Chapter 8: Yakap

20.9K 578 18
                                    

FALLON'S POV



"Tama ba 'tong ginagawa ko?" nakangiwing tanong ni Sir Eric habang nag-i-scoop ng gatas ni Avy.



Tumango ako sa kanya at hinele-hele ang nagwawalang prinsesa. Ngayon ay biglang naging iyakin si Avery. Nag-ngingipin kasi. Medyo nahihirapan na nga ako dahil ngayon lamang ako nag-alaga ng baby na ganito katagal. Nag-babysitter na din ako noon pero pinakamatagal na ang isang linggo. At hindi pa ako nag-aalaga ng baby na may sakit.



Laking pasasalamat ko nga na kinukuha ni Miss Erica ang pamangkin kapag Friday. Iyon lamang ang pahinga ko. Pero naglalaba pa din ako at naglilinis ng bahay dahil nanghihinayang naman ako sa ibabayad sa katulong. Mabuti na din na tinutulungan ako ni May.



Ang pwesto namin sa palengke ay pinaupahan na lamang namin dahil hindi ko na maaasikaso pa ang pagluluto. At para makatutok na din ang mga bata sa pag-aaral.



Pero gumagawa pa din kami ng pastillas at yema na ibinebenta ng mga bata sa eskwelahan. Sa umaga naman ay isinasabay ko na sa niluluto ko na ulam namin ang mga order ng mga teachers at mga tricycle drivers.



Kahit na malaki ang sweldo ko kay Habagat. Kailangan ko pa din naman na mag-ipon para sa mga kapatid ko. Baka mamaya ay biglang topakin ang kamahalan at bigla kaming palayasin dito sa bahay niya.



After a decade, natapos na din sa pagkakanaw ng gatas ang kamahalan.



"Namamayat ka" sabi niya habang matiim na nakatingin sa akin.



Pinaikot ko ang mata ko sa kawalan. "Mahirap po mag-alaga ng bata, lalo na kapag nagngingipin"



"Nanlalalim ang mga mata mo" ang kaninang concern na pinapakita niya ay napalitan ng nakakalokong ngisi. "Tapos lumiliit pa 'yung boobs mo"



Malakas na napasinghap ako. Binato ko siya ng takip ng bote. "Ang manyak mo talagang hayop ka!"



Humahaklak naman siya na siyang kinaiyak ni Avy.



Hindi ko na pinansin pa si Habagat at hinele-hele na lamang si Avy. Sa awa naman ng Diyos ay nakatulog na siya matapos dumede.



"Pasyal tayo bukas, Tere" sabi ni Sir Eric habang relax na nakahiga sa kama, katabi ang anak niya



Nakiki-Tere na din siya at feeling close na, mula nang marinig niya na iyon ang tawag sa akin ng pamilya ko.

Impish HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon