat ni Walter D. Wintle. Narinig ko lang 'to sa isang estudyante na nag-pa-practice ng kanyang valedictory speech.


If you think you are beaten, you are;
If you think you dare not, you don't.
If you'd like to win, but you think you can't,
It is almost a cinch that you won't.

If you think you'll lose, you're lost;
For out of the world we find
Success begins with a fellow's will
It's all in the state of mind.

If you think you're outclassed, you are;
You've got to think high to rise.
You've got to be sure of yourself before
You can ever win the prize.

Life's battles don't always go
To the stronger or faster man;
But sooner or later the man who wins
Is the one who thinks he can!


Sa buhay natin, madaming pagsubok. Gan'on ang buhay. Pero sa bawat pagsubok, may makakasama tayo na magsisilbing ating lakas. Kaya hindi dapat tayo sumuko. Walang yaman na nakukuha sa madaling paraan. Walang gintong aral na nakukuha sa mababang pang-unawa.

At sa bawat pagsubok sa buhay ko, gusto kong magpasalamat sa lahat ng tao na naging lakas ko. Sa mga kapamilya at mga kaibigan ko. Sa mga naging guro ko. Sa lahat ng tao na nagbigay ng kulay sa buhay ko.

Maraming salamat sa inyong lahat. Kung wala kayo, wala ako dito ngayon. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko matatamasa ang ganitong parangal.

Maraming salamat sa institusyon na nagbigay sakin ng pagkakataon na makamtam ang isa sa mga pangarap ko. Noon, inisip ko na imposible na na makapagtapos pa ako ng pag-aaral. Pakiramdam ko ay nalipasan na ako ng panahon. Na huli na ako para sa pangarap na 'yon. Pero gaya ng sabi nila, walang imposible sa buhay. At masaya ako na nakamtan ko ang tagumpay na ito.

Impish HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon