Chapter 55: Happy Lang

24.1K 518 28
                                    

Note: Malanding chapter 'to, okay?



FALLON'S POV


"You're stressing yourself too much" reklamo ng asawa ko.

Nakayakap s'ya sakin mula sa likod. Nakaupo s'ya sa sofa at ako naman ay nakaupo na pagitan ng mga hita n'ya. Ang magkabilang paa n'ya ay nakataas sa magkabilang gilid ko. Parang tarsier pa kung maka-kapit sakin.

I sighed. Hinaplos ko ang braso n'ya na nakayakap sa bewang ko. "I have to. Malapit na ang exam. Kinakabahan ako"

It's already five years since I graduated. At ngayon lang ako makaka-pag take ng exam. Noon kasi, ayaw ni Eric na ma-stress ako dahil nga buntis ako. Nang makapanganak naman ako, hindi ko maisingit ang pag-aaral dahil full-time Mom ako. Sabi ko kapag naka-isang taon nalang ang kambal. Kaso, namatay naman si Lola, kaya emotionally unstable ako. Then nag-expand ng business sila Eric kaya kailangan talaga ng suporta ko. At alagain ang mga anak namin kaya naka-focus ako sap ag-aalaga sa kanila.

Ngayong four years old na ang kambal, at pwede na silang iwan sa isang tabi at malilibang na sila sa paglalaro na hindi masyadong require na alagaan, I can finally find my time to study.

Kaso kabadong-kabado ako. Ang tagal na mula nang makatapos ako. Mula umpisa talaga, ni-re-review ko. Tatlong buwan na akong nag-re-review, at next week na ang exam. Kinakabahan ako!

Ibinaon ni Eric ang mukha n'ya sa leeg ko. "Kapag stressed ka at pressured, mas mahihirapan mag-absorb ng info ang utak mo. Mag-relax ka lang. Ang talino mo kaya. Kayang-kaya mo 'yan" malambing na sabi n'ya.

Napangiti nalang ako. Isinandig ko din ang ulo ko sa ulo n'ya. Naramdaman ko ang pag-higpit ng yakap n'ya sakin.

"Meryenda muna tayo?" tanong ko sa kanya.

"Mamaya na. Relax ka muna. Hindi pa naman umaangal 'yong mga alaga ko" sagot n'ya.

Binitawan ko na ang binabasa ko na reviwer at sininop ang mga gamit ko sa lamesita. Napasandal nalang ako sa kanya at napapikit nang maramdaman ko na mgaan na humahalik na s'ya sa leeg ko.

Kinuha ko ang unan sa tabi ko at niyakap para pasimpleng takpan ang pag-akyat ng mga kamay n'ya sa dibdib ko. Nasa katapat na upuan lang kasi namin ang kambal. Naglalaro ng Barbie si Freia at si Finnick naman ay nanonood ng Cars sa iPad. Nauto kasi sila ng Daddy nila na mag-di-Disney Land kami after ng board exam kaya kapag sinabi ni Eric na mag-behave sila ay sumusunod naman sila.

Mahilig mag-laro ang kambal sa graden o sa pool area. Pero dahil sabi ng Daddy nila na hindi na kami aalis kapag hindi sila nakuntento maglaro sa loob ng bahay, nanahimik ang dalawa sa sala. O kaya naman ay sa play room nila. At bawal din daw mag-pasaway sakin ngayon, kasi hindi na matutuloy ang alis namin.

Alam na alam talaga ni Eric kung paano uutuin ang dalawa.

Pigil na pigil ko ang ungol ko. Kahit kasi nakadamit ako, alam na alam pa din ni Eric kung saan pipisil. He's pinching my n-ipples even with my clothes on.

Napahawak ako sa binti n'ya. Naramdaman ko na ang marahang pag-kagat n'ya sa balikat ko.

Nang sa tingin ko ay hindi ko na talaga kaya, inalis ko na ang kamay n'ya sa dibdib ko at marahang tinampal ang pisngi n'ya. Tumayo na din ako at diretso na ang lakad ko sa kwarto.

"Josephine, paki-bantayan na muna ang mga bata" narinig ko na bilin ni Eric. Alam ko din na naka-sunod na s'ya sakin. "Kids, behave" dagdag n'ya pa.

Impish HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon